SEVEN

6.5K 88 3
                                    


MATINIS na tunog ng cell phone ang gumising sa diwa  ni Ciarra kaya napadilat siya. Saka  lang siya naging aware na dinadama pala ng mga daliri niya ang kanyang mga labi sa paraang tila katatapos lang niyang makalasap ng makapugtong-hiningang halik. Eh, hindi nga ba? Kanina lang ay mapangahas na hinalikan siya ni Miguel at nasampal niya ito!

Hah! Huwag ka ngang hibang, Ciarra! Wala nang dahilan para alalahanin mo pa ang mga bagay na may kinalaman sa taong iyon, mabilis na kastigo niya sa sarili.

Bumalikwas siya ng bangon. Hindi pa rin nasusubhan ang nadarama niyang tensiyon dulot ng mga pangyayari.  Tuloy, gusto na niyang batukan ang sarili o 'di kaya'y iumpog  sa pader ang sarili    at baka-sakaling mapagkit na sa memorya niya ang mga kahiwagaang dala ni Miguel.

Alam niyang dapat niyang  iwasan ito, dahil iyon talaga ang tama at nararapat. Maling-mali na hinayaan pa niya ang sariling makita ito.

"Matagal na tayong tapos, Miguel..."

Ngunit sa pagkakakataong iyon ay napagtanto niya ang katotohanang hindi pa rin pala nagbabago ang epekto  nito sa kanya.

Patunay na kahit anong awat niya sa sarili ay haplos-haplos pa rin niya ang kanyang mga labi kasabay ng ibang klaseng init na gumagapang sa kanyang kaibuturan. Matagal na panahong hindi niya iyon naramdaman ngunit ngayon ay bumabalik na para bang multo na gumigiit sa kanyang kamalayan.

Nabaling ang tingin niya sa nag-iingay na aparato. Nakapatong iyon sa bed side table. Nang dadamputin na niya iyon ay saka naman tumigil. Nang dadamputin na niya iyon  ay saka iyon tumigil.  Naghintay siya ng ilang segundo ngunit hindi na iyon tumunog.

Minabuti niyang uminom ng mainit na gatas.  Tangan  niya ang baso ng gatas nang tumunog ang extension phone sa sala. Naisip niyang baka si Justin iyon. May ugali ang nobyo na tumatawag sa kanya sa mga alanganing oras.

Huminga muna siya nang malalim at saka sinagot ang tawag. Subalit muntik na niyang mabitiwan ang hawak na baso nang makilala ang boses sa kabilang linya.


"PLEASE don't hang-up on  me, Ciarra," ani Miguel sa nagsusumamong tinig.

Narinig niya ang marahas na paghinga nito.  "Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Miguel. Tigilan mo na ako."

"I know I broke your heart pero hindi lang ikaw ang nasaktan sa naging desisyon ko noon," pagsisimula niya.

Tumawa ito nang pagak. "Bingi ka ba o sadyang hindi ka lang makaintindi? Sabi ko, tigilan mo na ako. Tantanan mo na ako. Wala nang saysay na balikan pa ang mga nangyari noon."

"Ciarra, please—"

"Naiintindihan mo ba ang ginagawa mo, ha? Nanggugulo ka na, Miguel. Tahimik na ang buhay ko."

"Titigil lang ako kapag napatunayan kong wala ka nang nadarama sa—"

"Ang tindi rin ng bilib mo sa  sarili, Miguel. Inisip mo bang ako pa rin ang dating Ciarra na tinalikuran mo noon, ha? Puwes, nagkakamali ka. Hindi ko na kailangang marinig sa 'yo 'yan. Ikakasal na a--"

"You don't really love that guy, Ciarra. Magiging miserable lang ang buhay mo... ninyong dalawa."

"How dare you say that! Ano ba'ng pakialam mo? Intindihin mo na lang ang sarili mo. You're just wasting your time and mine. J- just leave me in peace! And get a life!" Pagkasabi niyon ay pinutol na nito  ang linya.

Matagal na napatanga siya sa kawalan. Ilang beses pa niyang tinangkang tawagan ito   ngunit mukhang hinugot na ang plug ng aparato.

Nagpalakad-lakad siya sa maluwang na silid. Isa iyon sa tatlong silid ng bahay-bakasyunan sa loob ng farm na pag-aari ni Robin.

I LOVE YOU, DON'T CRY (Published under Dream Love #11 book imprint)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon