ONE

31.4K 261 6
                                    

"HMMM... bakit nga kaya ganun? Pag single ka, all you see are happy couples. Pero kapag committed ka na, all you see are attractive singles!"

Napangiti si Ciarra sa sinabing iyon ng best friend niyang si Geneva. Naroon sila sa   café na pagmamay-ari niya sa Katipunan--  ang  "Sweets for my Sweet. Magtatatlong taon na ang café niya. Bukod sa masasarap na cookies, cupcakes , at cakes na siyang specialty nila ay espesyal din ang kape at inuming tsokalate ang sinisilbi nila roon.

"Ano ba namang tanong 'yan, Gen?" pabirong tanong  niya rito, sabay  irap.

"Ang bilis naman kasi. Sure ka na ba ta--"

"Kung may lakad ka sa Sunday, i-postpone mo muna. Gusto ko, present ka rin sa araw na 'yon. At hindi puwedeng wala ka."

"As if kapag wala ako, hindi matutuloy ang pamamanhikan," malamyang sabi nito.

"Siyempre, dapat lang nandoon ka, 'no! Para naman hindi ako masyadong kabahan sa pag-estima ng family ni Justin. Alam mo naman si Nanay, mas tensiyonado pa kaysa sa akin. Simpleng salusalo lang naman ang magaganap pero hindi na makali sa pagpaplano ng preparasyon. At saka,  baka hindi makarating si Ate Cita. Kabuwanan na niya at anytime,  eh, baka manganak na."

"Pang third baby na ba ng sister mo?"

"Yup." Sa puntong iyon ay hindi  niya maiwasang malungkot. Naalala niya ang kanyang namayapang ama. Kung buhay pa sana ito ay tiyak na kasama niya itong haharap sa pamilya ng kanyang nobyo. Siguradong ikatutuwa ng kanyang ama ang nakatakdang maganap.

It's about time, Sweetie... Let's get married.

Nilukob siya ng hindi maipaliwanag na pakiramdam nang sumagi sa isip niya ang mga katagang iyon. Naisip niyang  ganoon nga lang siguro  ang feeling kapag alam mong nalalapit na ang paghaharap ng dalawang angkan upang pag-usapan ang detalye ng kanilang magiging kasal.

Dalawang linggo na ang nakalilipas mula nang mag-propose si Justin. Sinorpresa siya nito ng isang dinner date sa Tangerine Meditteranean Restaurant sa Greenhills.

Nang hilingin niyang kailangan nitong pormal na mamanhikan ay agad naman itong sumang-ayon na labis na ikinatuwa ng kanyang ina. Ang Ate Cita niya na magtatatlo na ang anak ay hindi pa rin naikakasal sa simbahan bagaman nagpakasal na sa huwes.

Napansin niya ang biglang pananahimik ni Geneva. Nawala ang kaninang masayang ekspresyon sa mukha nito.  Nakapangalumbaba  ito  habang nakatingin  sa kabilang table kung saan may magkaparehang malagkit ang titigan sa isa't isa.

"Bakit naman ganyan ang hitsura mo? Daig mo pa ang naluging Intsik."

Bumuntong-hininga ito. Kapagkuwan ay nilagok nito ang natitirang laman ng mug. "Akala ko ba wala pa kayong balak na magpakasal ni Justin,  not in the next two years, kesyo napakarami pa ninyong inaasikaso. Lalo na siya sa family business nila. At ikaw naman sa plano mong pagbubukas pa ng isa pang branch ng Sweets. "

Saglit na natigilan siya.  Ngunit mabilis din niyang pinalis sa isip ang pagsulpot ng anumang agam-agam.  "Alam mo, doon din naman kami patungo, hindi ba? So, bakit pa namin patatagalin? At 'yong pagbubukas ng isa pang branch ng Sweets, eh, tuloy pa rin naman. Medyo maisasantabi lang muna for now. Maybe next year ko na maaasikaso 'yon."

Nasa tamang edad na siya para lumagay sa tahimik. At ganoon din naman si Justin. In fact, hindi naman nila magiging problema ang pinansiyal na aspeto dahil kapwa maayos ang kani-kanilang mga kabuhayan.

Alam  niyang hindi siya nagkamali sa pagpili rito. Decent, responsible, and  very workaholic  ito. Ito ang tipo ng lalaking matiyaga sa lahat ng bagay. Sa katunayan, kahit ilang beses na niya itong binasted noon ay patuloy pa rin itong nakipagkaibigan sa kanya. Iyon ang paraan nito ng panunuyo sa kanya hanggang sa unti-unti na ring nahulog ang loob niya rito. At isa mga dahilan ay madali nitong nakuha ang loob ng kanyang ina.

I LOVE YOU, DON'T CRY (Published under Dream Love #11 book imprint)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon