"Unang pangingisda niyan anak ay grabe talaga, natatakot pa sa isda."
Ang mumunting bahay ni Tatang Ben ay napuno ng halakhak at kasiyahan ng ikwento ang mga pangyayari sa buhay ni Leonardo ng narito pa siya nakatira noon habang kumakain kami kasama ang asawa at mga anak nito.
Pagkatingin ko kay Leonardo ay nakayuko lamang ito habang kumakain, marahil ay nahihiya siya. Sa loob ng maikling panahon ay ngayon ko lamang nakakitaan sakanya ang ganiyang reaksyon. Nahihiya siya sa isang bagay na ngunit walang magagawa, napahagikhik ako sa isipang iyon.
"Lagi pang tambayan iyang dalampasigan ng mga kababaihan noon tuwing hapon dahil mga alas singko sila umuuwi daling laot."
"Inang tama na ho iyan." Nahihiyang sambit ni Leonardo.
Tumawa lamang kaming lahat dahil sa reaksyon nito. Nakikita ko kung gaano kalapit ang magpamilya sakaniya. Hindi ko man alam ang dahilan kung bakit siya nanirahan noon rito ngunit alam kong hindi naman siya napapabayaan. Kitang kita ko ang pag aasikaso nila rito, maging sa akin ay mabait sila. Mabait rin naman si Leonardo kung kaya't nasisiguro kong ganoon lamang ang isinukli nila rito.
Pagkatapos naming kumain ay hinatid kami ng mag-asawa sa labas malapit sa kabayo.
"Mag-ingat kayo sa pag-uwi, at Seniorito bumisita ka naman rito upang sa ganon ay makapag kwentuhan tayo ulit. Isama mo na rim si Maria."
Pagkatapos noon ay dumiretso na nga kami ni Leonardo pauwi. Pagkarating ko sa bahay ay sakto namang dumating din si Inay at Itay.
"Nay, Tay! Ginabi ho ata kayo?"
"Nako anak kakaunti lamang ang mga buyer, nahihirapan kaming ibenta ang mga mangga."
Tinulungan ko silang bitbitij ang mga gamit papasok sa loob.
"Kumain na ho ba kayo?"
"Oo anak, maliligo na lang kami at magpapahinga na." Pagkatapos akong halikan sa noo ni inay at itay ay dumiretso na rin ako sa aking kwarto. Pagkatapos kong maglinis ng katawan ay doon na rin ako nilamon ng antok.
............
"Maria mabuti na lamang at naisipan mo talaga ito, malaki ang tulong nito sa manggahan."
Nakangiti naman akong tinutulungan sila sa pag hihiwa ng mga mangga.
"Matagal ko na itong ginagawa, lagi kasing may binibigay na mangga kina itay noon. Kesa sa mabulok ay hinanapan ko ng paraan. Felisita paabot nga ng basjet diyan."
Sa loob ng tatlong araw ay iyon na nga ang ginagawa ko. May mga kasamahan kami rito sa bodega at halos sa amin ay mga dalaga. Karamihan sa manggahan ay ang may mga edad at kalalakihan. Kahapon pa iyong huling beses kong nakita si Seniorito ngunit sa malayo lamang at kausap pa nito si Mang Kepweng, sa pagkakaalam ko ay naroon siya ngayon sa ibang taniman dahil may inasikaso sa Maynila si Seniorito Reynaldo. Hindi niya rin naman siguro maiwan iwan sa kambal dahil kasalukuyan itong nag-aaral para sa pasukan. Nakikita ko siya araw araw ngunit hindi kami nagkasama gaya noong linggo, marahil ay marami lang talagang ginagawa ito. Ang totoo ang gusto ko lang naman talaga siyang makausap, oo nakikita ko siya pero hindi ko alam kung nakikita niya rin ba ako. Nakakalungkot isipin na parang ako lang iyong may gusto na makasama siya.
"Maria pinapatawag ka ng Seniorito."
Dali dali akong naghugas ng kamay at tinanggal ang apron sa katawan. Hindi mawala ang ngiti sa aking mukha, parang kanina lamang ay naghuhurumintado ako dahil gusto ko na siyang makita ngayon ay talagang pinatawag pa ako nito. Sumunod ako rito, ngunit nanlumo ako ng hindi si Leonardo ang aking nakita kundi ang kambal. Ang pag-asang nabuo sa akin ay biglang gumuho na parang palasyong nadaanan ng matinding lindol. Gustuhin ko mang maging malungkot ngunit hindi maaring kakitaan sa aking mukha nadismayado akong ang kambal na Seniorito ang nagpatawag sa akin.

BINABASA MO ANG
El Unico Que Amo
General FictionAng pag-ibig na hindi inaasahang mabubuo sa hindi inaasahang pagkakataon. Ang pag-iibigan na binuo ni Isabela at Leonardo ay sing tibay nang diyamente ngunit paano kapag ang tadhana na nga ang sumubok sa tatag nila? kakayanan pa kaya nito? Subaybaya...