22

1.2K 37 0
                                    

Ilang araw rin ang pag stay namin sa probinsya bago pa kami umuwi ng Manila. Pumunta na ako ng kumpanya para kausapin si Ethan.

Pagkarating ko sa palapag kung nasaan ang opisina ng CEO ay lumapit na muna ako sa sikretarya ni Ethan. Kilala rin naman niya ako.

"Sir Tim."

"Si Ethan ba nandiyan?" Tanong ko sa kanya.

"Nasa loob po si sir Ethan." Sabi niya sa akin.

"Okay. Salamat." Naglakad na ako papunta sa opisina ni Ethan at kumatok na muna sa pinto.

"Come in." Rinig ko ang boses ni Ethan mula sa loob. Matagal tagal na rin ang huling punta ko rito. Yung huling punta ay noong nahuli kong may kahalikan na babae si Ethan bago pa niya nakilala si Dawn. Nagaway pa nga kami noon sa mga pinag gagawa ng kapatid ko.

Binuksan ko na ang pinto at kitang kita ko kung gaano nakatutok si Ethan sa laptop niya. Kaya tumikhim ako para makuha ang atensyon ng kapatid ko at hindi ako nagkamali.

"Oh. Tim, ano ang ginagawa mo rito?"

"Naparito ako para kausapin ka dahil gusto ko mag apply. Kahit anong position siguro kahit wala ako masyadong alam sa mga gawain dito."

"Okay... Bakit biglaan naman yata ang pag apply mo sa kumpanya?"

"For Tyler's future. Kulang pa kasi ang kinikita ko sa pagiging photographer at Taekwondo trainer ko para sa anak namin ni Em. At bago kami pumunta ng Bicol ay tinanong ako ni Em kung gusto ko daw ba bigyan ng kapatid si Tyler." Nagkamot ako ng ulo. "Siyempre hindi ko tatanggihan yun."

"Sooner or later ay baka yayain ka na lang ng asawa mo... ganoon?" Natatawang sabi ni Ethan.

"Hindi ba nga mas wild pa ang mga babae?" Napapakamot ako ng kilay. Ano ba itong pinagsasabi ko?

"Ewan. Hindi naman wild sa kama si Dawn, eh." Tuloy pa rin sa pagtawa si Ethan. Kabagan ka sana.

"Eh, yung mga babae mo noon?"

"Hoy, hoy! Wala akong kinakama noon na ibang babae hanggang make out lang sila. Dawn is my first."

"Pero dinadala mo ang mga babae mo sa hotel. I know you, Ethan."

"Yeah, maybe but I always passed out. Pagkagising ko ay wala na yung babaeng kasama ko."

Ibang klase talaga itong si Ethan but fair enough dahil ang asawa pala niya ang nakauna sa kanya.

"Mas wild pa ang iniinom kong alak noon kaysa sa asawa ko. Pero subukan mo lang sabihin kay Dawn ang sinabi ko ay lagot ka sa akin. Hindi kita tatanggapin kahit kapatid pa kita."

"Okay, okay. Ano bang position ang available?" Tanong ko.

"Actually, wala naman talagang available position." Kumunot ang noo ko. Ang sabi niya sa akin dati meron pang available tapos ngayon wala na. "Maliban sa pagiging vice president. Ewan ko na lang kung tatanggapin mo ang position."

"Mataas na agad ang position ko. Wala naman akong alam sa kumpanya." Sabi ko. Ang profession ko talaga ang pagkuha ng mga litrato at magturo ng Taekwondo. Hindi ko talaga hilig ang business.

"Of course, bro. Dad is expected you to be part of our company. Ikaw ang in charge pag wala ako dito sa Hollis Industry. Dahil minsan ay nasa isang branch ako. I trusted you, Tim at may magtuturo naman sayo kung ano ang mga gagawin."

"Pero wala akong balak maging CEO balang araw ah."

"Siraulo ka. Wala naman akong balak ibigay sayo ang position ko. I'm giving my position to Logan if he want to work here. Siya ang taga pagmana ko dahil si Logan ang panganay pero depende na rin kung gusto niya talaga humawak ng kumpanya. I will respect my son's decision someday."

"Okay. Kukunin ko na yung position dahil kailangan ko rin talaga ng pera."

Nilahad ni Ethan ang kamay niya at agad ko naman iyon tinanggap.

"Welcome, bro."

"Kailan ako magsisimula?"

"You can start tomorrow. Agahan mo ang pasok dahil may uutusan akong turuan ka bukas. Maybe before 9am ay dapat nandito ka na kumpanya."

"Okay, got it. See you tomorrow." Binuksan ko na ang pinto ng opisina ni Ethan at palabas na sana ako noong nagsalita siyang muli.

"Paano yung ibang trabaho mo?"

"Actually, nagsinungaling ako noon kay Em. Ang totoo niyan ay umalis na ako sa pagiging photographer ko." Tumingin ako kay Ethan dahil alam ko ang tingin na yan. "Mali yang iniisip mo, Ethan. Hindi ko iniwanan ang pagiging photographer ko dahil ayaw ko. Masaya ako sa trabaho ko pero kailangan ko talaga magipon para sa future ni Tyler."

"Sana sabihin mo rin kay Em ang totoo, Tim. Asawa mo siya." Sabi ni Ethan at hindi na ako sumagot pang muli sa kanya.

Paguwi ko sa bahay ay nakita ko si Emily abala sa pagaalaga kay Tyler.

"Hi." Hinalikan ko siya sa pisngi.

"Ang aga mo yatang umuwi ngayon."

Tumabi ako kay Emily sa sofa. Siguro nga tama ang sinabi ni Ethan kanina na kailangan kong sabihin kay Emily na umalis na ako sa pagiging photographer ko.

"May gusto akong sabihin sayo, wife."

"Ano yun?"

"Ang totoo niyan ay umalis na ako sa pagiging photographer ko."

"Huh? Akala ko ba..."

"Hindi mawawala ang hilig ko sa pagkuha ko ng mga litrato. Pero iniisip ko lang hindi pa sapat yung kinikita ko sa mga trabaho ko para sa future ni Tyler kaya naisip ko pumasok sa kumpanya namin."

"Naiintindihan ko, hubby. Pero nandito lang ako kung kailangan mo ng tulong."

"I'm okay, wife." Nilapit ko ang mukua ko sa kanya at hinalikan ko siya sa labi.

"Mmm... Tim, stop." Humiwalay na sa akin si Emily. "Baka magising si Tyler."

"Sige, mamaya gabi na lang. Gusto kong sundan na natin si Tyler." Tumayo na ako para pumunta sa kwarto namin. "Magpapalit lang ako ng damit."

"I love you."

"I love you, wife."

Dahil nga ginawa nina Dawn at Emily ang nursery room kaya doon ang kwarto ni Tyler habang baby pa siya pero paglaki niya ay may sarili rin siyang kwarto. Hindi niya kami maiisturbo ng mommy niya sa love making session namin. At gusto ko na rin naman sundan na si Tyler kaso hindi ko pa tinatanong noon si Emily dahil alam kong hindi pa siya handa noon at hindi ako nagmamadali.

Marrying A Possessive ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon