Isang araw habang inuutusan akong bumili ni Mama ng napkin sa kabilang kanto, nakita ko ang mga batang naglalaro ng patintero.
"Hala Isabel! Nahuli ka na." sigaw ni Junjun, kapatid ng kaklase kong si Jasmine.
"Hindi pa! Buhok lang iyong nahawakan mo." sigaw nito pabalik kaya natawa ako. Labag man sa loob pero isinawalang bahala ito ni Junjun saka patuloy sa pagbabantay.
Bigla akong napatili ng may sumundot sa tagiliran ko. Si Cleo, isa sa mga crush ko pero bukod tangi 'to kasi hindi ako nininerbyus basta malapit siya baka dahilan na may saltik siya sa ulo.
"Cleo! Mamamatay ako ng maaga sa iyo ha!" Napahagalpak siya ng tawa kaya binatukan ko.
"Ang oa mo naman parang sinundot ka lang e." Napailing nalang ako sa sinabi niya at nagpatuloy na sa paglalakad para bumili ng pinabibili ni mama. "Hoy! Ito naman, parang binibiro lang. Pikon agad."
"Oh my. Hindi ako napikon okay. May inutos pala si mama sa akin. 'Wag ka nga magulo." Tinarayan ko siya pero ngumisi lang ang kumag, agad na kumunot ang noo ko at hindi na siya pinansin.
Gwapo sana, pwede na maging jowa ko kaso ayoko. Feeling ko kasi marami akong makakaaway na babae sa kilay palang. Maraming mata akong madudukot kapag tumingin sa makinis niyang mukha at gayahin ang singkit niyang mata na nawawala kapag ngumingiti tsaka napapalitan ng biloy sa kaliwang pisngi.
Nilingon ko siya habang naglalakad. Napatigil siya at tumingin sa akin na parang nagtataka.
"Ano skin care routine mo?" Naibulalas ko habang nakakunot ang noo. "Don't answer it." Pagbawi ko sa tanong sa kaniya. Ngumiti lang siya at hindi nagsalita, which is good.
Maraming nakatambay sa labas ng tindahan ni Manong Jessie kaya nag-aalangan ako kung tutuloy ba sa pagbili sa kanila o sa kabilang kanto nalang kaso mas mahal ang paninda doon.
"Ano na? Bibili ka ba o hindi?" Inirapan ko si Cleo saka nagpatuloy sa paglalakad. Sakto namang malapit na ako ay nagsialisan na ang mga tambay kasi may dumating na may dalang bola na pang-basketball.
"Manong, pabili po."
"Ano iyon?"
"Napkin po."
"Alin dito?" Nilabas ni Manong lahat ng napkin na mayroon sila. Lahat ng inilabas niya ay iba't iba ang klase. With and without wings! Nakatitig lang ako sa mga produkto nang hablutin ni Cleo ang isa. Sabay kaming napalingon ni Manong sa kaniya kaya napatili ako.
"Manong iyong stante po baka mabasag!" Agad na umayos ng tayo si Manong habang si Cleo ay may tinitingnan pa rin. Hinablot ko iyon sa kaniya.
"Akin na nga. Nakakahiya ka."
"Naisip ko lang, what if dinadatnan rin ang mga lalaki? Pero syempre babae pa rin ang manganganak." Puno ng kuryusidad na tanong niya kaya napahalakhak si Manong Jessie saka ako nagsalita.
"Huwag mo ng pangarapin. Masasaktan ka lang."
"Diba? Hindi mo ba naisip iyong reverse universe? Wish I could wear sanitary pad to know the feeling of being a girl." Pumilantik siya ng tingin sa kaniyang kuko, inilagay ang invisible na buhok sa kanang tainga niya at ngumiti sa akin.
Mapanlinlang! Bakla ang boy next door Cleo Sanches ng lugar namin.
BINABASA MO ANG
ONE PART: ONE READ
RandomMy mind is full of scenarios. So, here is a one shot stories compiled to be one!