17

1.2K 41 0
                                    

"Ano ang masasabi sa lugar namin?" Tanong ko kay Tim.

"It's simple. To be honest, gusto ko tumira sa ganito. Tahimik, malayo sa problema sa Manila at magkakaibigan lahat na tao rito."

"Yup, magkakaibigan ang mga tao. Kung may isang sa amin na may kailangan ng tulong ay handa tumulong ang iba."

"That's nice. Sana ganito rin sa Manila but most of people are judgemental and greedy. Pero hindi ko naman nilalahat."

Sang ayon ako doon. Ibang iba talaga ang buhay sa Manila kumpara rito.

"Gusto mo bang maglakad sa labas? Ang sabi ng doctor ay kailangan mo rin maglakad para hindi ka mahirapan sa panganganak mo."

"Parang aga naman niyan. Wala pa ngang limang buwan akong buntis." Hindi pa kasi halata ang tyan ko kaya nagulag sila mama noong sinabi ko sa kanilang buntis ako.

"Mas okay na ang maaga kaysa mahirapan ka. Ayaw kong mahirapan ka, wife."

"Sige na nga. Wait lang. Magpapalit lang ako ng damt." Bumalik ako sa kwarto namin para magpalit ng damit.

Namasyal na kami ni Tim. Sa totoo lang wala masyadong pasyalan dito sa lugar namin. Kung gusto mamasyal ay kailangan pa pumunta sa bayan. Doon ang maraming pasyalan. Isang sakayan lang naman ng jeep para makapunta sa bayan, eh.

"Gusto mo bang pumunta sa bayan?" Tanong ko sa kanya.

"Bayan? Hindi ba malayo pa iyon?"

"Hindi naman. Isang sakayan lang ng jeep para makapunta doon. Kaso para makapunta sa terminal ng jeep ay kailangan natin sumakay ng tricycle. Magastos sa pamasahe pero sulit naman ang punta natin doon."

"Okay. Next time puntahan natin ang ibang lugar dito. Ang sabi ni Fidel kanina ay magkakaroon daw ng piyesta dito."

"Yup, masaya sa ng piyesta." Matagal tagal na rin pala ang huling punta ko sa mga piyesta. Simulang lumuwas kasi ako ng Manila ay hindi na ako nakakadalaw rito pag may piyesta.

"I know. May ibang probinsya na ako napuntahan noon dahil sa trabaho ko."

"Emily?" Pareho kami ni Tim napalingon sa likod noong may tumawag sa akin.

"Aero." Masaya akong makita siyang muli. Noong huling kita ko sa kanya bago ako ikasal. "Musta ka na?"

"Ito okay lang naman ako. Sige, alis na ako. Mukha kasing may pupuntahan pa kayo." Naglakad na palayo si Aero sa amin. Ang weird ni Aero ngayon. Hindi naman siya ganoon dati ah.

"Paano tayo sasakay ng tricycle?" Nilingon ko si Tim noong tanungin niya ako.

"Aabang tayo. May dumadaan namang tricycle dito."

Pagkarating namin sa bayan ay sobrang miss kong pumasyal dito.

"Doon tayo." Hinatak ko si Tim papunta sa isang mall. "Gusto ko kumain ng ice cream. Kaya kakain tayo ng ice cream."

"Anything you want, wife."

Nag order ako ng chili flavor ng ice cream. Yung apat na klase ng chili flavor. Tingnan natin kung kaya ba ni Tim itong kainin.

"What are those?"

"Hindi ba obvious na ice cream ito, hubby?" Napapailing ako ng ulo. Obvious namang ice cream ito dahil nandito kami ngayon sa ice cream parlor.

"Alam kong ice cream iyan. What I mean is... what flavor are those?"

"Malalaman mo iyan mamaya." Umupo na kami sa isang bakante at binuksan ko na ang isang ice cream. Yung hindi masyadong maanghang. Kumuha ako ng konti at inabot sa kanya. "Say ahh..."

"Ahh..." Binuka niya ang bibig niya kaya sinubo ko sa kanya ang ice cream.

"Musta?"

"Masarap pero medyo maanghang siya."

Sinubo ko rin sa kanya yung tatlo pang ice cream kahit yung pinaka maanghang.

"Fuck. Ano ba ito? Bakit paanghang na paanghang yung ice cream." Kinuha niya yung baso sabay alok ng tubig.

"Chili flavor ice cream. May apat na klase kasi ang ice cream na ito. From mild to super spicy."

"Kaya pala sobrang anghang. Sorry pero hindi ako masyado mahilig sa spicy."

"Mahina ka pala sa maanghang na pagkain." Sabi ko sabay subo sa sobrang anghang na ice cream.

"I hate to admit but yeah."

"Huwag ka magaalala wala nito sa Manila dahil dito lang ito."

"Mabuti naman kung ganoon. Hindi ko kakayanin kung bumili ka ng isang gallon ng ganyan. Shit. Namumula na siguro ang labi ko sa sobrang anghang noon."

"Kiss na lang kita." Tumayo na ako para tumabi sa kanya at hinalikan ko siya sa labi. Wala akong pakialam kung napapatingin sa amin ang mga tao. Kanina ko pa kasi napapansin na maraming kababaihan ang napapalingon kay Tim. At ito naman si dedma lang.

"What's wrong?"

"Ayaw ko na dito. Alis na tayo. Sa ibang lugar naman."

Paglabas namin sa mall ay napangiti ako dahil may naalala ako sa lugar na ito.

"Oh. Kanina nakasimangot ka tapos ngayon pangiti ngiti ka na."

"May naalala lang kasi ako dito."

"Ano yun?" Kunot noo tanong ni Tim.

"May parade kasi dito noon. Nandito kaming lahat para manood ng parade tapos dito ko rin nakilala si Dawn. Believe it or not, nawala si Dawn noon kaya tinulungan namin siya hanapin ang mga magulang niya. Nahirapan kami hanapin sila dahil sobrang daming tao."

Ang dami naming pinuntahan ni Tim pero nagpasya kaming bumalik na bago pa gumabi. Baka kasi hanapin na kami. Hindi pa kami nagpaalam na pupunta dito.

Kahit matagal na rin ang huling punta ko rito ay alam ko pa rin ang mga lugar.

Paguwi namin sa bahay ay nakasalubong namin sina papa at Fidel na naglalakad. Pauwi sila galing siguro sa palengke.

"Saan kayo galing?" Tanong ni papa sa amin.

"Sa bayan lang po. Pinasyal ko doon si Tim."

"Ano masasabi mo, kuya? Maganda rin doon pag piyesta."

"Babalik kami rito ni Em pag malapit na yung piyesta dito." Napatingin ako kay Tim. Wala talagang pangako na hindi niya tinutupad. "Nangako rin ako sa kanya na babalik kami para ipasyal niya ako sa iba pang lugar. Baka sa susunod ay dadalhin ko na ang kotse ko para marami kami mapuntahan."

"Sama ako diyan, kuya. Ipapasyal ko kayo sa mga magagandang lugar."

"Sure." Nakangiting sabi ni Tim. Magkasundo talaga ang dalawang ito. Alam ko naman gusto ni Fidel na magkaroon ng kuya at nakikita niya iyon kay Tim.

"Ano ang naririnig ko? Saan kayo pupunta?" Tanong ni Maki.

"Ipapasyal ko sila sa susunod na balik nila rito. Magdadala si kuya Tim ng kotse niya pagbalik."

"Papayag ako basta isama mo si Lance."

"Okay. Alam mo namang assistant ko iyan anak natin. Hindi ba, buddy?"

"Opo!" Masayang sagot ni Lance kay Fidel.

Marrying A Possessive ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon