5

13 3 0
                                    

Did I heard it right??! Itatapon?? Baket??

Dahil sa gulat hindi ko na sinundan si kuya, dumeretso hinanap ng mata ko kung nasan si Zion, nasa may bintana siya

"zion—sir.."

Nilingon niya ang ulo saakin

"saan po dadalhin yung lamesa ko?"

" itatapon na" sabay talikod niya sakin at harap uli sa bintana

"b-bakit naman p-po, sabi sakin ni Boss Ron one month pa"

Ngayon tuluyan na niya akong hinarap, tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, nararamdaman ko nanaman yung hangin

" one month nga, but you'll not need a desk, you're not going to be my secretary, i'll make you as my personal assistant" he simply said at umalis na, dumaan siya sa gilid ko kaya naamoy ko nanaman yung pabango niya

Ang bango talaga, kaso mas nakakain na ako ng inis sakaniya kaya diko na magawang maapreciate yung bango niya

P.A ?? Okay lang naman, kaysa naman mag reklamo ako, naalala ko namasukan nga din pala ako dati bilang katulong, kaya kering keri ko na to

Diba pag P.A laging nakabuntot sa amo? Ganun lagi kong nakikita sa mga pelikula , kaya naman sinundan ko kung saan siya papunta, pababa siya sa opisina, ginamit pa nga ang elivator,

Jusko 2 floor lang ito, kaya may ganun kasi matanda na si Boss Ron

Bago pa mag sara ang pinto naka pasok na ako,tinignan ko siya sa mata dahil may sasabihin ako

"  k-kung ganun sasama ako lagi sayo? I mean sa mga lakad mo?"

Shet hindi ko kaya ang staring contest, kaya binawi ko ang tingin ko

" yes, kagaya ngayon, sasama ka sakin"

0_0

Hotel na this?! Jok

Tumango ako, sakto namang nasa baba na kami, pinauna ko siyang maglakad tinahak niya ang daan papuntang parking lot, may nilabas siyang susi galing sa bulsa, ng nasa labas na kami may pinindot siya duon at may isang kotse na tumunog at umilaw

Nanlaki ang mata ko ng makita ko ito, nakita ko ito sa isang commercial, 2 seated car ito, may kabayong disenyo sa sa harapan, napakaganda ng pagkaitim nito, sa sobrang kintab ay makikita mo ang reflection mo

"you look stupid, sumakay kana"

Napakurap naman ako duon, nakapasok na siya sa kotse kaya sumunod nalang ako, hindi ko pa nakakabit ang seatbelt ng pinaandar niya ito, parang hangin sa sobrang bilis

Nakabit ko na ang seatbelt, pero nakakapit ako sa gilid ng upuan, ayoko pa makita si satanas anuba?, nag ttake over kami sa ilang sasakyan, muntik pa nga namin madali yung isang jeep na paliko

Napatingin ako sakaniya, seryoso lang siyang nag ddrive, samantalang ako may malaking mata at nakakapit ng mahigpit sa upuan,

Nag dadasal ako ng ama namin, jusko baka si mama ang maging sunod na kliyente sa CH

Sasabihin ko pa sanang bagalan niya ng bigla niya itong iliko, tumama ang  pisngi ko sa bintana, dahan dahan niya itong itinigil sa isang mas malaki at mas mataas na building

Bumaba na siya ng sasakyan habang nasa state of shock padin ako, kinapa ko ang sarili, buhay pa ako!

May pumasok na isang lalaki na nakauniporme na pang body guard,

"o hindi pa kayo susunod kay sir?"

Tumango ako sakaniya at lumabas na, tinakbo ko si zion, ang bilis mag lakad nito ah, pumasok siya sa isang pinto, sumunod naman ako

IRIS Where stories live. Discover now