3

16 4 0
                                    


As I open my eyes, I saw a paradise, mistulan itong  island na nakapatong sa napaka laki at napaka kapal na ulap,  may talon sa gilid nito at mga ibong nagliliparan sa taas na bahagi

Tinignan ko ang aking paanan dahil may kumikiliti dito, nakatayo din pala ako sa isang ulap, yumuko ako para hawakan ito, laking gulat ko ng lumagpas ang kamay ko saaking inaapakan

Takot ang bumalot sakin, kaya nataranta ako

Panaginip lang ito

, pinikit ko ng mariin ang mata para magising saaking realidad, sa tunay na mundo

Pero sa kada binubuksan ko ito, hindi nawawala ang paraiso sa harap ko napansin ko namay lalaki na nasa parehong direksyon

Malayo siya sakin ngunit kitang kita ko siya,

Pumikit uli ako ng mariin dahil gusto ko na magising,

Pero sa muling pag dilat walang nagbago, nandididito padin ako at siya ay lumapit ng bahagya saakin

Naramdaman kong may tumulo sa gilid ng pareho kong mata, ang nararamdaman ang lumikha ng pagkagulo saaking isipan,

Patuloy kong ginagawa ang pag pikita pero sa pagdilat ay ganun padin,

Pikit ako ng pikit samantalang ang taong nasa harap ay papalapit ng papalapit,

Ng nasa harap ko na siya,  saka ko nakita ang buong pagkatao niya, malaki ang pangangatawan at may tangkaran, balot siya ng puting tela namay gintong disenyo

"s-sino ka?" nanginginig ko sabi

Hindi siya sumagot bagkos ay lalo siyang lumapit hanggang sa hawakan niya ang noo ko,

"magkikita tayong muli" ng mawala ang hawak niya sa aakin ay napabangon na ako sa pagkakahiga, natulala ako sa bintana ng kwarto ko

Hindi ako hinihingal oh ano, pero ramdam ko ang bilis ng puso

Napabaling ang atensyon ko sa pintuan na bumukas, iniluwa nito si mama na may dalang tray, nakita ko duon ang dalawang plato na parehong may lamang tinapay, hotdog, at itlog

"gising ka na pala, kain na tayo anak..." sabay ngiti niya saakin, malayong malayo sa mama na nakita ko kagabi 

Sino ang lalaking iyon

Hindi ko na muna iisipin, mas pinili kong yumakap kay mama

"pasensya ka na kagabi ah? Pagod lang si mama" sabi niya habang hinahaplos ang aking buhok

"okay lang ma naiintindihan kita" sabi ko pagkabitaw sakaniya, pinanunasan niya ang luhang lumabas sa kaliwang mata ko

"sorry pinaiyak ka ni mama, hindi na mauulit okay?" sabay ngiti niya sakin "pero ganun parin ang gusto ko Elise, mag resign ka, madami ng bagong job opening ngayon, na pwedeng paggamitan ng talento mo,"

"susubukan ko po, h-hindi talaga madali ma mahal ko na trabaho ko"

"mahal mo mga bangkay anak?"

" parang ganun nadin ma "

Ngumiti siya sakin at inilagay ang takas na buhok sa likod ng tenga ko

" mag resign ka na anak, pabigyan mo si mama, kahit ito lang " hindi na ako sumagot dahil baka mamuwi pa kami sa pag tatalo, kagaya kagabi

Taimtim kaming nag agahan at siniguro kong hindi na kami mapupunta sa ganoong usapan hanggang sa sumapit na ang oras ng pag pasok ko

Mabuti nalang naalala kong ngayong araw pala ipapakilala ang magiging bagong may ari ng CH,

IRIS Where stories live. Discover now