14

1.2K 34 0
                                    

"Wag mo na isipin ang presyo, Em. Ako na ang bibili nito para regalo ko sa anak niyo ni Tim."

"Nakakahiya naman, Dawn."

"Ano ka ba. Wag ka na mahiya sa akin. Sa tagal pa naman ng pagkakaibigan natin ay handa akong tumulong sayo at saka asawa ka ni Tim kaya sister-in-law kita."

Wala na ako masabi kay Dawn dahil simulang mga bata pa lang kami ay marami na rin naitulong sa amin ang pamilya niya. Hindi nila kami iniisip na ibang tao.

"Bilihin na natin itong crib para maipadeliver na rin nila."

Konti pa nga lang ang nabili naming gamit para sa baby dahil hindi pa nga namin alam kung ano ang gender. Nagpasya kami ni Dawn na babalik ulit rito pag nalaman na namin ang gender ni baby.

Paguwi namin sa bahay ay abala na kami pareho sa pagdedesign ng isang kwarto para maging nursery room.

"Dito natin ilalagay yung crib tapos doon naman yung mga toys ni baby pag malaki na siya." Humarap sa akin si Dawn. "Sana lalaki ang magiging baby niyo para ibigay ko sa kanya ang mga laruan na hindi na nilalaro ni Logan."

"Baka hanapin ni Logan ang mga laruan niya pag binigay mo sa baby namin."

"Hindi yun. Masyado ngang spoiled si Logan kay Ethan. Kaya itong si Ethan grabe ang mag waldas ng pera sa panganay namin. Kahit pinagsasabihan ko na siya na wag masyado bilihin ng laruan dahil ang dami na sa bahay." Natawa ako doon. Ang laki ng pagkaiba ng magkapatid. Kung si Tim ay walang pakialam sa pera ng pamilya niya pero si Ethan naman ay kabaliktaran. "Yung iba nga hindi na nga nilalaro ni Logan kaya iniisip ko i-donate na lang."

"Sasabihan kita pag nalaman na namin ang gender."

Bumalik na kami sa trabaho. Si Dawn nga halos ang gumagawa ng trabaho hanggang sa umuwi na siya dahil sinundo na siya ni Ethan.

Habang naghihintay ako sa paguwi ni Tim ay wala man lang ako nakuhang text galing sa kanya kahit nga reply sa text ko kanina. Wala. Lumingon ako noong may nagdoorbell kaya binuksan ko na ang pinto.

"Hello. Ako nga pala yung-" Tumingala siya para tumingin sa akin kaso laking gulat ko ng makita kung sino ito.

"Ikaw?!"

"Wow. What a coincidence. Hindi ko inaasahan magiging kapit bahay pala kita."

"Ano ang kailangan mo?" Pagtataray ko sa kanya."

"Um, I brought some chocolate pie." Tiningnan ko ang inabot niya sa akin. "Anyway, my name is Leo."

"Allergy ako sa chocolate kaya-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko noong makita ko na ang kotse ni Tim. At saka wala naman talaga akong allergy sa chocolate. Hindi ko lang feel kunin yung binibigay niya.

"Hubby." Nilagpasan ko na siya para lapitan si Tim at niyakap. "Welcome home."

"Sorry, kung hindi ako nakareply sa message mo kanina. Sobrang dami kong ginagawa." Umiling ako sa kanya pero pansin kong nakatingin si Tim sa lalaking nasa likuran ko. "Who is he?"

"Hi, I'm Leo. Bagong lipat lang ako rito at magiging kapit bahay niyo rin ako." Tumango lang si Tim sa kanya.

"Pare, kung gusto mo pang masikatan ng araw ay wag na wag kang lalapit sa misis ko." Nakakatakot naman. Parang may balak patayin ni Tim yung lalaki.

"Wag kang magaalala, pare. Wala naman akong balak pumatol sa may asawa na. Baka ako pa ang dahilan pag nasira ang pangalan ng pamilya ko."

"Mabuti ng nagkakaintindihan tayo." Binaling ulit sa akin ang tingin niya. "Nag text sa akin si Ethan kanina na babalik ulit si Dawn dito bukas para ituloy ang ginagawa niyong design sa nursery room. Kaya uuwi na rin tayo."

"Babalik rin ba tayo bukas?"

"Hatid kita bago ako pumunta sa studio. Masyado kasing busy ang schedule ko ngayon, wife." Pinagbuksan na ako ni Tim ng pinto ng kotse.

"Baka hinahayaan mo na ang sarili mo ah. Magagalit ako sayo." Pumasok na ako sa loob kaya umikot na siya papunta sa kabilang side.

"Don't worry, I will always take care of myself."

"Bakit bigla yata naging busy ang schedule mo?"

"By next week kasi may photoshoot si Brielle Miller at ako ang kinuha nilang photographer."

"Brielle Miller?" Nagulat ako sa narinig. Ang rumored girlfriend ni Keiji.

"Yes. Kilala ang pamilya niya sa buong Pilipinas."

"I know. Pero may kumakalat na balita na boyfriend daw niya si Keiji."

"Yeah, naririnig ko nga ang tungkol diyan kanina."

"So, totoo pala." Yumuko ako. Hindi nireject ni Keiji si Brielle kahit sampung taon ang bata sa kanya. Ibig sabihin minahal niya rin si Brielle.

"Do you still love him?" Tumingala ako kay Tim.

"Hindi na. Ikaw itong mahal ko ngayon at parating pa ang anak natin ngayon. Bakit pa ako maghahanap ng iba?"

"Because he was your first love, Em."

"Ano naman kung siya ang first love ko? Past is past. At saka ikaw itong present at future ko."

"Dapat lang dahil hindi kita ibibigay sa iba ng basta basta. Kahit masakit itong balikat ko ay handa akong lumalaban ng patas sa mga magiging karibal ko."

"Hindi mo na kailangan makipag laban sa kanila dahil ikaw naman itong pipiliin ko, hubby. I love you."

Nakita ko ang pag ngiti ni Tim. Mas lalo talaga siyang gumagwapo pag nakangiti. Dagdag pogi points.

"I love you too, wife."

Hindi sayang ang effort ni Tim dahil nagawan ko pa rin siyang mahalin.

"Gusto mong punta tayo sa inyo? I haven't go there yet kaya gusto ko puntahan."

"Maliit lang ang bahay namin doon baka mag bago ang isi-"

"Of course not. Wala naman akong pakialam kung maliit o malaki ang bahay niyo sa probinsya." Sumilyap sa akin saglit si Tim. "I really want to see your family again. Especially your younger brother. Alam mo ba pinangarap ko magkaroon ng kababatang kapatid kaso hindi iyon natupad. Kaya kaming dalawa lang ni Ethan ang mag kapatid. Pag kasama ko si Fidel ay naiisip kong meron na akong kababatang kapatid sa kanya. And he told me he also want an older brother."

"Kailangan niya yan sinabi sayo? Wala akong maalala."

"After our wedding. Kinausap niya ako and he mention about he wants an older brother. Dalawa daw kasi ang ate niya."

"Dalawang ate niya? Eh, dalawa lang naman kami magkakapatid ah."

"Si Dawn." Napakamot ako ng ulo. Nawala sa isip ko na tinuring pala ni Dawn na kapatid kami ni Fidel dahil only child lang siya.

Marrying A Possessive ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon