Pinuntahan ko sa bahay nila si Lorraine, kahit ayaw ni mama. Pagkakita naman sakin ng lola niya nagulat siya, may kamukha daw ako, di lang niya maalala. Gusto ko sanang sabihin na tatay ko lang naman ang kasama ng anak niya ng mamatay ito. Kaso awkward hindi ko na pinaalam na tatay ko ang minahal ng anak niya na mama ni Lorraine. Na umiyak ang nanay ko nung nalaman niyang may ibang babae ang tatay ko, at yun ang mama ni Lorraine.
"Lorraine may bisita ka iha..."
"Oh Edward ikaw pala yan...sorry nung last time tumakbo na ko, ang awkward kasi.", paghingi niya ng paumanhin.
"Wala yun gusto ko lang sanang linawin ang lahat sa atin. Hindi ako galit kahit na nalaman kong babae pala ng papa ko ang mama mo. At para din sagutin ang mga tanong mo noon, hindi naman ganoong naging miserable ang buhay ko", sabi ko.
"Ano kamo iho? Ikaw ang anak ni Delfin???", singit naman ng lola niya.
"Opo ako nga ho", sagot ko.
"Lola siya rin ang dahilan kung bakit umuulan tuwing death anniversary ni mama, wish nya pala na umulan tuwing birthday niya", dagdag pa ni Lorraine.
"Ikaw din iyon iho?? Nako masaya ako at nakilala ka na ng apo ko!", parang kinikilig pa na pahayag ng lola niya.
"Po?bakit naman po?", gulat na tanong ko.
"Lola!!!" , singit ni Lorraine.
"Tara na nga at sa labas na tayo mag-usap.", dagdag pa niya habang hinihila ako palabas. Bakit parang namumula siya?
"Ingat kayo mga apo!", pahabol pa ng lola niya.
"Bakit mo ba ko hinila palabas?"
"May importante akong sasabihin sayo,"
Naglakad lakad kami hanggang sa makarating sa park kung saan kami unang nagkakilala, noong nakabungguan ko siya netong 18th birthday ko.
"Alam mo ba kung anong wish ko nung 7th birthday ko?
"Hindi, sasabihin mo na ba sakin?"
"Hiniling ko na sana sa death anniversary ni mama hindi na umulan."
"Umm okayyy? So ikaw yung dahilan kung bakit di umuulan nung birthday ko???"
"Ahmmm ako nga", sagot niya na parang namumula pa,
"Eh bakit parang namumula ka naman jan?"
"Nakilala kita sa mismong nag-iisang araw na natupad yung wish ko. Netong taon na to lang hindi umulan sa death anniv niya. 10th anniversary pa to. Favorite number ko 10. Sabi ni lola dahil daw sa wish nila kaya nya nakilala si lolo, hindi naman daw directly dahil sa wish pero nung nagkakilala sila napag-alaman daw nila na in some way, connected yung mga wish nila...kaya ahmm natutuwa si lola na connected yung wish natin..."
Habang nagkkwento siya narealize ko naman yung sinabi sakin ni mama...
Fate has a plan for us. Our wishes are working for us to meet our soulmate kaya kung ako sayo hihintayin ko siya.
Baka yan na ang sign ng tadhana na makikilala mo na ang nararapat para sayo
"I-ikaw?? Ikaw ang soulmate ko?", gulat na tanong ko sakanya.
"Nung una hindi ako naniniwala kay lola. Pero netong mga nakaraang araw narealize ko na gusto na kita. Tapos nalaman ko pa yung wish mo."
"Bakit hindi mo agad sinabi sakin?"
"Baka hindi ka naniniwala sa mga soulmate eh", namumula niyang sabi.
"Hahahahaha nakakatuwa ang pula pula mo na, wag ka ngang kiligin jan"
Hinampas naman niya ako ng malakas. Tawa kami ng tawa. Wala na samin yung past ng mga magulang namin. Basta alam namin masaya kaming kasama ang isa't isa.
Pinakilala ko siya kay mama. Nung una ayaw sakanya ni mama pero pinaliwanag ko yung tungkol sa pagwish ni Rain na sana umaraw sa death anniversary ng mama niya. Alam naman ni mama yung tungkol sa wish ko. Di nagtagal natanggap din siya ni mama.
Sino mag-aakalang dahil sa wish na yan ko pala makikilala ang soulmate ko? Wala man akong muwang nung nagwish ako nung bata ako, sigurado namang hindi ito nasayang lang. Dahil meron din palang isang taong gagawa ng wish that will contradict mine, and will make our paths cross with each other.
Destiny...
Soulmates...
True love...
Now i think i do believe that wishes do come true, in the end.

BINABASA MO ANG
Wish Granted
Short StoryOnce upon a time, in a kingdom faraway, wishes are being granted to children below 7 years of age. If you were one of them, what is the one thing you would have asked your genie? Just one. Would you know what's best to ask at that age? or would you...