C. 8

250 12 1
                                    

Cindy's POV

Maaga akong nagising ngayong araw ng pasko. Ilang oras palang ang naitulog ko. -_- Bumaba na ko at naabutan sila mama kasama ang mga magulang ni Aid na kumakain sa dining.

"Good morning, iha." bati nilang apat sakin.

"Good morning din po." I smiled at them and sit beside my mother.

Wala pa sila Aid at Aira baka mga tulog pa sila. Yung mga kasama ko namang kumakain ay nagkukwentuhan at natural tungkol sa business nila. I finished my food at tumayo, nagpaalam na ko kay mama nalalabas muna ako para magpahangin.

"Sige anak. Mag iingat ka."

Lumabas na ko sa bahay at naglakad lakad sa subdivision. Madami nang taong naglalakad, higit sa lahat madaming bata ang nasa labas ngayon. Pasko eh, isa ito sa araw na pinaka hihintay ng mga tao, especially ng mga bata.

Hindi ko namalayan na dinala na pala ako ng sarili kong mga paa sa park malapit samin, kung saan ako sinundan ni Nick. Naupo ulit ako sa dating bench na inupuan ko nun at inenjoy ang malamig na hangin.

Pumikit ako at nirelax ang aking isipan. Isang buntong hininga ang kusang lumabas sa aking mga bibig.

"Pasko na naman ngunit wala ka pa hanggang kailan kaya ako maghihintay sayo." napadilat ako at natawa sa sarili. Bakit bigla ko na lang naisipang kantahin yon. =_=

"Wag ka nang mag hintay, andito na ko." sabi ng isang pamilyar na boses. I looked on my left side, pero wala akong nakita kaya sa right side naman pero wala pa din. -_- "Sa likod mo." sabi ko nga eh hindi pa ko tumitingin sa likod ko.

Napangiti ako ng makita ang gwapong mukha ni Nick. "Merry Christmas, Ci." nakangiting bati niya sakin.

Tumayo ako at ngumiti ng pagka-tamis-tamis. Kahit na may mahal ako syempre hindi ko pwedeng baliwalain ung mga ginagawa ni Nick, saka tinatry ko ding turuan ung puso ko.

"Merry christmas din." lumapit siya sakin at saka ako niyakap.

He pulled from the hug at naupo siya, tumabi naman ako sa kanya.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita sakin?" tanong ko sa kanya.

My Crush is Inlove with Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon