C. 17

109 7 0
                                    

Cindy's POV

"Adrian, may tanong ako?" tumingala ako at tiningnan ko ung mukha niyang nakatingin sa araw na palubog na.

Andito kami sa dalampasigan kung san namin laging pinag diriwang ung monthssary namin. Nakaupo lang kami sa buhangin, nakaakbay siya sakin, ako naman nakasandal sa dibdib niya.

Ngumiti siya. "Ano yon?"

"Bakit ang ganda ng boses mo pag ako ung kinakantahan mo? Tapos pag tayo tayo na sa school biglang ang sintunado na? Nagtataka kasi ako." I curiously asked. Kasi naman laging sintunado boses niya pag may kasama kami tapos kakanta. Tapos pag kaming dalawa na lang biglang ang ganda.

"It's because of you." nakangiting sagot niya. Kumunot naman ung noo ko.

"Sakin? Bakit?"

"Kasi gusto kong ikaw lang nakakarinig ng boses ko. Gusto ko ikaw lang ung kinakantahan ko. Ikaw ung pinag lalaanan ng bawat kantang kinakanta ko. Ikaw lang, walang iba." napawi naman ung ngiti sa mga labi ko nung sinabi niya ung walang iba. "Bakit?" tanong niya nung napansin niya ung nakasimangot kong mukha.

"Kinikilig na kase ako, linagyan mo pa ng walang iba sa dulo." naka-pout na sabi ko.

Natawa naman siya bigla at kinurot ung pisngi ko.

"Bakit ba kasi ayaw mo sa kantang yon? Diba kinanta ko pa sayo un dati?" napangiti naman ako nung naalala ko ung araw na yun. Yung araw na kinanta niyang mag isa un.

"Wala, ayaw ko lang nung kantang yun."

"Whatever you say.."

Tiningnan ko siya. Medyo madilim na din pero nakikita ko pa din ung gwapo niyang mukha dahil sa konting sinag ng araw.

"I love you.." I conciously said. Napangiti naman siya at humarap sakin.

"Can you say it again?" he request.

"I love you.." I said.

"Damn. I love you too Cindy." sabi niya at niyakap ako ng mahigpit..

"Always and will.." halos sabay namin bulong.









"Hey. Hey. Wha-why are you cr-crying?" napatakip ako sa mukha kong puno ng luha nung naalala ko na naman ung huling araw namin ni Adrian dito. That was our 11th month na magkasama, and that was our last.

"Cindy.." nagulat na lang ako ng may humawak sa kamay ko at inalis ito sa mukha ko.

Nanlaki naman bigla ung mata ko nung nakita ko ang nag aalalang mukha ni Adrian. I almost forgot that he's here, he's f*cking here, watching me.

"Wh-what are you d-oing here?" I asked stuttering.

Binitawan niya ung kamay ko at umiwas ng tingin. Humakbang naman ako palayo sa kanya.

Sh.t! Bakit siya nandito? Hindi niya dapat makita na ganto ako, mahina, nasasaktan.

Tumalikod ako sa kanya at lumakad palayo. Pero hindi ko maintindihan kung bakit nagwawala itong puso ko at parang sinasaksak sa sobrang sakit.

Naka-limang habang ako nung bigla niya akong niyakap sa likod.

Mas lalong hinigpitan niya ung pagkayakap sakin. Nag unahan na sa paglabas sa mata ko ung mga luha, mga luhang laging lumalabas nang dahil sa kanya.

"Cindy.." he whispered.

"Shit.." bulalas ko at kumalas sa yakap niya. Pinunasan ko ung mukha ko at pilit kinalma ung sarili ko bago humarap sa kanya. "A-anong ginagawa mo d-dito?" I stutter. Hindi siya nagsalita at umiwas lang ng tingin. "Ano! Akala ko ba asa ibang bansa ka na?!" sigaw ko sa kanya. Nagulat naman siya sa pagsigaw ko at bigla siyang napaharap sakin.

My Crush is Inlove with Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon