C. 2

528 12 0
                                    

Cindy's POV

Isang ordinaryong araw lang naman ngayon. Nag lesson na din ung dalawang teacher namin at ngayon ay break time na. Asa room lang kami ni Mel. Bumili lang kami ng pagkain tapos bumalik din kami agad dito.

Ako ay bumili ng softdrinks, biscuit at choco mucho. Siya naman C2 at mga junkfoods.

"Ci, ang boring."

"Magtumbling ka hehehe." sinamaan niya ako ng tingin. "Joke lang naman." nag peace sign pa ko.

"Hmm. Ci, lapit na halloween party ng student council dito sa school. Punta ka ba?" napaharap ako sa kanya.

"Himala pumayag ang principal ah." tumango naman siya.

October na ngayon at sa pagkakaalam ko bago mag sem break may halloween party dito.

"Ewan ko kung pupunta ko." sagot ko sa tanong niya.

"Ha? Dapat pumunta ka last na yon no." nag poker face lang ako.

"Parang bata naman kasi. Pero baka pag pumunta ako mag all-black ako. Hahahaha."

"Oh, may susuotin ka na agad. Sige, basta punta ka. Ako mag all-red."

"Sige na. Sige na." sabi ko habang tumatango.


Napaharap kami nung biglang may pumasok. Kaming dalawa lang kasi ni Mel dito sa room eh.

"Oh, Adrian parang hinabol ka naman ng limang bading sa hingal mo na yan." sabi ni Mel sa dumating na si Adrian.

"Painom naman ako. Hinabol nga ako ng mga bading." napa-face palm ako sa sinabi niya. May pagka-mayabang talaga yang crush ko.

Inabot naman ni Mel ung C2 niya pero umiling si Adrian. "Ayoko kasi ng C2 eh." sabi pa niya.

"Ikaw na nga tong pinapainom arte mo pa. Tsk." sabi ni Bes saka nag cross arms.

Tumingin naman sakin si Aid tapos tumingin siya sa softdrinks ko. "Ah. Eh. Oh inom ka na." sabi ko ng medyo kinakabahan. Kinuha naman niya sakin ung softdrinks.

"Thank you ah." napantig naman ung tenga ko kasi thank you daw. Ngumiti naman ako at hindi pinahalatang kinikilig na.

Uminom na siya at napangiti naman ako nung uminom na siya, kasi di man lang niya pinunasan ung straw basta uminom na lang siya eh ininuman ko na yon. So it means indirect kiss yon. hihihih. tiningnan ko naman si Mel at naka-ngiti lang siya ng nakakaloko.

PAgkatapos niya uminom binalik niya na sakin. Syet kinikilig ako pero hindi ko pinapahalata.


"Oh eto na. Konti lang naman ininom ko eh." sabi niya ng may ngiti sa labi.

"Okay." Kinuha ko na at kumain na ulit.

"Sige. Labas muna ko." umalis na siya at......

"MEL! Nakita mo yon!?"

"Oo. Di ako bulag." walang ganang sagot niya.

"Mel! Ano ba indirect kiss yon!" tiningnan naman niya ako. Ako naman uminom na at tinapos ung pagkain ko.


After 15 minutes ng daldalan namin ni Mel, dumating na din si Ser. Eh dahil masipag akong mag aaral, lumipat ako sa dulo. Kasi kung 30 kaming mag kaklase, tatlo lang ata ang nakikinig sa teacher namin ngayon. Tapos ung mga nakikinig pa puro di honor. Yung bang parang wala lang magawa kaya pinagtitripan na lang si Ser. Pano nga ung mga subjects niya samin puro boring. Mapeh na naging history, TLE na naging automotive at Ekonomics na naging Math oh san kapa kaya walang ibig makinig sa kanya.

My Crush is Inlove with Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon