MARIA
Napabalikwas ako sa kama ng mapanaginipan ko ang isa sa mga anak ni Don Tiburcio
"Diyos ko pong mahabagin." napahawak na lamang ako sa aking puso dahil sa sobrang bilis ng tibok nito.
Agad akong tumayo at niligpit na ang aking higaan. Ito na pala ang unang araw ko ngayon sa mangahan, kailangan kong maghanda upang maging maayos ako sa aking pagtatrabahuan. Pagkatapos kong magligpit ay lumabas na ako sa aking silid. Alas singko pa lamang ng umaga kaya madilim pa ang paligid.
Pumunta naman ako sa kusina upang magsaing at magluto ng agahan at baon narin namin mamaya sa pananghalian.
"Oh anak masyado pang maaga.'' napalingon ako kay itay na ngayon ay nasa likod ko na at kakagising lang.
"Magandang umaga ho tay, si Nanay gising na ho ba?" lumapit ako rito at nagmano
"Oo, nagliligpit ng higaan."
"Kung ganon ho ay, maghintay na lamang kayo doon sa lamesa at hahatiran ko kayo ni nanay ng kape." agad namang tumango si itay at ngumiti sa akin. Gawain ko na talaga tuwing umaga ang magluto ng agahan at pagtimplahan ng kape sila itay. Nasanay na rin kasi ako na kapag si nanay ang unang magigising siya ang magluluto at ako ang magdidilig ng panananim. Bitbit ang dalawang tasa ng kape papunta sa lamesa ay nakita ko naman si nanay na kakaupo lamang.
"Magandang umaga ho inay." bati ko rito at pagkalapag ko nang kape ay nagmano ako rito.
"Magandang umaga rin anak. " agad na sumimsim ito sa kapeng dinala ko. Bumalik naman ulit ako sa kusina para ihain sa mesa ang ulam at kanin na niluto. Pagkabalik ko ay nakalagay na sa mesa ang plato at mga kutsara't tinidor. Tahimik kaming kumakain nang magsalita si tatay.
"Kamusta naman pala anak ang lakad ninyo kahapon?" tanong nito, malamang ay tinutukoy nito ang karerang pinuntahan namin.
"Ayos naman ho itay, katunayan nga ho ay marami akong kinita kahapon, marami ang mga naroon upang manood. Laking pasasalamat ko kay Mang Ingkong na kinumbinsi niya ang mga naroon upang mamili nang kakanin ko." masayang tugon ko rito. Agad namang ngumiti si inay at itay. Mukhang natuwa rin ito sa ibinalita ko sa kanila.
"Siya nga pala anak pinaalam na ng tatay mo kay Sinang kung pwede kang magtrabaho sa mangahan. Ngayon raw ay papasok ka na subalit na kay Seniorito Leonardo pa rin daw ang desisyon kung maari kang magpatuloy." nasamid naman ako nang bangitin ni inay ang pangalan ng binatang nakita ko kahapon. Nakakagulat dahil nais ko pa namang iwasan ito, nakakahiya ang ginawa ko kahapon. May sinambitla pa akongkaya mo yan nakakahiya. Wala akong mukhang maihaharap kay Leonardo, paano nalang kaya mamaya?
"Oh anak ayos ka lang?" binigyan ako ni itay ng tubig na maiinom at agad na hinagod ang aking likod.
"Pasensya na ho, nabigla lang ho ako." uminom lang ulit ako nang tubig bago muling magsalita.
"Tungkol ho sa trabaho ko ay nabanggit nga sa akin ni Mang Ingkong iyon kahapon. Nalaman niyang pinaalam niyo raw ho ako kay Aling Sinang kahapon. Naroon din daw ho kasi siya." tumango naman si itay. Nagpatuloy na kami sa pagkain. Pagkatapos kong maglinis nang hapag kainan at maghugas ng mga plato ay inihanda ko na ang baon namin para sa tanghalian. Dapat akong magdala dahil aabutan kami ng hapon mamaya. Wala nang panahon para umuwi. Pagkatapos ay agad akong nagligo.
Minsan pa lamang ako nakapasyal dito sa mangahan ni Don Tiburcio noong naiwan nina inay at itay ang pananghalian nila. Napakalawak talaga ng Hacienda nila, kahit pa man may pagkamataasin si Don Tiburcio ay mataas naman ang pasahod niya sa mga mangagawa. Nakakatuwa rin at dahil sa lapad ng hektaryang meron siya ay hinayaan niya na lamang kaming mga dukha na tumayo ng sarili naming tahanan sa kaniyang kalupaan. Ang Hacienda Trinidad ay mayroong taniman nang mga Mangga, may mga alagang hayop din gaya ng baka, baboy at kabayo sa pinakadulong bahagi nang lupa ng mga Trinidad nakatayo ang malaki at matayog na Mansyon nila.
BINABASA MO ANG
El Unico Que Amo
Fiksi UmumAng pag-ibig na hindi inaasahang mabubuo sa hindi inaasahang pagkakataon. Ang pag-iibigan na binuo ni Isabela at Leonardo ay sing tibay nang diyamente ngunit paano kapag ang tadhana na nga ang sumubok sa tatag nila? kakayanan pa kaya nito? Subaybaya...