5

1.6K 48 0
                                    

Hinalikan niya ako ng marahas. Hindi na ito kung paano niya ako halikan noon.

"Uhmmph..." Nalalasahan ko na rin ang sarili kong dugo kahit ang luha ko na kanina pang pumapatak.

"Tsk." Humiwalay na siya sa akin at umupo sa sofa.

Wala akong ginawa kundi ang umiyak. Naiinis na rin ako sa sarili. Hindi ko magawang lumaban sa kanya dahil natatakot ako sa pwede niyang gawin sa akin.

Gusto ko na muna lumayo sa kanya. Babalik na muna ako sa amin. Tutal wala naman alam si Tim kung nasaan ang pamilya ko, eh.

Pinunasan ko na ang luha ko bago tumayo.

"Umalis ka na." Kalmadong sabi ko sa kanya pero parang wala siyang naririnig. "Hindi mo ba ako naririnig ah?! Umalis ka na!"

Akala ko kaya siya tumayo ay aalis na pero bigla niya ako hinila para yakapin. Gusto ko lumaban sa kanya pero hindi ko magawa. Para bang hinihigop niya ang lahat na lakas ko.

"I'm sorry. Ayaw ko lang na may kaagaw."

Nang nakakuha na ako ng lakas ay tinulak ko siya dahilan na napaupo ulit siya sa sofa.

"Ayaw ko na magpakasal sayo!"

"Wha- Paano yung mga inayos namin para sa-"

"Wala akong pakialam! At hindi ko na yun problema!" Naglakad na ako pabalik sa kwarto ko at nilock ang pinto.

"Em, open this door." Kumakatok siya sa pinto ng kwarto ko pero hindi ko siya pinapansin. Bahala siya diyan. "I'm sorry. Hindi ko intensyon na saktan ka. Ayaw ko lang na may kaagaw sayo na kahit sino. Ganoon kita kamahal, Emily."

"Iiwan mo na ako."

"Hindi kita iiwanan. Dito lang ako sa tabi mo."

"Umalis ka na. Gusto ko muna makapag isa."

"No, hindi ako aalis rito."

Ugh. Ang tigas ng ulo niya. Ayaw niyang umalis.

Ilang oras ang lumipas ay wala na akong narinig na ingay sa labas. Umalis na yata si Tim ngayon kaya binuksan ko na ang pinto pero nagkamali ako. Nandito pa rin siya sa labas at nakaupo sa sahig. Bakit siya biglang tumahimik?

"Hoy." Narinig ko siyang humihilik. Aba, nakatulog pala. Hindi ko naman siya kayang buhatin para humiga sa kama.

Bumalik ako sa kwarto para kunin ang kumot at nilagay sa kanya. Kahit naiinis pa ako sa kanya ay ayaw ko naman na magkasakit siya. Sagot ko pa ang gastusin kung magkasakit siya sa ginagawa niya. Umupo na rin ako sa tabi niya at pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya.

Naramdaman ko parang may brasong nakapalibot sa akin. Dumilat na ako pero napansin kong gabi na sa labas.

Gabi na?!

Anong oras ba ako nakatulog?

"Ow." Tumingin ako sa tao nasa tabi ko habang hinahaplos niya ang pisngi kung saan tumama ang ulo ko.

"Hmph.. Kasalanan mo yan. Harang harang kasi yang pisngi mo."

"Bakit ba kasi hindi mo pa aminin sa akin na nagaalala ka sa akin?"

"Ang kapal ng mukha mo. Hindi ako nagaalala sayo. Bakit kasi hindi ka umuwi sa inyo at doon ka matulog."

"Marami pa akong ginagawa kaya wala akong oras para umuwi kahit nga matulog. Hindi na rin ako makatulog ng maayos simula pa kagabi."

"Bakit naman?"

Oo na. Inaamin kong nagaalala rin ako sa kanya lalo na hindi siya makatulog ng maayos kagabi.

"Gusto ko rin kasi matapos agad ang pagaayos namin sa venue ng kasal natin."

Bakit kasi ang tanga ng lalaking ito at minamadali ang kasal. Imposible naman kasi matatapos agad ang lahat sa loob ng tatlong linggo.

"Hindi ko pa pala nasagot ang tanong mo kanina." Tumayo na ako para magluto ng hapunan. "Ang gusto ko ay beach wedding."

"Pumapayag ka na ulit?" Para siyang bata na biglang lumiwanag ang mukha dahil sa pagpayag ng magulang sa kagustuhan niya.

"Ano ang magagawa ko? Kaysa naman masayang ang lahat na pinaguran mo."

Agad siyang tumayo para yakapin ako. Ito na naman ang puso ko biglang tumibok ng malakas. Sana nga lang hindi niya marinig ang tibok ng puso ko.

"Salamat. Hindi ka magsisi sa pagpayag mong magpakasal sa akin. Promise, hindi na kita sasaktan ulit."

"Wag mo sana kalimutan ang mga kondisyon ko sayo." Pinitik ko ang ilong niya bago tumalikod sa kanya.

"Hinding hindi ko makakalimutan ang mga yun. Wala kahit isa hindi ko susuwayin. Kahit mahirap ang pinapagawa mo sa akin ay gagawin ko para maging masaya ka lang."

Napangiti ako. Marunong pala siya sumunod sa usapan naming dalawa. Walang problema kung ganoon.

Pagtapos ko magluto ay tinawag ko na si Tim para samahan na ako sa pagkain.

"Ikaw lang pala ang nakatira rito. Nasaan ang mga magulang mo?" Tanong niya sa akin.

"Nasa probinsya sila."

"Saan ang probinsya niyo?"

"Bakit gusto kong malaman ah?"

"Balak ko sana imbitahin sila sa kasal natin. Alam kong biglaan itong pagpapakasal natin pero nasa tamang edad na rin naman tayo. At saka iimbitahin ko rin ang mga magulang ko kahit sila Ethan."

Paniguradong mabibigla sila mama pag nalaman nilang ikakasal na ako. Ang alam nila wala pa ako naging boyfriend dahil ayaw ko na pumasok sa isang relasyon simulang nireject ako ni Keiji.

"Pwede ko ba siyang imbitahin rin?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi. Kung ayaw mo masira ang mood ko sa araw na yun ay wag mo na lang siya imbitahin sa kasal natin."

Ano pa nga ba ang magagawa ko? Talagang ayaw niya kay Keiji kahit wala naman ginagawa sa kanya yung tao. Kahit pa paano ay naging kaibigan ko rin naman yung tao. Hindi naman patas kung hindi ko imbitahin si Keiji pero ayaw ko rin naman masira ang mood ni Tim baka ano pa ang gawin niya sa akin pagkakataon.

"Kailangan pala natin maghanap agad ng beach kung saan gaganapin ang kasal."

"Hindi na kailangan." Kumunot ang noo ko tumingin sa kanya. "May alam na ako kung saan gaganapin ang kasal natin. May isang beach resort na kami ang sponsor. Ipapasara ko na muna yun ng isang linggo para pwede magbakasyon rin doon ang pamilya mo."

"G-Gawin mo yun?" Tumango siya sa akin. "Thank you."

"For what?"

"Matagal ko na kasi gusto makasama ulit ang pamilya ko. Ang huling uwi ko sa amin ay noong kasal pa ng kababata kong kapatid."

"Gusto mo muna umuwi sa inyo?" Tumango naman ako sa kanya. "Pumapayag akong umuwi ka na muna sa inyo."

"Pero marami pa ako kailangan gawing trabaho at wala pa ako masyadong pera para sa pamasahe."

"Wag mo na isipin ang mga yan. Ako na ang bahala kumausap sa boss mo dahil isa rin ang pamilya ko ang sponsor niyo."

Hindi na ako magugulat kung maraming sponsor ang pamilya ni Tim. Mayaman, eh.

"Sasama ka rin ba sa akin?"

"Kahit gusto ko sumama pero kailangan pa namin tapusin ang pagaayos sa venue. Para sa pagbalik mo ay tapos na. Bago ka pala umuwi sa probinsya niyo ay pumunta na muna tayo sa boutique para sukatan ka sa wedding gown mo."

Tumango ako sa kanya. Wedding gown. Matutupad rin pala ang pangarap ko makasuot ng wedding gown sa araw ng kasal ko pero ang hindi lang matutupad ang maikakasal ako sa lalaking mahal ko.

Marrying A Possessive ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon