Ng iminulat ko ang mata ilaw mula sa itaas ang aking nakita, napakurap kurap ako para masigurong hindi lang ito panaginip
Inilibot ko ang mata,
Nasa opisina ako
Agad akong napabangon, sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako sa aking sentido
What just happen??
Hindi ako makapaniwala sa nangyari, bono got blind, I look at her thinking it may help, and the next thing I knew ako na ang walang makita, her screaming voice is the last thing I've heard before I passed out
Ngayon nasa opisina ako, paano ako napunta dito?
And where is she?
Inapak ko na ang aking paa sa tiles na sahig ng opisina, hinanap ko ang sapatos na suot-suot kanina, wala iyon sa malapit,
Tumayo ako para hanapin, muntik na ako matumba dahil sa hilo na naramdaman, agad din naman akong nakabawi at nagpatuloy sa pag hahanap
Wala ako sa mood maging cinderella, tinignan ko ang wall clock ng opisina, alas singko na, malapit na mag uwian, gusto ko mag early out ngayon dahil kailangan ko ng tulog!
Kanina pa ako tuwad ng tuwad kakatingin sa ilalim na bahagi ng opisina, ilalim ng lamesa, upuan, cabinet, pati yung dalawang mahabang couch inangat ko na wala parin
Pati sa kasuloksulokan ng opisina wala parin
Tatanungin ko nalang si Bono
Nakahawak na ako sa door knob para lumabas ng bigla itong gumalaw, parang hangin sa bilis ang pag bukas ng pinto kaya hindi ako kaagad nakabitaw
Tumama ang pisngi ko sa isang matigas na bagay, napabitaw nadin ako sa door knob kaya nakahawak ako sa bagay na pinagtamaan ko
Kinapakapa ko ito, hindi naman ding ding to kasi parang may slope downwards
Sinundan ko ito pababa,
Napalunok ako dahil nag iinit ang aking katawan, dahan-dahan kong ibinababa ang kamay, napahinto ito ng may maramdaman akong maliliit na bundok
Nanlaki ang aking mga mata at mas kinapa ito
Sis hindi siya bundok!! Tinapay siya!!
Pandesal!!!!
Ilabas ang kape!! Mag uumagahan ako sa hapon!
"what the fuck are you doing?" kilala ko yung boses na yun ah!
Agad akong napabalikwas dahil sa matigas at nakakatakot na boses ni Sir Zion
Pinagtama ko ang mata namin, napa gawi sa kanan ang ulo ko ng makita siyang nakasuot ng salamin, malabo pala mata nito?
Bagay sakaniya ang specs na salamin! Lalo na sa hugis ng mata niya, may pagka singkit kasi iyon
"s-sorry po...lalabas po sana kasi ako"
Tapos naunahan mo ako sa pag bukas ng pinto, tapos sumubsob ako sa dibdib mo, tapos nahawakan ko yung abs mo,
Bwiset na damit sagabal
Itinaas niya ang kanang kamay at inilagay ito sa harapan ko, hawak niya ang sapatos ko!
"Nasa iyo pala yan hehe, hinahanap ko" napakamot ako ng ulo saka binigyan siya ng isang sweet na ngiti,
Kiligin ka please
Kukunin ko na sana ng binaba niya uli ito, naiwan tuloy sa hangin ang kamay ko, kaya binaba ko nadin