"Ohmygash! Ano ba naman 'yan!"
Sigaw ko dahil sa gulat. Nakaupo ako sa berdeng damo ng parke habang nagbabasa ng aklat nang biglang may tumapik sa likod ko dahilan para mabitawan ko ito at mawala ako sa binabasa ko. Paglingon ko ay isa sa mga kaibigan ko na mas malapit sa'kin. Masaya siyang tumatawa. Umiling nalang ako at hinanap ang pahina kung saan ako huling nagbasa.Tahimik akong naghahanap ng bigla siyang magsalita.
"Kumusta ka na?" Tanong niya na nagpatigil sa akin sa paghahanap. Tiniklop ko ang aklat, malalim na huminga at nginitian siya.
"Masaya ako."
Ngumiti rin siya at tumingin sa harap naming dalawa. Dalawang taong nakatalikod sa amin. Masayang nagkukwentuhan, nakaakbay ang lalaki habang maya't maya humihilig ang babae sa balikat nito.
"Kasing-saya niya? Naka-move on kana pala?" Nakangisi niyang sabi. Inayos ko ang bag ko saka tumayo.
"Kasing-saya niya. Hindi na importante kung nakamove on na ba ako o hindi pa. Basta masaya siya, pipilitin kong maging masaya."Tumalikod ako, humakbang ng isa,
dalawa,
tatlo,
apat,
lima.
Limang hakbang pero lumingon ulit ako sa kanilang dalawa.
Ang dati kong kasintahan at ang bago niya.
"Masaya ako na binitawan kita."
BINABASA MO ANG
ONE PART: ONE READ
RandomMy mind is full of scenarios. So, here is a one shot stories compiled to be one!