●●●●●
Ang pintig ng puso kong hindi mapigilanSa tuwing ang iyong mga mukha ay nasisilayan
Ang kabang hindi ko maintindihan
Kapag ang baritono mong boses ay mapakinggan
Marahil ay dala lamang ito nang matinding antisipasyon
Sa mga bagay na hindi ko alam kung saan paroroon
Ngunit bakit sa iyo ko lamang naramdaman
Itong kaba nang pusong puno nang kasiyahan?
MARIA ISABELA
Tatlong araw na ang mga lumipas magmula nang engkwentro naming dalawa ni Leonardo. Sa loob nang dalawang araw na iyon ay hindi ako mapakali at hindi ako makatulog nang maayos magmula noong mismong araw na iyon. Binabagabag ako nang aking konsensya kung hihingi ba ako nang tawad sakanya at ang isa pa noon ay tatlong araw ko na rin siyang hindi nakikita sa manggahan.
Wala akong mapagtanungan sa mga trabahador maging kina itay at inay dahil mismong ako ay nahihiya sa kung ano ang isipin nila, at ang katunayan ay hindi ko alam kung paano humarap sakanya pagkatapos ko siyang pagsabihan nang ganoon. Kung tutuusin ay normal lang naman iyon eh, na magalit ka dahil sa sinabi niya pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nababagabag na hindi kami maging maayos. Merong parte sa akin na umaasang magiging mag kaibigan kami pero ang estado namin sa buhay ang isa sa mga nagpipigil sakin na kamtin ang bagay na iyon. Kahit pa man ibinuhat niya ang bayong para sakin at kahit pa sumabay siya saking mananghalian ay hindi pa rin iyon sapat para kaibiganin niya ako. Marahil ay hindi na rin gugustuhin nitong kaibiganin ako dahil sa nangyare noong nakaraang araw o hindi kaya ay dahil sa wala rin siyang intensyon na kaibiganin ako.
Kasalukuyan ako ngayong nasa mangahan. Pagkatapos rin kasi noong engkwentro naming dalawa ni Leonardo ay umuwi na ako. Ipinasabi nalang ni Aling Sinang na maari na akong magtrabaho sa manggahan. Natuwa naman ako sa balitang iyon, dahil marahil ay inaprobahan na ni Leonardo ang pagtatrabaho ko sa kanilang manggahan. Ngunit nakakagulat ay kinaumagahan noon ay wala siya sa manggahan at tatlong araw ko siyang hindi nakita.
"Kaya naman pala tatlong araw wala si Seniorito ay umalis pala ito."
narinig kong usap usapan nang isang ginang sa di kalayuang puno nang mangga, pawang nalalaman na nito ang dahilan kung bakit wala ang Seniorito. Tahimik lamang ako para kung sakaling mag-uusap mang muli sila ay maririnig ko. Chismosa na kung chismosa nais ko lang naman malaman kung nasaan ang Seniorito, nais ko lamang magpasalamat at humingi nang tawad dito.
"Saksi ako sa pag-iibigan nang dalawang iyan kaya hindi na imposibleng sila talaga ang magkatuluyan, tatlong taon na rin ang nakalipas magmula nang makita ko si Seniorita Cristela. Malamang ay mas lalong gumanda iyon dahil mula ito sa Estados Unidos."
bigla ako napatigil sa aking ginagawa nang marinig ko ang sinabi nang isang ginang. Kung ganoon ay Cristela pala ang pangalan nang babaeng iyon at mahigit sa tatlong taon na silang magkarelasyon? Bigla akong nanlumo sa kaisipan kong iyon, ngunit agad kong ibinawi ang kalungkutan sa aking sistema. Wala naman akong pake kung may kasintahan siya. Ang importante ay makapagpasalamat ako at makahingi nang tawad rito.
Napairap na lamang ako sa kaisipang iyon, sus kung tutuusin ay hindi lang naman mga normal na binata ang nanliligaw sa akin marami sakanila ay nakapagtapos na nang kolehiyo at may sarisarili nang propesyon. Kaya bakit ko ikakalungkot kung may kasintahan siya? eh wala naman akong gusto sakanya.
Ilang sandali pa ay may narinig akong ingay sa di kalayuan. May nagtatawanan at parang tuwang tuwa nga ang lahat nang naroon. Ibinaling ko ang aking paningin upang malaman kung ano nga ba ang nangyayari. At nakita ko roon si Leonardo na nakangiti at sobrang natutuwa sa lahat nang naroon. Ibang iba ang mga ngiti niya, tila ba nasasabik itong may makita at agad akong napangiti roon. Napakatamis talaga nang mga ngiti ni Seniorito kahit pa ang kaniyang mga mata ay ubod nang misteryo.
BINABASA MO ANG
El Unico Que Amo
Ficción GeneralAng pag-ibig na hindi inaasahang mabubuo sa hindi inaasahang pagkakataon. Ang pag-iibigan na binuo ni Isabela at Leonardo ay sing tibay nang diyamente ngunit paano kapag ang tadhana na nga ang sumubok sa tatag nila? kakayanan pa kaya nito? Subaybaya...