LOVE

5 0 0
                                    

Masaya kong nililibot ang pasilyo ng establishmento. Ito ang pangarap ko, ang malayang makapaglakad at makapaglibot.

"Goodmorning po." Bati sa akin ng mga taong nakaputi ang kasuotan katulad ko. Nginitian ko sila.

Sila ang nurse na nagtatrabaho dito. Araw-araw ko silang nakikita kasi araw-araw naman akong nandito.

"Nursery lang ako. Okay?"

Paalam ko sa kanila sakaling hanapin nila ako. Masaya silang tumango sa akin kaya mas binilisan ko ang pagpunta sa nursery.

Ang daming mga bata. Bagong silang na sa tingin ko ay mga bagong pag-asa ng henerasyong ito.

Lahat sila ay tahimik na natutulog. Lahat sila ay malulusog at halata mong inaalagaan.

Pumasok ako at tiningnan sila isa-isa pati na rin ang kanilang mga pangalan. Hahawakan ko na sana 'yung batang natutulog sa harap ko ng biglang pumasok ang nars.

"Ma'am, bawal po kayo rito."

Nginitian ko siya at dahan-dahang itinulak ang aking wheelchair gamit ang dalawa kong kamay.

"Binisita ko lamang sila."

"Magkakaroon ka rin po ng maraming anak, Ma'am." Nakangiti niyang saad at siya na ang nagkusang magtulak sa akin.

Sana nga magkaroon ng anak ang pasyenteng katulad ko. Pero bago ang anak, makakahanap ba ako ng taong magmamahal sa akin ng totoo? Sa katulad kong pabigat at halos hindi makakilos dahil nawalan ng buhay ang mga paa ko? Mayroon pa bang mga taong, nagmamahal ng dahil sa kalooban at hindi lamang sa nasisilayan?

ONE PART: ONE READTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon