Litrato

86 3 0
                                    

Magkasama kami ngayon ni Rain, pumayag nadin siyang tawagin kong Rain sa wakas. Hinihintay ko siya sa labas ng school namin, sabay kasi kaming uuwi.

Nagpasya kaming magtricycle na nung araw na yun, umuulan kasi. Sabi niya siya na daw magbabayad. Dumukot siya ng mga barya sa wallet niya nang may nalaglag na litrato na dinampot ko naman para isaoli sa kanya pero di ko napigilang tingnan kung sino ito...

...

...

Si papa.

...

...

Bakit may picture siya ni papa na kasama siya at isang babae??? Posible kayang si papa yung tinutukoy niyang nobyo ng mama niya noon???

"Picture namin yan ni mama tsaka ng boyfriend niya noon. Hindi ko na siya matandaan pero base sa mga picture na nakukuha ko sa mga gamit ni mama mahal niya talaga kami ni mama kahit may pamilya siya."

"Sss-siya yung nobyo ng mama mo?"

"Oo bakit parang gulat na gulat ka naman diyan"

"Rain...ako...ako yung anak ng lalaking minahal ng mama mo"

Bakas naman ang pagkagulat sa mukha ni Lorraine. Nung nakaraan lang tinatanong niya kung miserable din kaya ang buhay ng anak ng lalaki ng mama niya. Hindi niya akalaing makikilala niya ito. Sa araw pa mismo na natupad ang wish niya. Sa araw pa mismo ng death anniversary ng mama niya. Pakiramdaman niya pinaglalaruan siya ng tadhana.

"Ssss-sorry Edward. Hindi ko alam.", sabi nalang niya sabay takbo papalayo sakin.

Hindi ko alam bakit ganun ang reaksyon niya, kung bakit sya nagsosorry sakin. Wala naman akong ibang maramdaman kundi pagtataka. Hindi naman miserable ang buhay ko nung nawala si papa, wala na kasi akong matandaan. Pero bakit hindi sinabi sakin ni mama na may babae pala si papa? Kaya pala galit siya kapag si papa ang pag-uusapan. Kaya pala naiinis din siya sakin dahil kamukha ko si papa. Siguro naaalala niya sakin ang pangangaliwa ni pala.

Pag-uwi ko ng bahay sinabi ko ang lahat kay mama. Na nalaman ko na na may babae pala si papa noon. Nagulat naman siya. Paano ko daw nalaman? Kinwento ko sakanya na nakilala ko so Lorraine, ang anak ng babae ni papa.

Iyak naman ng iyak si mama at humihingi ng tawad sakin. Kaya pala nag-asawa siya ng iba at nabuo si KC, sobrang nasaktan siya sa pangangaliwa ni papa, lalo na sa pagkamatay nito. Palagi niyang naaalala sakin si papa kaya ganun nalang ang trato niya sa akin.

"Wag na wag ka nang makikipagkaibigan sa babaeng yon", pakiusap sakin ni mama.

"Pero ma, sa tingin ko mahal ko na si Lorraine."

"Wala ka pang alam sa tunay na pagmamahal. Maniwala ka sakin. Makikilala mo ang true love mo dahil sa naging wish mo nung bata ka"

Ikinwento nalang sakin ni mama ang wish niya nung bata pa siya. Hiniling nya na sana may magbigay sakanya ng balloon sa 7th birthday niya. Sigaw siya ng sigaw "i want my wish" sa park. Nagulat nalang siya ng meron ngang batang lalaki na kaedad niya na lumapit sakanya at binigyan siya ng balloon para hindi na umiyak. Pagtanda na nila nalaman na eto pala yung stepfather ko, tatay ni KC. Ang wish daw ng stepfather ko pala nung 7 years old sya ay sana dahil sa balloon makilala niya ang soulmate niya. Ang lalim naman pala mag-isip ng stepfather ko bata palang. Napagkwentuhan lang nila yung mga wish nila nung matanda na sila at nagkita ulit sila sa park na yun.

"Fate has a plan for us. Our wishes are working for us to meet our soulmate kaya kung ako sayo hihintayin ko siya. Baka dahil sa ulan mo siya makilala dahil diba wish mo palaging umulan sa birthday mo", payo naman sakin ni mama.

"Pero ma alam mo ba hindi umulan netong birthday ko nung nakaraan", pagtatakang sabi ko sakanya.

"Baka yan na ang sign ng tadhana na makikilala mo na ang nararapat para sayo", sagot naman ni mama.

Sign? Tadhana? Totoo kaya yun?posible kayang dahil sa mga wish talaga nung bata makikilala ang soulmate natin?paano naman magiging connected yung mga wish namin? Anong wish ang pwedeng connected sa wish ko na sana umulan tuwing birthday ko?

Wish GrantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon