15

1.3K 41 0
                                    

Naging busy na si Tim sa trabaho niya pero hindi pa rin siya nawawalan ng oras sa akin at kami naman ni Dawn ay natapos na rin namin ang pag design ng nursery room.

"Master bedroom naman."

"You need to rest, Em. Hindi ka pwedeng mapagod dahil makakasama sa baby niyo iyan."

Wala naman ako masyadong ginagawang trabaho dahil halos si Dawn ang gumagawa ng lahat. Konti nga lang ang tinutulong ko sa kanya.

"Wala naman ako masyadong ginagawa habang inaayos natin ang nursery room."

Hindi na sumagot si Dawn at naglakad siya papuntang master bedroom.

"Sa tingin ko wala naman kailangan baguhin rito. Okay naman yung designs." Nilibot ni Dawn ang paningin niya sa buong kwarto.

"Gusto ko may tv rin dito para hindi na ako babangon pa ng kama para manood ng tv." Sabi ko sa kanya.

"Okay. Siguro, maganda kung doon ilagay yung tv." Tinuro ni Dawn yung saan ilalagay ang tv at tumingin siya sa akin. "Pwede tayo humingi ng tulong kay Tim."

"Wag si Tim!"

"Bakit? Kailangan natin tulong ng lalaki para may magtutulak ng tv."

Yumuko ako. Kahit matagal na nangyari yung aksidente ay bumalik na naman ang guilt sa akin. Kasalanan ko naman kung bakit may injury ang balikat niya at kung bakit hindi siya makakasali sa Taekwondo tournament.

"Emily..."

"May injury si Tim sa balikat kaya hindi pwede pwersahin."

"I see. Kakausapin ko na lang si Ethan kung pwede siya na lang." Tumingala ako kay Dawn para tingnan siya. "Pwede mo ba sabihin sa akin kung ano nangyari kay Tim. Kung paano siya nagkaroon ng injury."

"Kasalanan ko kung bakit may injury ang balikat niya. Bumalik kami sa resort nila para mag bakasyon pero noong gabing iyon ay may nakita akong babaeng kausap si Tim. Nakaramdam ako ng selos noon at galit rin ako sa kanya dahil akala ko ay niloloko niya ako. Kaya sa sobrang galit ko ay naaksidente ko siyang naitulak sa hagdan."

"I don't think magagawa ni Tim sayo yun. Hindi naman siya si Ethan na babaero. Wala pa daw sineryosong babae noon si Tim at ikaw pa lang ang sineryoso niya, Em. Mahalaga ka sa kanya. Kung hindi ay sana hindi niya gagawin ang lahat para maging masaya ka. Kaya wag mo iisipin ng masama ang asawa mo. Wag mo ko gagayahin. Mas pinili kong iwanan si Ethan noon dahil ayaw kong makulong siya sa hindi naman niya ginawa at masisira rin ang pangalan niya pag nangyari yun."

Nagulat ako. Hindi ko inaasahan na ganoon pala ang nangyari sa kanila noon. Kaya pala umalis ng bansa si Dawn para protektahan si Ethan.

Inaamin kong mag karibal ang Hollis at Parker noon.

"A-Alam ba ni Ethan tungkol diyan?"

"Hindi. Walang alam si Ethan na siya ang dahilan kung bakit ako umalis ng bansa noon. Hindi na importante yun. Ang importante ay pareho na kami masaya ngayon kasama ang mga anak namin. Sana ganoon ka rin sa piling ni Tim. Pagsubok lang yan, Em. Alam kong mahal niyo ang isa't isa kaya wag ka susuko agad at wag ka papayag na may babae aagaw sa pagmamay ari mo."

"Babe..." Pareho kami ni Dawn napalingon sa likod at nakita namin si Ethan.

"Babe, ano ang ginagawa mo rito?"

"Nakailang tawag na ako sayo kanina pero hindi mo naman sinasagot."

"Sorry, nasa kabilang kwarto yung gamit ko." Nagpaalam na sa akin si Dawn bago pa siya lumapit kay Ethan.

"Totoo ba yung narinig ko kanina?"

"Mm..." Tumango si Dawn sa kanya. "Ayaw ko kasi makulong ka sa kasong hindi mo naman ginawa. Kaya pinili ko na lang ang iwanan ka kaysa makulong. Pag nangyari iyon sayo ay maaaring madisappoint ang mga magulang mo sayo. Alam kong selfish din ako noon. Sorry."

"It's okay. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ka umalis noon." Tumingin naman sa akin si Ethan. "Nasa ibaba si Tim."

Namilog ang mga bata ko. Nasa ibaba si Tim? Bakit hindi siya umakyat rito?

Sabay na kami bumaba ng hagdan at nakita ko si Tim nakaupo sa sofa. May mga gamit na rin dito dahil malapit na rin kami lumipat ng bahay ni Tim.

"Bakit hindi ka umakyat?" Tanong ko sa kanya.

"Galing na ako sa taas kanina kaso narinig kong naguusap kayong dalawa ni Dawn kaya nagpasya akong bumaba na lang ulit at doon ko nakita si Ethan sa labas."

Sumakay na kami pareho ni Tim sa kotse para makauwi na sa bahay at makapag pahinga.

"Hanggang ngayon pa rin ba sinisi mo pa rin ang sarili mo sa nangyaring aksidente noon?" Gulat na gulat akong tumingin kay Tim. Narinig niya iyon. "Wag mo na sisihin ang nangyari noon."

"Pero kasalanan ko naman talaga kung ba-"

"Em, it's okay. Hindi mo naman sinasadya kung ano nangyari sa akin."

"Sa totoo lang ay nagselos ako noong may kausap kang babae nasa beach tayo."

"Yun ba ang dahilan?" Tumango ako sa kanya habang seryosong nagmamaneho si Tim. "Wala lang yun, wife. Nagtatanong lang siya sa akin kung paano pumunta sa kilalang restaurant doon. Naliligaw daw siya kaya tinuro ko ang daan. Kaya wala kang ikaselos. Sayong sayo lang ako."

"Sorry talaga. Pero ngayon okay na ang pakiramdam ko. Siguro hindi naman kadali kalimutan nangyari noon."

"Wag mo na isipin yun. Makakasama pa sa baby natin." Sumulyap saglit sa akin si Tim. "By next week magbabakasyon tayo sa inyo."

"Seryoso ka na ba talaga diyan? Hindi na ba magbabago ang isip mo?"

"Why? Ayaw mo ba sila makasama?"

"Hindi naman sa ganoon. Laki ka sa yaman baka hindi mo kakayanin mamuhay doon ng matagal."

"Don't understimate your husband, wife. Simulang college ako ay hindi ako humihingi na kahit anong tulong sa pamilya ko. I'm an independent."

"Kaya ba naging babaero ka noon? Dahil sa pagiging independent mo."

"Hindi rin. Compare to Ethan. Mas mauna ako matuto kumilos na mag isa. Siya simulang high school hanggang bago niya nakilala si Dawn ay babaero siya. Wala talaga siyang sineryosong babae noon. Noong pinakilala sa amin ni Ethan si Dawn ay nagulat nga ako dahil una wala pang babae pinakilala sa amin si Ethan then he introduced Dawn to us as his wife. Dahil nabuntis siya ni Dawn."

"Buntis na ba si Dawn noon?"

Wala akong maalala na may nasabi sa akin si Dawn na buntis na siya noon.

"I doubt it. Pero noong inamin niya na ayaw niyang magpakasal sa random woman na nirereto sa kanya ni dad."

Naalala ko yan dahil sinabi sa akin ni Dawn ang dahilan kung bakit kailangan niya magpakasal kay Ethan. Ako pa nga ang ginawa nilang witness sa kasal nila.

"Believe me, Em. Ikaw lang ang babae ko. Wala ng iba."

"Paano yung mama mo? Paano kung babae ang magiging anak natin?"

"Except for them. Kung babae man ang magiging anak natin, kay mom at sayo wala na akong ibang babae."

Marrying A Possessive ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon