ALA-ALA

6 0 0
                                    


"Love!" sigaw ko saka mabilis na yumakap sa taong mahal ko. Natawa siya nang isiksik ko ang aking mukha sa kaniyang leeg. Inamoy at hinalik-halikan ko ito.

"Babe, stop. Maraming tao." Umiling ako at yumakap ng mas mahigpit sa leeg niya.

Nakakainis. Miss na miss ko siya. Dalawang buwan kaming hindi nagkita tapos ngayon lang ako nakatakas sa bahay.

"Bakit tayo nandito sa mataong lugar? Baka may makakita sa atin." Nag-aalala kong tanong saka tumingala sa kaniya.

He genuinely smiled and safely placed his right hand sa likod ko. I am pouting while looking at his face, he looked so fresh. Naamoy ko ang pabango niya at bago na ito. Hindi ito katulad ng pabango na ginamit niya noong huli kaming magsama kaya napakunot ang noo ko saka humawak sa dibdib niya.

"Bago na pabango mo, ah. I love the smell pero mas better iyong before." He just scrunched his nose at me and kissed my forehead before hugging me tight.

"Mas tumaba ka." Natatawa niyang saad kaya tumingkayad ako at kinagat ang tainga niya.

This is so PDA but I don't care anymore. I just missed him that much. We both hate PDA and as much as possible we don't want to do things inappropriate pero hindi ko maiwasan!

"Babe, that's too much. Let's go. Mababash tayo nito, landi mo kasi." Ngumisi ako sa kaniya saka humawak sa braso niya habang hawak niya ang aking kaliwang kamay. Napailing nalang siya sa ginawa ko ngunit nakangiti.

Napunta kami sa riverbank ng mall. Binitawan ko siya at masayang tumakbo papunta doon nang muntik na akong madulas, mabuti at nahawakan niya ang balikat ko.

"Ingat." Napatingin ako sa kaniya at ngumiti na kita ang lahat ng ngipin. Napatawa siya ng malakas, "Stop smiling like that. Alam ko na may magandang set ng ngipin ka, okay." Kumindat ako at naupo sa mga bench na nakalatag.

Tiningnan ko ang paligid. Walang tao. Ganitong oras, wala pang naglalakad-lakad, hindi gaanong mainit ang sinag ng araw kaya natitigan ko ito habang malamig ang simoy ng hangin. Uulan yata. Napatingin ako sa kanan ko ng may tumunog galing sa phone.

"Hindi mo naman sinabi. Ngingiti naman ako. Ulit." Pero binulsa niya lang ang phone niya at umupo sa tabi ko. Humarap ako ng upo sa kaniya, nakaindian sit pero siya ay nakatingin lang sa harap.

Yumakap ako sa kaniya at tumingin rin sa tinitingnan niya nang biglang may tumalon na isda. I exclaimed and pointed to it.

"Nakita mo ba iyon?" Marahan siyang tumango at ngumiti sa akin. "I miss you. Hindi mo ako kinontak sa loob ng dalawang buwan. Alam mo bang hindi ko na alam ang gagawin ko, mabuti nalang at umalis sila Mama kaya nakatakas ako ngayon." Malalim akong bumuntong hininga at bumitaw sa yakap. Pero ang mga kamay niya ay nanatili sa baywang ko, lumapit ako at tinitigan siya.

I started tracing his face, from his forehead na palagi kong kinokompara sa noo ni Superman, sa makapal niyang kilay na bumagay sa medyo singkit ngunit maganda titigan na mga mata dahil sa pupil niya na defined ang kulay itim. Sa noseline niya at sa matangos na tip ng kaniyang ilong, both of his cheeks are cute na kahit buto ang mahahawakan mo kasi hindi siya mataba ay bumagay sa kaniyang labi na mas makapal ang lower lip at mapula-pula ito. Sa loob ng dalawang buwan na hindi namin pagkikita ay mas dumepina ang kaniyang panga. Hinawakan ko ang buong mukha niya at hinimas-himas ito. Makinis, walang pimple marks.

"Ang swerte ko kasi pinansin mo ang pangungulit ko noon sayo kahit na ang bata ko pa," natawa siya, "thank you for loving me kahit na alam kong mas nagmamahal ako, Leam. I love y—" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay bigla niya akong kinabig at hinalikan, hinawakan niya ang leeg ko gamit ang kaniyang kanang kamay at humigpit ang hawak ng kaniyang kaliwang kamay sa aking bewang.

Nagulat ako at maya-maya rin ay napapikit kahit na kinakabahan dahil hindi mawari ang nararamdaman. Para akong natatae kasi hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari sa aking tiyan habang ang puso ko ay kumakalabog na anumang oras ay nais nang lumabas. Narinig ko pa sa aking tainga ang paglangoy at pagtalon ng mga isda.

Nanlalaki ang mata ko na nakatingin sa kaniya pero nakangisi lang siya at kumikislap ang mga mata.

That was my first kiss!!!!

"Tuturuan kita humalik next time." Nahampas ko siya at lumayo ng kaunti sa kaniya pero natawa lang siya at kitang-kita sa kaniyang mata at mukha ang kasiyahan. Maaliwalas siya tingnan at ang sarap niya titigan at picturan but I don't want to ruin the moment, I captured him using my heart saka inistore sa memory ng utak ko. "I love you, Nelou. Thank you for making me happy so much."

~

Pawis na pawis at hinahabol ko ang hininga ko habang kinakapa ang sariling dibdib kung nasa akin pa ba. Naluluha at hindi makapagsalita. Malalim ang hininga upang pigilan ang paghikbi pero hindi na kinaya nang bumukas ang ilaw ng silid at apat na pares ng mga mata ang nakatingin sa akin na parang naaawa.

Oh please, I don't need those eyes!

Siniksik ko ang sarili ko sa headboard ng kama at umiling sa kanila. Pumikit sila at muling napalitan ang kanila mga mata. Wala na itong expression ngayon pero alam kung naiinis na sila sa akin at naaawa.

Kaawa-awa naman talaga ang taong ginawang mundo ang dapat ay tao lang.

"Stop totally ruining yourself, Nelou Jean! It's not your fault!" Sigaw ng pinsan ko na kapapasok lang ng kwarto.

Wala silang tulog pero mas bakas sa mukha ko ang pagod. Isa-isang tumulo ang mga luha ko at hindi nagtagal ay nagmistula itong waterfalls dahil ayaw nitong matigil. Napapagod na ako umiyak ngunit maraming luha pa ang hindi nakakalabas.

Hindi ako nagsalita at tahimik lang na umayos ng higa saka umiyak ng umiyak.

Baka kasalanan ko. Siguro kulang o sobra. Alin man sa dalawa, hindi naging sapat para manatili ka. Hindi alam kung ano ang gagawin kasi ayaw itapon ang mga ala-alang naipon. Sana may gamot din sa pusong sugatan na gustong makalimot nang sa gano'y wala ng pusong takot na takot.

ONE PART: ONE READTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon