C. 15

113 7 0
                                    

Cindy's POV

"San ba tayo pupunta?" I asked the man beside me.

After what happened earlier, hindi na kami bumalik kung san ginaganap ung JS Prom. And we're actually running right now. Nagulat na lang ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako patayo at nag tatakbo kami kung saan.

Hindi niya ako sinagot at mas hinigpitan pa ung hawak niya sa kamay ko. Bigla naman akong nakaramdam ng kung ano sa tiyan ko. Sh.t kinikilig ako eh!

Pagkatapos ng ilang hakbang, hindi kalayuan sa inuupuan namin kanina, nakakita na ako ng liwanag. Bakit di ko to napansin kanina?

''Wow..." I whispered nung nag sink in sa utak ko kung ano ung nakikita ko.

"Nagustuhan mo?" tanong ni Aid. I just nodded my head as an answer.

Ang ganda may table sa gitna na naka-ayos. Tapos may naka-kalat na petals ng red roses. Then, puro ilaw naman sa mga puno, I don't know kung christmas lights itong mga ilaw na to.

Napukaw naman ng isang puno ang atensyon ko. Dali-dali akong kumalas sa hawak ni Aid at naglakad papunta sa punong yon.

"Oh my gosh..." napatakip ako sa bibig ko at maya-maya lang may tumulo nang luha galing sa mga mata ko.

"Hey! Hey! Hindi mo ba nagustuhan?" nag aalalang tanong ni Adrian nung nakita niya ung mga luha ko. "Tahan na...." pag aalo niya sakin at bigla niya akong niyakap.

Tears of joy. Ito ung tinatawag nilang tears of joy. Sa punong ito naka-sabit ung mga pictures ko. Mga stolen pictures simula grade six hanggang ngayong fourth year kami. Then, may naka-dikit naman na picture sa katawan ng puno na ito. Mga pictures namin ni Adrian nung wala kaming teacher. Tapos may naka-ukit naman na gitna nito na 'CL'.

"You did this?" I asked. I just want to hear from him na siya mismo ang gumawa nito.

He nodded as an answer.

Worth it lahat ng luha na naiiyak ko noon dahil sa sayang nararamdaman ko ngayon.

"Thank you. Hindi mo alam kung gaano mo kong pinasaya ngayon." I said at hinawakan ko ung pictures na naka-sabit.

Naka-ngiti, naka-nganga, nakasimangot, naka-pout, ngumunguya, nagsusulat, naka-pamewang, nagbabasa at madami pang ibang stolen shots ko. Hindi ko na din mabilang sa sobrang dami.

"Cindy..." tawag niya sa pangalan ko. tumingin naman ako sa kanya at ganun na lang ung pagwawala ng puso ko nung nakita ko siyang lumuhod sa harap ko.

"Cindy, from the very beginning gusto na kita. Ako lang tong torpe na hindi makaamin sayo. Kung alam ko lang na mahal na mahal mo din ako hindi ko na pinatagal pa. Cindy..." he pause. Hinawakan niya ung kamay ko.

Ang lamig ng kamay niya, halatang kinakabahan siya.

"Cindy.. Please be my girl..." he said.

Naka-tingin lang siya sa mga mata ko at ganun din ako sa kanya. Hindi ako makasagot. Kinakabahan ako o kinikilig. Ang bilis kasi ng tibok ng puso ko eh.

"Can you be my girlfriend, Cindy?" he repeated.

Ito. Ito ang isa ko pang iniimagine na mangyari sakin. Yung luluhod si Crush sa harap ko at tatanungin ako kung gusto ko bang maging girlfriend niya. Alam kong masyado pa akong bata para dito, pero may magagawa ba ko? Pag puso ang nag dikta asahan mo na wala kang magagawa.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Papatagalin ko pa ba? Syempre hindi, ngayong okay na kay Nick. At syempre ang mahalaga mahal ko si Aid at mahal niya din ako.

My Crush is Inlove with Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon