SIX

7.1K 103 16
                                    


"HOY! Ano 'yan!"

Bago pa man lumapat ang mga labi ni Ryan  sa mga labi ni Ciarra  ay ginulantang sila ng tila kulog na boses  na umalingawngaw sa katahimikan ng paligid. Awtomatikong napaigtad si  Ciarra palayo kay Ryan.

Mabilis na nakalapit si Miguel sa kanila,  hinawakan nito   ang kamay niya at  hinila  siya palapit dito.

"Ang tigas talaga ng ulo mo!" paasik na sabi nito sa kanya. Madilim ang anyo nito. "Ano ba'ng sabi ko sa 'yo, ha, Ciarra?"

"Teka nga, ano ba'ng pakialam mo sa amin, Padilla!" sikmat ni Ryan, dinuro nito si Miguel. "Bitiwan mo si Ciarra!"

Pinukol ni Miguel ng naghahamong tingin si Ryan.

"Bitiwan mo 'ko, Miguel. Nasasaktan na ako," daing niya.

Nanatiling hawak nito nang mahigpit ang kamay niya. "Pipiliin mong iisahan mo! Tigilan mo si Ciarra!"

Naningkit ang mga mata ni Ryan. "Sino ka para sabihin sa akin 'yan, ha? O baka naman ikaw ang gustong makaisa kay Ciarra, ha!"

Napahumindig siya, kinilabutan siya sa palitan ng akusasyon ng mga ito. "Magsitigil nga kayo! Pareho lang kayong buwisit!" sigaw niya at mabilis  na  kumalas sa pagkakahawak ni Miguel.

Nagtatakbo na siya palayo.

Tinawag siya ng mga ito ngunit hindi na niya pinansin  ang mga ito.  Walang lingon-likod  na nagtatakbo siya palabas ng eskwelahan, dere-diretso sa madilim na kalsada.

Malayo na ang natatakbo niya nang may biglang pumigil sa kanyang braso. "Saan ka ba pupunta, ha?!" tanong ni Miguel sa kanya.

Tinapunan niya ito nang nang-uuyam na tingin. "Wala kang pakialam! Bitiwan mo nga ako!"

"Ikaw pa ngayon ang galit, ikaw na nga itong pinagmamalasakitan. Kung hindi ako dumating malamang na kung ano na ang ginawa sa 'yo ng tukmol na iyon. Hindi ka ba nag-iisip? Sumama ka sa Ryan na 'yon, lumayo pa kayo sa karamihan at para ano, ha?"

"Masyadong madumi ang isip mo. Palibhasa, gawain mo. Huwag mo ngang itutulad si Ryan sa 'yo. Matino 'yon."

Tumawa ito nang pagak. "At matino pala sa 'yo ang impaktong 'yon, huh?"

"Bitiwan mo nga ako. Nakakasakit ka na."

Pinawalan nito ang braso niya matapos ang marahas na pagbuga ng hininga. "Umuwi na tayo."

"Umuwi kang mag-isa!"

"At ano'ng balak mo, maglalakad pauwi?"

Hindi siya sumagot.

"Halika na, Ciarra. Doon na tayo sa kotse," anito na naging malumanay na ang boses.

Nagpatuloy lang siya sa paglalakad.

"Susundin mo ba ako o gusto mong buhatin pa kita, ha? Naaasar na ako, Ciarra. Alam mong ako ang malilintikan sa nanay mo kapag pinabayaan kitang umuwing mag-isa."

"Huwag kang mag-alala,  hindi ako magsusumbong."

"Dapat lang kung ayaw mong isumbong ko ang nakita ko kanina. Akala mo ba, makokontento ang tukmol na 'yon sa halik lang, ha?"

Napapihit siya sabay sibat dito ng masamang tingin. Ngunit sa labis na inis niya ay hindi man lang ito natinag. Kaya lalo  niyang binilisan ang paglalakad.

"Ang kulit mo talaga. Sabi nang bumalik na tayo sa kotse!"

Gayon na lang ang tili niya nang sa isang iglap ay para siyang sako ng bigas na pinasan sa balikat nito. Nagpupumiglas siya ngunit kayang-kaya siya nito,  lalong dumidiin ang mga kamay nito sa puwitan niya.

I LOVE YOU, DON'T CRY (Published under Dream Love #11 book imprint)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon