Rain

165 1 0
                                    

Kinabukasan habang papunta sa eskwelahan, di inaasahang nakasalubong nya ang babaeng nakabangga niya kahapon. Unang araw ng pasukan ngayon, sakto baka pareho silang dito nag-aaral.

"Hey! Ikaw yung kahapon right?", pambungad ko.

"Uy ikaw pala Edward! Sorry kahapon ah, nagmamadali lang talaga ako. Salamat din sa pagtulong sakin"

"San ka ba papunta kahapon at nagmamadali ka?"

"Pinuntahan ko lang yung lola ko. Pinuntahan kasi namin yung puntod ng nanay ko. Death anniversary kasi niya kahapon"

"Eh bakit parang ang saya mo naman ngayon?"

"Maaraw kasi kahapon tsaka may rainbow pa! kaya masaya din ako."

"Ano naman ngayon?"

"Ah basta hindi mo maiintindihan. Malalim pinaghuhugutan ko", sabi nya sabay tawa pa.

"Anyway, dito ka rin sa *toot* high school pumapasok? Tara sabay na tayo"

"Okay!"

Naghiwalay na kami ng landas dahil 3rd year palang pala siya. 4th year naman ako. Dumating ang lunch break at nakatambay ako sa canteen kasama mga tropa ko nang biglang natanaw kong pumasok siya ng canteen mag-isa. Oo nga pala, nakalimutan ko itanong pangalan niya.

"Hey!", tumayo na ko para salubungin siya.

"Nakalimutan ko nga pala itanong pangalan mo. Samin ka nalang sumabay maglunch kung wala kang kasama.", dagdag ko pa.

"Salamat, ako nga pala si Lorraine."

"Lorraine... pwede bang Rain nalang itawag ko sayo para cool?"

"No call me Lorraine. I hate rain. I mean i dont like it when it rains."

"Ooohhh sorry ako kasi gusto ko ang ulan haha kahapon nga lang di umulan sa birthday ko eh", pagkkwento ko.

"Oh birthday mo pala kahapon? Belated! Kasabay pa ng death anniversary ni mama", mababakas ang lungkot sa mga mata niya.

"Salamat. Tara kain na tayo!" , pag-iiba ko sa usapan.

Pinakilala ko naman siya sa mga kaibigan ko. Nag kwentuhan kami. Hanggang sa magkatanungan kami ng mga wish namin nung 7th birthday namin... Mababaw lang ang hiling ng dalawa kong kaibigan: si Sam hiniling daw na magkaron siya ng bagong laruan, si Luke naman humiling na magkaron siya ng madaming kaibigan. Si Trisha naman nakakagulat dahil bata pa lang hiniling na nyang magkabalikan ang mga magulang nya. Kaming dalawa lang ni Lorraine ang ayaw magsabi ng wish, hindi naman na nila kami pinilit.

Nanghihinayang si Sam dahil sana winish na lang daw niyang magkaron ng girlfriend kesa ng laruan na di na niya nagagamit ngayon. Kalokohan talaga neto. Si Luke naman masayang masaya sa wish nya, isa lang naman siya sa mga sikat sa batch namin kaya sobrang dami talaga ng kaibigan niya. Si Trisha kuntento naman sa naging takbo ng isip niya nung bata pa lang siya. Hindi alam ng parents nya yung wish nya, at na dahil pala sa kanya kaya nabuo uli ang pamilya nila.

Napag-usapan namin na sana ang hiniling nalang pala namin ay magkaron pa uli ng pagkakataon humiling kung kelan may muwang na kami sa buhay. Pfft pero at 7 years old? What a tradition! Sana ginawang at 13 years old man lang para matino tino na ang wish namin.

Ewan ko ba dito sa Encantadia. Ang sabi-sabi ng mga ninuno namin dalawa daw bestfriends ang nakadiskubre ng tradisyon na yun dito. Magkasama daw ang dalawang bata tawagin na nating si A at B na nagcecelebrate ng birthday nila. Pareho silang napatingin sa buwan bago ihipan ang kandila ng mga birthday cake nila at tahimik at sabay pala nilang hiniling na sana araw araw na lang silang magkasama magmula bukas. Kinabukasan nagulat sila nang maaksidente ang pamilya ni A. Mag-isang anak lang siya at parehong dead-on-arrival ang mga magulang nito. Dahil dito inampon na ng pamilya ni B si A at araw araw na nga silang nagkasama. Kinwento nila ang tungkol sa wish nila sa magulang ni B na nakarating sa mga kapitbahay nila at sa mga ninuno namin.

Baka dahil kay Artemis na moon goddess kaya nagkatotoo ang wish nila. Sabi nila yung usok daw sa inihipang kandila yung magdadala ng mga wish papunta sa buwan sa langit kung san nakatira ang mga gods at goddesses. Ewan ko na kung totoo yun.

Sabay kaming umuwi ni Lorraine ng araw na yun. Nagkatanungan ng edad, address at cellphone number. Magkatext kami ng mga ilang araw. Masaya ako dahil may bago akong kaibigan. At tingin ko talaga pamilyar ang muka niya sakin.

"Hoy kuya may naghahanap sayo sa labas lumabas ka na dyan", sigaw ni KC mula sa salas.

Dali-dali naman akong lumabas.

Si Lorraine pala. Niyaya niya ko mamasyal, isa daw kasi ako sa mga kaibigan niyang pinakamalapit ang bahay. Gusto niyang mamasyal ng may kasama.

Namasyal kami. Nagkwentuhan. Nagtawanan. Magaan ang loob ko sa kanya, di ko alam kung bakit. Basta ang alam ko masaya kami.

Ilang araw din kaming nagkikita sa school. Magkasabay kaming umuuwi lagi. Di nagtagal naging close talaga kami.

Pero may isang bagay akong napansin sakanya. Sobrang malungkot ang mukha niya tuwing umuulan.

Wish GrantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon