6

7 2 0
                                    

Pagkapasok namin sa opisina parang giraffe ang mga katrabaho ko dahil sa pagsunod ng tingin samin, o kay zion lang pala?

Feelingera ko bwiset.

Nanlaki ang mata ko ng nakapasok na kami sa opisina, lumaki ito dahil binuksan niya ang border, ibang iba na ang histura nito, sobrang layo na sa dati, umiikot lang sa dalawang kulay ang design, grey at black

Wala yung mesa ko!

Napakadami naming moments ng lamesang iyon, halimbawa nalang ang sleeping moments, ilang kape na. Ba ang natapon duon? Hays mamimiss ko ang lamesa na iyon

"uh zion—sir!, saan po ako pupwesto?" nakangiti kong tanong sakaniya

Tinignan niya lang ako, gandang ganda nanaman sakin si gago, tinuro niya ang set ng sofa na kaharap lang ng mesa niya

"dito?" wow ano ako guest?

"no" inilagay niya ang kamay sa sintido at nag isip

Aba baliw?! May split personality yata to eh, minsan gwapo madalas pogi

Nakakunot noo ko siyang pinagmasdan, gwapo talaga nito, pero napaka weird ng ugali, ilang beses ba to iniri,  o baka C-Section??

"sa baba ka nalang" 

Lalong kumunot ang noo ko na halos maging isa nalang ang kilay, saan naman ako ppwesto dun? Saka di kami close ng mga tao sa baba si...

Si Bono nga lang ang kasundo ko duon, pero hindi rin kami ganun ka close,  pero pwede na, siya kasi naakassign  sa pag-gawa ng lapida,

Naalala ko tuloy nung nag away kami nung isa pang tao sa baba na si Rica, pano kasi napagalitan siya ni boss Ron, at dahil daw iyon saakin, pano hindi ko daw sinabi sakaniya kung anong bulaklak ang dapat niyang kunin, sinabi ko iyon sakaniya dalawang ulit pa nga

Kaso kasi naka earphone siya nun

Kaya bad idea ang pag pwesto ko sa baba, pwede naman na yung sofa, para naman makahiga ako paminsan minsan hehe

"sir—" napahinto ako sa pag sasalita ng makita na may katawagan siya sa telepono

"no, no need to make it clean, siya na bahala duon...yes....okay thank you" pagkababa niya ng telepono ay tinuon na niya sakin ang tingin

" may pwesto kana, sige bumaba kana para makita mo, " simple akong tumango sakaniya at umalis na,

Nakasalubong ko sa Hagdan si Bono, na abot tenga ang ngiti nakakunot naman ang noo ko sakaniya

" ang saya mo yata? " diko mapigilang tanong

"pinatawag kasi ako ni sir, sige diyan kana" sabi niya at kumaripas  ng takbo, kung saan ako galing

Sa lahat ng pinapatawag ng boss siya ang masaya, kapag ganun kasi either papagalitan ka, o tanggal ka na sa trabaho

Napailing nalang ako at dahan dahan ng bumaba , yung tipong para ako debutante , hagdan ang ginamit ko dahil gusto ko makapag isip

Una, ano kaya ang kakainin ko para ngayong tanghalian, parang gusto ko mag chicken na ayaw, na parang gusto ko din i skip nalang ang lunch, hindi naman ako gaano nagugutom, kaso kawawa naman mga bulate ko sa tiyan

Pangalawa, may mas w-weird pa ba kay Zion, para siyang gwapo na baliw, sinama ako sa penthouse para lang itali ang necktie? Tapos ngayon parang pinagtatabuyan ako, tapos pinatawag si Bono, ano nagtataksil ba siya sakin??!

Nakakalimang hakbang palang ako ng hagdan, sabi ko naman kasi dahan dahan diba

Pangatlo, pano ko kaya mapapalambot ang puso niya, pati narin yung kay mama gusto ko talaga mag stay dito, paano ang mga Bangkay?!

Pang apat—

Napahawak ako sa railings ng hagdan dahil muntik na ako malaglag dahil sa isang tulak, na nagdahilan din ng hindi boluntaryong pag hakbang ng kaliwang paa ko, nilingon ko kung sino ang tumulak

Bono

"Bat nanunulak ka??!" histerikal ko sakaniya na hindi padin umaalis sa pwesto, pakiramdam ko kasi kapag bumitaw ako eh mahuhulog ako ng tuluyan

Gagang babae to, natakot ako ng super don ah

May luha sa kanang mata niya,nakataas ang mga kamay niya na parang nag hahanap ng mahahawakan, hindi rin siya nakatingin ng diretso sakin, muka siyang...bulag

"b-bono...okay kalang??!" hinawakan ko ang maga kamay niya, hindi parin dumederetso ang tingin niya sakin, nakatingin siya sa kanan ko

"w-wala ako makita...WALA AKONG MAKITA!!" parang gripo na siyang lumuluha ngayon,

Kumaway ako sa harap ng mata niya, hindi padin nalihis ang direksyon ng tinitignan niya

"k-kailan pa to?" tanong ko

Malabo ang mata niya kaya nagsusuot siya ng contact lense hindi kaya dahil duon iyon?

"n-ngayon lang, pagka kita ko sa liwanag na galing sa bintana"

Liwanag?

Tumingin ako sa bintana na nasa taas, nanlaki ang mata ko ng may makitang kulay pula na guhit, mula ito sa labas papunta sa direksyon ng opisina ni Zion

Hindi ba laser lights yon?

"may nakita ka bang kulay pula na ilaw?"

Mabilis siyang tumango

" oo pero n-nasa malayo iyon...napapunta saakin, anong nang yayari Elise! Bakit wala akong makita!!!!" at muli siyang himagulgol

"shh" patuloy ako sa pag aalo sakaniya, ng biglang may pumasok sa isip ko

Tinignan ko ng diretso ang kaniyang mata naparang may hinahanap doon, hindi nagtagal nagsimula ng umikot ang kulay ng mata niya, nagumpisa sa mabagal at ngayon ay pabilis ng pabilis, sumasabay nadin ang tibok ng puso ko

Umiikot parin iyon, at naging mabigat ang aking pag hinga

Pagkatapos ng halos isang minuto...wala akong nakita

Binalot ng itim ang paningin ko,

Nanghina ang akin mga tuhod, at nagsimula na akong pagpawisan, napapikit ako dahil sa biglang pagsakit ng ulo

"elise!" niyuyugyog ako ni bono

Idinilat ko ang mata para makita siya, pero kagaya ng kanina dilim parin ang aking nakikita

"o-okay kana?" hindi ko alam kung saang direksyon ba ako nakatingin

"Oo m-may nakikita nako—nakikita na kita, ayos kalang elise?"

Tumango ako kahit salungat sa nararamdaman, muling sumakit ang aking ulo, mas doble pa sa kanina, kaya napapikit uli ako,

"elise!"

I can't feel my legs, at bago ako tuluyang bumagsak sigaw mula kay bono ang aking narinig

"elise—sir!! "

IRIS Where stories live. Discover now