4

1.6K 48 0
                                    

"Ano ang masasabi mo kay Tim?"

"Pwede bang wag na natin pagusapan ang tungkol sa kanya? Balik na tayo sa trabaho kasi marami pa akong kailangan tapusin."

"Jeez, ang daya mo naman." Bumalik na si Dawn sa desk niya.

Ayaw ko talaga pagusapan ang tungkol sa kanya dahil hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako. Pumayag na ako sa alok niyang kasal.

Kasal yun! Kainis, kainis! Ang sarap sapukin ang sarili ko.

Kinagabihan ay lumabas na ako sa building namin. Sobrang pagod ko ngayong araw dahil ang daming kliyente na kailangan kausapin.

"Sawakas tapos na rin ang trabaho mo." Nagulat ako noong marinig ko ang familiar na boses.

"Ano ang ginagawa mo rito?"

"Sinusundo kita."

"Hindi ba ang sabi ko sayo wag mo na ako sunduin dahil gagabihin ako ng uwi."

"Hindi hahayaan ang girlfri-"

"Hindi mo ko girlfriend!" Nagulat ako noong narealize kong napalakas ang boses ko kaya napalingon ang mga taong dumadaan. Nakakahiya. "Stop acting like you're my boyfriend. Pagod ako ngayon kaya wala ako sa mood makipag away sayo."

"Gusto ko lang naman makasiguradong makakauwi ka ng ligtas sa inyo. Alam kong malaki ang kasalanan ko sayo, Emily. Hindi naman kita masisi kung galit ka sa akin pero kung ayaw mo talaga. Hindi na kita pipilitin." Napaangat ako ng tingin sa kanya habang naglalakad palayo sa akin. Nasaktan ko yata siya.

No, tama lang ang ginawa ko. Ayaw ko kasing saktan si Tim kung hanggang ay may nararamdaman pa ako kay Keiji. Ang hirap kalimutan ang lahat kung siya ang first love ko.

Mabait na tao si Tim at alam kong makakahanap pa siya ng babaeng kaya siyang mahalin rin.

I sighed.

Kinabukasan ay parang ayaw ko bumangon sa kama pagkatapos nangyari kagabi. Nagalit ako kay Tim. Asar. Kailangan ko humingi ng tawad sa kanya. Pero paano? Wala akong number ni Tim.

Si Ethan. Tatawagan ko si Ethan.

Kinuha ko ang phone ko sa side table at dinial ko ang number ni Ethan.

"Oh. Napatawag ka, Emily."

"Sorry sa isturbo, Ethan. Gusto ko sana makahingi ng number ni Tim."

"Number ng kapatid ko? Okay, ibibigay ko sayo ang number niya."

"Salamat." Binaba ko na ang tawag. Agad naman nagtext sa akin si Ethan at nakuha ko na ang numbet ni Tim.

This is it. Hihingi lang ako ng tawad sa kanya. Yun lang.

To Tim;

This is Emily. Sorry nga pala sa sinabi ko sayo kagabi. Hindi ko sinasadyang magalit sayo.

Bumalik ako sa paghiga pagkasend ko sa kanya noon.

Hindi ko mabitawan ang phone ko baka magreply siya pero wala kahit isa man lang reply.

"Kainis ka talaga! Ako na nga itong humihingi ng tawad tapos dinededma mo lang-" Nagulat ako ng biglang may tumatawag sa akin. Tumatawag si Tim. "Bahala ka diyan."

Kaso hindi tumitigil sa pagtunog ang phone ko. Hihinto lang ng isang sekundo tapos tutunog ulit.

Bwesit! Suko na ako sa kakulitan nito.

"H-Hello?"

"I don't know how did you get my number but I'm outside of your house." Napabangon ako ng higa sa sinabi niyang nasa labas siya ng bahay.

Hindi ko na inabalang mag ayos pa ng sarili dahil nagmamadali akong lumabas ng bahay. Nandito nga siya.

"Ano ang ginagawa mo rito?"

"Tsk. Lumabas ka ng bahay niyo na hindi ka man lang nagsuot ng bra." Napasinghap ako ng maalala ko wala nga pala akong suot na bra. Shit. Lupa, lamunin mo na ako.

Pinaharap ako ni Tim sa bahay at tinulak niya ako papasok.

"Ano ba kasi ang ginagawa mo rito?"

"Gusto ko lang tanungin sayo kung anong klase ng kasal ang gusto mo." Kumurap akong lumingon sa kanya. "Church? Beach? O garden wedding?"

"Pumunta ka pala dito ah. Hindi mo na lang ako tinawagan."

"I don't know your contact number either. I forgot to ask you."

Hindi ko mapigilan matawa. Tinawagan ko pa si Ethan para mahingi ng number niya. Pwede naman kausapin si Ethan o Dawn para mahingi nuya ang number ko.

"Hintayin mo na lang ako. Sasama ako sayo."

"Wala akong kausap na wedding planner. Humihingi lang ako ng tulong sa mga kaibigan ko at sila ang nagaayos ng venue."

"Bakit hindi ka naghanap ng wedding planner?"

Ngayon pa lang ako nakakita ng may ikakasal na walang wedding planner.

"Hindi kaya ng budget ko ang magbayad ng engrandeng kasal. Kaya naisip ko na mas makakatipid kung ako na lang ang magaayos ng venue kaso wala pala akong alam sa ganitong bagay. That's why I'm asking my friends to help me."

Hindi man lang niya ako kinausap tungkol sa gastusin. Handa naman akong makipag share sa kanya sa mga gastusin, eh.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Pwede naman tayo maghati sa mga gastusin."

"I won't let you to do that. Ako ang lalaki dito kaya dapat ako ang gumagastos."

"Ano naman kung ikaw ang lalaki? Hindi naman sa lahat na panahon na ikaw lang ang gumagastos. At saka bakit hindi mo kaya ang engrandeng kasal? Mayaman naman kayo."

"Ikaw pa nagsabi sa akin na hindi ko pinapahalagaan ang pera." Napakagat ako ng labi. Wala naman akong sinabi sa kanya na gawin niya ah. Hindi siya sanay sa ganoong bagay. Laki siya sa yaman. "Gusto kong mamuhay sa isang simpleng buhay. Kaya hindi ko iniisip kung gaano kami kayaman."

"B-Bakit?"

"Palagi ko naririnig sa mga kaibigan ko ang tungkol dito. Ano ang halaga ng yaman mo kung hindi naman kayang bilihin noon ang pagmamahal ng isang tao. Ngayon ko lang narealize ang ibig nilang sabihin. Hindi ka sanay mamuhay sa ibang bagay kaya-"

"Hindi mo rin naman kaya ang mamuhay ng simple. Laking yaman ka, Tim."

"Mahal kita, Emily kaya gagawin ko ang lahat para maging masaya ka lang." Nakikita kong malungkot ang mga mata niya. Bakit siya malungkot? Hindi ba dapat masaya siya dahil nasunod naman ang gusto niyang magpakasal ako sa kanya. "I know you still love him kahit hindi mo sabihin sa akin pero hindi ako susuko agad hanggang masabi mo sa aking mahal mo rin ako."

Naiinis ako. Mas lalo akong naiinis sa kanya. Ang selfish niyang tao.

"Kung mahal mo talaga ako ay hindi mo ko pipilitan na magpakasal sayo. Sa totoo lang sarili mo lang ang iniisip mo, Tim dahil hindi ang kasiyahan ko ang iniisip mo, kundi ang sarili mong kasiyahan lang ang iniisip mo. Sa tingin mo ba magiging masaya ako pag kinasal na tayo? Tama ka mahal ko pa rin si Keiji hanggang ngayon dahil hindi naman ganoon kadali kalimutan ang first love. Hindi ko ito sinasabi sayo para saktan ka. Sinasabi ko ito para sabihin sayo na balang araw ay makakahanap ka rin ng babaeng kaya kang mahalin rin. Hindi ako yun."

"No! You're mine! Akin ka lang, Emily. Akin!" Nakaramdam ako ng takot sa biglang pag iba ng expression ni Tim. Nakakatakot na siya ngayon. "Walang ibang lalaki ang pwedeng lumapit sayo!"

Marrying A Possessive ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon