4

13 4 0
                                    


I was stunned, nagpatuloy sila sa paglalakad,naiwan naman akong nakatayo duon at tulala sa direksyon nila, hindi ko magalaw ang paa ko na parang nasuper glue sa sahig

Ito naba talaga ang itinakda ng may kapal? Ang mawala ako sa trabaho, una kay mama tapos ngayon duon sa Zion na yun,mahal ko na tong trabaho ko eh

Oo na mahal kona mga bangkay

Pero, hindi lang naman pagiging sekretarya ni boss ron ang trabaho ko, kada kasi may kliyente kami syempre hindi maiiwasang hindi magkadramahan kada ineexplain nila kung anong gusto nila maging lamay ng mahal nila sa buhay, parang na aattached ako sa taong yun,

Ako ang pinaghahatid ni boss sakanila pero hindi lang basta hatid ang ginagawa ko, kinakausap ko sila at sinasabing may mga bagay talagang mawawala at mawawala saatin kasi hiniram lang natin sila, kahit pa gaano natin ka mahal iyon

Hindi ko akalaing pati trabaho ko kukunin, pwede namang dalawa ang sekretarya ah? Mas mapaladali pa nga ang trabaho niya nun kung sakali

Hindi ko namalayang paakyat na pala ako sa opisina, para akong zombie, sabagay, kinuha na nila ang buhay ko

Ano ba naman yan, ayoko pa naman ng umiyak, pero nakakainis na nakakalungkot, nauna pa tuloy lumabas ang sipon ko kaysa sa luha

Sininga ko lahat ng sama ng ilong ko sa tissue at agad na tinapon ito, naglagay ako ng alcohol sa kamay at naupo na  sa upuan, natulala nalang ako, napatingin ako sa inupuan ni zion kanina, out of blue bigla ko siyang nakita doon, sa inis ko kumuha ako ng ballpen at inasinta ang muka niya ng lumagpas sakaniya ang ballpen ay nawala nadin ang imahe niya, bwiset magiging crush ko na sana eh, ang sama pala ng ugali, ganun siguro pag anak mayaman

Pumasok si boss Ron kaya napaayos ako ng upo, may bahid padin ng pag iyak ang mata ko pero wala na akong pake, kailangan maawa siya sakin para kausapin niya yung zion at sabihing dito padin ako mag tatrabaho

"o bat umiiyak ka jan?" sabi niya at naupo sa swivel chair niya

Ano?! Hindi niya ba narinig yung Zion kanina?

"diba aalis nadin ako dito?!" asik ko sakaniya

"ah yung sinabi ba ni Z kanina? Wag ka mag alala kinausap ko na sabi ko bigyan ka ng palugid " sabi niya saka inisa isa ang papel na nasa mesa niya

Anong palugid?! Ano ako may utang?

"b-bakit palugid? Di ba pwedeng dalawa nalang kaming secretary niya? Ayaw niya nun mas mapapadali ang trabaho?"  histerikal kong sabi

"may sarili daw siya eh, wag ka mag alala hahanapan kita ng trabaho pero for now dito ka muna, give me one month"

One month?! One month nalang ang natitira kong oras dito???

"sa one month na iyon ikaw muna secretary niya dahil nasa bakasyon daw ung kanya"

One month...

One of the bulb in my head lighten  as I came up with the most brilliant idea,

Sa one month na iyon mag papakitang gilas ako sakaniya, yung tipong maski hindi ko trabaho gagawin ko! Kung gusto niya ako na mismo mag embalsamo sa mga namayapa eh, pwede ding maging P.A niya ako, personal alalay, taga punas ng sapatos, taga suklay, taga ayos ng neck tie oh kung gusto niya pati tagapaligo sakaniya eh

Kahit ano wag niya lang ako tanggalin sa trabaho

Mag reisgn ka na

Out of nowhere bigla kong narinig ang boses ni mama, pag bibigyan ko ba siya? Kasi masasaktan ako pag pinagbigyan ko siya pero kung sumuway naman ako sakaniya masasaktan ko siya, tapos pag nasaktan ko siya masasaktan nadin ako

IRIS Where stories live. Discover now