C. 3

390 15 0
                                    

Cindy's POV

Andito ako ngayon sa kwarto ko, tinititigan ko ung picture namin ni Aid kanina. Ang daming likes at comments.

721 likes 225 comments

Kinikilig na naiinis ako sa mga comments eh, eto ung ilan.

'Sila ba? Gwapo mo Adrian, swerte mo ate.'

'Di bagay. Tayo nalang Adrian.'

'Ang cute niyo po.'

at kung anu-ano pa. Ganyan talaga sasabihin niyang mga yan pano ang capture lang naman ni Crush ay..

'With my Friend.

Oo may puso pa. Tsk! Kinikilig ako eh. Napatalon pa nga ako kanina nung nakita ko eh.

Kinuha ko ung phone ko saka pinalitan ung wallpaper. Yung picture na naka-akbay siya tapos nakatingin ako. Cute lang.

"Ang gwapo mo talaga. Mwaaaa! Good Night Handsome." pinatay ko na ung loptop ka saka nahiga.

**

Nagising ako sa katok ni Kuya.

"Kapatid! Malelate ka na. Wake up na.!" sigaw niya sa labas ng kwarto ko.

"Yeah. Awake na me, Kuya." diba galing naming mag usap parang text lang.

Gumayak na ko, pagkatapos bumaba na para sana kumain kaso tinatamad ako. Hahahaha.

"Good Morning Kuya! Una na ko ah. Di muna ko kain. Ingat ka. Mwaaa!" tumakbo na agad ako palabas ng bahay kasi sigurado pipigilan lang ako ni Kuya. Ayoko muna kumain ngayon, busog pa ko dahil sa kakiligan ko kahapon. Hahahaha. Landiii!

Nag-abang lang ako ng masasakyan, after 5 minutes ng paghihintay may dumaan na ding jeep at sumakay na ko.

Maganda man ako pero di ako maarte. Kahit jeep lang ayos na. Enjoy kaya. Di ako katulad ng iba na mayaman nga pero di marunong makisalamuha sa ibang tao.

Nag vibrate naman ung phone ko at nakitang nag text si Kuya.

'Di kna naman kmain. Kaen ka sa skul nio. Ingat!'

Nag reply na lang ako baka tawagan pa ko nun eh. Over protective handsome brother.

Nang makadating ako sa skul diretso na ko sa room at nilagay ung gamit ko sa upuan. Wala pa naman si Mel kaya pumunta muna akong canteen para bumili ng sandwich. Nakabili naman ako agad kasi maaga pa.

Bago ako makalabas sa canteen, nakita ko si Nicole, classmate ko siya dati. Nginitian ko siya pero inirapan niya lang ako. Tsk kung makairap parang di kami naging magkaklase last year. Umiling na lang ako at pumunta na ulit ng room.

"San ka galing?" tanong ni Mel pagkapasok ko ng room.

"Bumili lang." tinaas ko ung binili kong sandwich.

Kumpleto na kami sa room ung teacher na lang ung kulang.

"Di ka nag umagahan sa inyo?" tanong na naman ni Mel.

"Hindi pa." sagot ko at naupo na siya sa tabi ko.

Dumating na din ung teacher namin at nung asa kalahati na ung discussion nakaramdam ako ng pagkahilo.

"Mel, cr lang ako." bulong ko kay Mel na nakikinig lang sa teacher namin.

"Samahan na kita." umiling lang ako.

"Wag na. Kopyahin mo na lang ung mga notes para makopya ko mamaya." tumango naman siya. Buti at di na nagpilit.

Nagpaalam na ko sa teacher namin at naglakad na papuntang cr. Buti nga pumayag agad eh. Napadaan ako sa section nila Nicole, bago kasi makapuntang cr ay madadaanan ung dalawang section pa ng 4th year. Nakatingin siya sakin tapos bigla siya tumayo. Di ko na lang pinansin at dumiretso na papuntang cr.

My Crush is Inlove with Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon