"Bessywap!"
Lumingon ako.
"Oy hi! Bakit ka tumatakbo?" Tanong ko sa bestfriend ko na hingal na hingal dahil sa pagtakbo.
"Sabay na ako sayo ha?" Nakangiti niyang sabi sa akin kaya tumango ako. Alam ko naman kung saan siya tutungo. Maliban sa nakaputi siya ay may dala pa siyang maliit na bag.Nang makarating kami ay ang dami na ng tao. Habang naglalakad kami papasok ay nakita ko ang mga babae, lalaki, bata at mga may edad na. Siguro magulang ng mga batang ito. Agad kong sinuot ang face mask na binigay pa sa akin ng mama ko bago umalis ng bahay. Ganoon rin ang ginawa ni Lori, ang kaibigan ko.
Bago ako pumasok sa pinto na para lang sa akin ay ngumiti ako kay Lori gamit ang aking mga mata. Ngumiti rin siya sa akin at nag-thumbs up. Tinanguan ko siya.
Sana kayanin ko.
"Be narinig ko nakarating na daw si Miss Berdette."
"Ha? Bakit hindi natin nakita?"
"Hindi ko alam! Tara na sa loob!"Saka niya hinila ang kaibigan niya.
Pinanuod ko pa talaga sila kahit na nagmamadali ako. Umiling nalang ako sa ginawa ko. Nang makarating ako sa nais ko ay bumuntong hininga muna ako bago naisipang lumabas sa pinagtataguan ko. Agad na tumahimik ang mga nasa loob. Nagsiupuan sa mga assigned seats nila at ang mga mata ay nakatutok sa akin.
Walang nagsasalita. Wala rin atang humihinga. Ngumiti ako sa kanila at yun yata ang naging hudyat para huminga sila at nagsimulang suminok. Umiiyak ang mga tagahanga ko kung kaya't naramdaman ko nalang ang sarili kong mga luha na lumalandas na rin sa kaliwang pisngi ko. Dahan-dahan akong umupo sa upuan na inilaan nila para sa akin. Nakaharap ako sa kanilang lahat. Nakaharap ako sa mga taong naging parte ng buhay ko. Hinawakan ko ang mikropono na nasa mesa nang dalawa kong kamay dahil sa panginginig ko.
"Patawad."
Ang una kong naibigkas sa kanila. Hindi sila nagsalita hinihintay ang sunod kong sasabihin, siguro.
"Patawad kung nagpatawag ako ng ganito kahit na walang signing event na mangyayari. Patawad kung ngayon lang ako nagpakita at hindi ko kayo sinipot sa tatlong event na ginanap dito. Sa mismong lugar na ito. Tatlong buwan akong nagtago sa inyo dahil nahihiya ako."
Napayuko ako saka tinanggal ang suot na facemask at yun ang ginawa kong pamunas sa luha ko. Bahala na kung ano ang ihuhusga nila.
"Patawad kung sasabihin ko sa inyo ito." Humugot ako ng malalim na hininga saka ngumiti. "Pero magpapahinga muna ako sa pagsusulat."
Iba't ibang reaksyon ang narinig ko sa kanila pero isa lang ang nais kong sagutin, ang tanong nila na,
"Bakit?"
"Lahat naman tayo bago umangat ay dadaan sa panghuhusga ng mga tao. Nalampasan ko na 'yun pero parang hindi ko ata kakayanin na 'yung mga taong naging pamilya ko ay unti-unti nag-iiba ang mundo dahil sa mga mapanghusgang tao. Gusto ko munang magpahinga at sana kayo rin ay hindi man magpahinga pero umiwas sa away dahil lang sa nadawit ang pangalan ko. Ayokong dahil sa akin ay nang-aaway kayo ng ibang tao kaya ito ang naisipan ko. Alam kong maraming magagalit pero may isang salita ako. Babalik ako."
Mas lalong lumakas ang iyakan kaya nabitawan ko ang mikropono saka umub-ob sa mesang nasa harapan ko at doon umiyak. Inangat ko ang ulo ko ng may humawak sa balikat ko sina Papa at Mama pala. Ang mga taong unang tumuro sa akin kung paano magsulat ng abakada ay sunusuporta sa akin para magpahinga muna sa pagsusulat ng mga letra. Tiningnan ko uli ang mga nagbabasa ng gawa ko. Ang iba sa kanila ay tahimik na umiiyak, may humagulgol habang kayakap ang kanilang katabi at ang iba ay umiiyak habang yakap ang unang libro ko na may pamagat na, PAMILYA.
Aklat na inilaan ko para sa kanila.Ramdam ko ang pagmamahal nila.
Ang mga taong nagtiwala sa akin noong nawalan ako ng tiwala sa sarili ko.
Ang mga taong umahon sa akin noong nalulunod ako.
Ang mga taong hindi nang iwan sa akin.
Ang mga taong umintindi sa akin noong mga panahong akala ko galit ang mundo sa buhay ko.
Ang mga taong naging pamilya ko.
BINABASA MO ANG
ONE PART: ONE READ
RandomMy mind is full of scenarios. So, here is a one shot stories compiled to be one!