Isang araw napag-usapan namin ang tungkol sa mga wishes namin. Ayaw padin niyang sabihin yung sa kanya. I finally told her my wish and suddenly she became distant to me. Di ko naman alam kung bakit.
The next few days iniiwasan na niya ko hanggang sa kinompronta ko na siya.
"Huy Rain ano bang problema?"
"Wag mo nga sabi akong tawaging Rain"
"Bakit ba ano bang problema, may nagawa ba kong ayaw mo?o nasabi?sorry na kung pinipilit kitang sabihin yung wish mo"
Saglit siyang napatahimik...
"Kaya pala umuulan tuwing death anniversary ni mama."
Nagulat naman ako dun. Oo nga pala, birthday ko ang death anniversary ng mama niya.
"Ah eh yun ba? Sorry di ko talaga alam bat yun ang hiniling ko nung bata ako"
Kita ko namang nagpipigil siya ng luha bago sumagot.
"Alam mo bang tuwing death anniversary ni mama umiiyak ako. Miss na miss ko na siya kahit 2 yrs old lang ako nung nawala siya. Palagi ko ding nakikitang umiiyak si lola sa bahay. Hindi parin niya matanggap ang pagkamatay ni mama."
"Ss-ssorry. Hindi ko alam."
"Sorry din. Hindi ko alam na meron palang nagwish na umulan sa araw na yun kaya umuulan palagi. Naalala ko may batang nagtanong sa akin dati kung bakit ako umiiyak, 2nd anniversary yun ni mama. Ang sinagot ko sakanya dinadamayan ko lang ang pagluha ng mga ulap sa langit. Alam mong ginawa nung bata? Tinawanan ba naman ako."
Dinadamayan ang pagluha ng mga ulap sa langit.
...
Aha! Sabi na kaya pamilyar to eh! I knew it! Siya yung batang madrama na nakalaro ko dati nung pinalo ako nung birthday ko!
"HAHAHAHHAHA", di ko na napigilan tawa ko.
"Pati ba naman ikaw tatawanan lang ako?", inis na wika niya.
"Ikaw yun! Yung bata madrama sumagot na nakalaro ko dati! Kaya pala pamilyar ka"
"Ha?ikaw yun???", pagtataka niya.
"Oo ako nga! Di mo ba ko naaalala?"
Namula naman siya ng konti. Makakalimutin daw kasi siya sa muka kaya hindi niya talaga ako naaalala. Mabuti nalang ayos na uli kami. Balik na kami sa normal. Close na ulit.
Nakwento niya sakin yung mama niya. Single mother daw yung mama niya pero sabi ng lola niya meron itong naging pinakilala sa kanyang nobyo nito. Kwento daw ng lola niya na may pamilya daw yung lalaki. Kaya di parin tanggap ng lola niya ang pagkamatay ng mama niya kasi kasama daw nito yung lalaki nung namatay ito.
"Salamat ha. Sayo ko palang nakkwento yung tungkol kay mama. Sensitive kasi ako pag yun ang usapan. Ni hindi ko man lang sya nakasama ng matagal. Iniisip ko nga kamusta kaya yung pamilya nung nobyo ni mama? Galit kaya sila kay mama? Sabi kasi ni Lola nagbabalak na makipaghiwalay yung lalaki sa asawa neto dahil kay mama. May anak kaya sila? Miserable din kaya yung anak niya katulad ko?", sunod sunod na tanong niya sakin.
"Bakit naman magiging miserable yung anak niya kung sakali?", tanong ko naman.
"Hindi ko ba nabanggit? Namatay din yung nobyo nya, nauna pa ngang mamatay bago si mama. Dead-on-arrival daw yung lalaki sabi ni lola"
"Teka ano ba kinamatay ng mama mo uli?"
"Car crash. Bumabagyo daw nun kaya madulas yung daan."
"Ahhh. Alam mo ba naaksidente din ang papa ko dahil sa ulan. Lately ko lang nalaman. Kaya nga parang nagsisisi na ko sa winish ko dati."
"Hindi naman sa ayaw ko ang ulan, dinadamayan lang din siguro ako nito tuwing death anniv ni mama. Kaya okay lang siguro na yun ang wish mo", nakangiti niyang sagot sakin.
"Nagpapasalamat ako naging kaibigan kita. Nakilala ko rin yung taong dahilan ng laging pag-ulan tuwing umiiyak ako"
"Baliw ka talaga buti nalang kamo nakabanggaan kita nung isang araw. Nagulat nga ako nun eh birthday ko na di umuulan. Masaya din ako nakilala kita, sa araw pa mismo ng birthday ko" , pagtatapat ko sakanya.
"Ah ayun ba? Nako malalaman mo rin kung bakit :)"
"Bakit may alam ka ba kung bakit di umulan nun?"
Tanging ngiti lang ang isinagot niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Wish Granted
Short StoryOnce upon a time, in a kingdom faraway, wishes are being granted to children below 7 years of age. If you were one of them, what is the one thing you would have asked your genie? Just one. Would you know what's best to ask at that age? or would you...