HALAGA

5 0 0
                                    

Madaling araw na pero papauwi palang ako sa amin. Papasok na ako sa maliit na eskinita, hindi alintana ang tingin ng aking mga kapitbahay. May mga gising pa rin pala kahit na alas tres na ng umaga. Malamang, hinihintay ang pagdating ko para pagsapit ng umaga may bagong tsismis na.



"Psst." Hindi ko pinansin ang sitsit ng lasing na tambay sa tindahan ni Aling Gloria.



"Miss naman. Kahit isang lingon lang diyan!" Saka ito suminok kaya nagtawanan ang mga kasama niya. Agad akong napailing. "Miss, magkano ba?" Sigaw nito na nagpatigil sa akin. Lumingon ako.



"Oh. Celine! Ikaw pala iyan. " Dahan-dahan itong lumakad palapit sakin kahit natutumba na. "Magkano ba kahit ngayong gabi lang?"



"Hindi ako nabibili."



Malakas ang halakhak niya matapos kung sabihin 'yon. Nagsigawan ang mga kasama niyang tambay.



"Ang arte naman. Ilan ba? Liman-daan?" Binigyan ko siya ng sampal dahil sa kawalanghiyaan niya. Tumabingi ang mukha niya at ngumisi, "Hindi ka ba nagpapabayad sa katulad namin? Ano gusto mo? Iyong mga nakakotse at dolyar dolyar ang bayad sayo?"



"Hindi porket binebenta ko ang sarili ko ay may karapatan ka ng bastusin ako. Baka nakakalimutan mo ito, itong katawan ko ang nagpapakain sa anak ko na inabandona at tinakwil mo. At kahit na inanakan mo ko wala ka ng karapatan sa amin na mag-ina mo. Tangina mo."

ONE PART: ONE READTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon