Have you ever stare to something for atleast 30 minutes , kung hindi, okay.
Biglang nawala sa wisyo ang isipan ko , kanina lang parang nakikita ko pa ang 55 inches naming tv na may basag sa gilid , pero ngayon nawala to sa paningin ko, I don't know what is happening to me , nag simula to when I reached my 20th year of living , madalas na akong natutulala at napapaisip ng bagay bagay , madalas masaya minsan malungkot , minsan naman nakakatakot , tapos isang beses SPG—ay wag na yung bagay na yun , erase! Erase! Erase!
Napabuntong hininga nalang ako , why do we have to grow up? , yung mga kababata ko non I remember , gustong gusto nila na tumanda , I wonder where are they now , basta alam ko ung isa don may anak na
I'm scared of growing up maybe because I'm scared of the possible things that may happen , lalo na sa katulad ko
Sa katulad kong diyosa—ehe
Napabalikwas ako at halos mag mura naden dahil sa kidlat sa labas , galit na galit ang langit at wari ay para nitong gusto manakit
" ano pang ginagawa mo ditong bata ka? " tanong ni mother
" bakit ma ? Pinapalayas mo na ako? Ma mabuting anak naman ako , di naman kita sinusuway bakit mo ako pinapaalis ano ba—aray ma!!" pagalitan na ko ni mama wag na wag na wag niya lang ako kurutin , pakiramdam ko sa tuwing kinukurot niyako pati mga ugat ko napipisil niya
" anong kalokohan yan , wala ka bang pasok? Malalate ka na ah?!"
Makasigaw naman tong matandang to , katabi niya lang kaya ako :<
"may inaantay kasi ako ma!"
"ano naman?"
"suspension"
Isang di kalakasan pero may kasakitang hampas ang aking nakuha mula sa pinakamamahal kong ina
" aray ko ma! Kanina mo pa ko sinasaktan , nakakaano ka na ah "
" nakakaano sige , nakakaano? "
I just sigh , bat ba pinapalayas na ko nito , kita niyang an lakas lakas ng ulan , eh kung tamaan ako ng kidlat tas maging super hero ako diba? Di man lang niya naisip na pwede siyang magkaron ng super hero na anak , swerte niya kung sakali
" ma nakikita mo ba yang ulan? " tinuro ko sakaniya yung bintana
" oo naman "
" congrats! Ma! Malinaw pa mata mo! "
Hahampasin nanaman niya sana ako pero buti nalang nakaiwas ako kagad
"mamaya na kasi ma! Anlakas pa ng ulan oh! Maiintindihan naman ng boss ko yun "
Bait bait kaya ng boss ko , sa sobrang bait niya minsan hindi na siya kumikilos at kami na pinapagawa maski ng trabaho niya
" kahit umulan , bumagyo , lumindol , mag ka tsunami , magkaron ng subduction ang oceanic plate , ay walang mangyayaring masama sayo ano ka ba naman Elise?"
Umirap ako sa sinabi ni mama , pumapasok ba sa grade 10 to , bat nasasabi niya yan
"eto na aalis na " inayos ko na ang gamit ko para makaalis
I work as an all rounder , as in lahat ng pwedeng iatang sakin na trabaho , mapa secretary man yan , janitor , personal assitant , taga timpla ng kape , taga ayos ng sirang CPU ng computer , minsan guard den
Despirada na kasi ako makahanap ng trabaho , bakit na nga ba ako nag hahanap ng trabaho samantalang 21 years old palang ako , I should be inside a campus studying , kung sakali 4th year college na
Ganito kasi yan makinig ka—este basahin mo mabuti
Actually I'm done , tapos na sa pag-aaral nung 16 years old palang ako , yes , imagine a sixteen girl entering a 4th year college class nakakaloka naman yon , pero wala eh ipinag kanuno ako ng mga teacher ko sa matataas na level kesyo may taglay daw akong katalinuhan
Dahil din sa katalinuhan na yan ilang beses na akong natanggal sa trabaho
Una natanggap ako bilang secretary okay naman yung daloy ng trabaho pero isang araw tinaggal ako , nalaman ko kasing kinukurakot na pala kami nung boss namin eh wala naman sa plano kong mag ingay , sa totoo nga lang isang tao lang yung sinabihan ko , si chelly lang naman kaso nakalimutan ko siya pala ang numero unong chismosa sa office kaya ayun kumalat , natanggal na ako sa trabaho nawala nadin yung kompanya
May isa pa , may nakaaway pa ko nun mga 20 , sipsip daw ako sa boss namin kasi ganiyan , ganon , ganito , ganire , ewan , nag resign nalang ako para walang gulo , ayun bumaba ung sales ng kompanyang yun , huling balita ko nademolished na ung building
At ang pinakamalala ng nagkaron ako ng boss na manyak , di ko nga maintindihan yung ibang babaeng katrabaho ko non okay lang sakanila kahit nasisilipan na , eh di pwede sakin yun , one day habang nag aayos ako ng gamit kasi tapos na oras ng trabaho non , lumapit siya sakin, sobrang lapit to the point na naipit niya ako sa lamesa eh hindi ako nakapagpigil sinipa ko ung balls niya , namilipit siya sa sakit , muntik pala ako makulong dahil don , di na kasi siya nakalakad
Dahan dahan akong pumasok sa loob ng opisina , late na kasi ako sira pala yung orasan sa bahay beastmode nanaman sakin tong matandang boss ko na to , di naman siya ganun ka tanda nasa 30 pa naman yung edad niya 39 to be exact
"Elise!!!!!!! Late ka nanaman?!!" halos mabingi ako sa sigaw niya
Ibubuka ko palang yung bibig ko naunahan niya na ako
"wag mo sabihin traffic dahil nanonood ako ng balita , wag mo din sabihin na late ka ng gising dahil kaninang four A.M ka oa online sa fb—"
"NAKS! Boss updated ka!" puri ko
" naman! Ako pa ba?—wag mo kong nililito elise ano nanaman idadahilan mo?" nakapamewang na ito sa harap ko lalo tuloy lumabas yung tiyan niyang kala mo 8 months ng buntis
" ganito kasi yan boss , nakikita mo yang ulan nayan?" tinuro ko yung labas baka kasi di niya makita
" oo nakikita ko "
" diba ang lakas? "
" oo , tapos? "
" dahil nga malakas yang ulan na yan , walang effect yung payong ko , ang nangyari boss nabasa ako "
"tapos?"
" tapos na!! Yeeeey aakyat nako boss late nako eh , tapos dinaldal mo pa ako mas lalo akong na late diba , ikaw talaga boss baka matanggal pa ako sa trabaho dahil sayo eh"
" ELISEEEEEEE!!!!!! "
Charot , charot lang yung sinabi kong aakyat na ako sa opisina , sa true lang dumeretcho ako sa CR legit yung basa ako ng ulan , kaya heto nag papalit ako ng damit buti nalang may pa locker tong kompanyang to at may extra t shirt ako don
After kong makapag palit lumabas ako sa cubicle at humarap sa salamin only to see the haggard look in my face , nilabas ko yung so called kikay kit na binigay ng mahal kong ina sakin para maayos yung mukha ko
I'm almost done ng makita ko ung mascara na hindi ko pa ever nagamit naisipan kong subukan
Inilapit ko ang muka ko sa salamin para mas makita ko at para hindi ko matusok ung sarili kong mata minsan kasi may pag ka sa tanga ako kumilos
My focus is on my lashes pero nawala ito ng may maramdaman at mapansin akong kakaiba
Its in my eyes , the color of my eyes are slowly moving in a circular motion
Napaayos ako ng tayo dahil sa gulat , nakatitig parin ako sa aking mata , umiikot parin ang kulay nito na tila ba isang kape na hinaluan ng krema , nakakaramdam din ako ng konting pag sakit ng ulo
Pinikit ko ang aking mata nag ba bakasakaling mawala ang nararamdaman, walang nangyari lalo pa nga itong sumakit , inulit ulit kong i bukas sara ang mata ko
One last blink then something really surprising happened
How?!?
How my brown eyes turn into an aqua blue