"huy andito na sila!"
"yan yung mga AB Comm students diba?"
"aahh ang gwapo ni Lance!"
Ilan lang naman yan sa mga naririnig namin pag naglalakad kami sa hallway o kaya naman kakain kami sa canteen.
Yes.
Medyo sikat kami sa university siguro dahil na din sa magaganda't gwapo kami (yabang ko no) at syempre sa talent namin. 3rd year college na kami pero ngayon palang kaming apat ang dami na naming nakukuha na offer na trabaho sa film industry. Kahit naman walwal is life kami may pangarap din naman kami.
"smile guys, dami na naman nating fans" psh! Edi ikaw na gwapo Lance!
"kapal ng mukha mo kumain na tayo may klase pa tayo no!"
"YES BOSS RANEE!"
For sure nagtataka kayo kung pano kami nagkakilakilala. Pwes...
*FLASHBACK*
"Jaz! Bilisan mo nga jan malayo pa biyahe natin o!"
"eto na eto na magsasapatos nalang kalma ka lang gurl!"
Ewan ko ba kung bakit nagmamadali tong si Ranee e enrollment lang naman ngayon. Kasama ko nga pala ngayon si Ranee sabay kase kaming mageenroll sa University pareho kaming 1st year college. Etong si Ranee simula grade 1 bff ko. Kasama ko yan sa lahat ng kalokohan, inuman at galaan. Palagi din kaming magkasama kasi si Papa at Daddy niya ay bestfriend den. Pareho silang Film Director na kung saan namana namin ni Ranee.
"sure ka na ba sa kukunin mo?" tanong niya sakin.
Sobrang sure na sure na ako dahil bata palang ako mahilig na ako sa mga movies or films. Tsaka panonood ng movies ang bonding namin ni Papa kaya naman wala ng makakapagpabago ng isip ko.
"oo naman tsaka for sure matutuwa si papa kung AB Comm kukunin ko" yup AB Communication ang kukunin namin. I want to be like Papa.
"ayan very good yan classmates pa din tayoooo"
Jusko kalian kaya kami maghihiwalay nitong kaibigan kong to.
-School-
"GUUUURL! Bet na bet ko tong school na to ha tapos dami pang papiiiii!"
"magtigil ka nga Ranee. Magenroll muna tayo bago ka lumandi ha" alam niyo di na ako magtataka kung pag uwi namin dito may jowa na to.
Sa totoo lang maganda naman talaga si Ranee. Hindi lang maganda, mabait, matalino, talented pa o diba sinong di magkakagusto jan. kaso dahil paulit ulit ng nasaktan ayan sabi niya sa sarili niya di na muna siya magseseryoso sa mga lalaki kaya landi landi nalang muna.
"ayan bes enrolled na tayo! We're readyyyy"
Di naman sa pagmamayabang pero excited na talaga akong pumasok. Hindi dahil madaming gwapo ha pero kase magagawa ko na yung gusto ko.
"bes kain muna tayo bago tayo umuwi" gutom na talaga ako kaya inaya ko siya.
"tara! May nakita ako kaninang café don malapit lang dun nalang tayo"
YOU ARE READING
Behind the Scenes
FanfictionJazmine a beautiful and talented soon-to-be-director is secretly in love with her best friend. She can perfectly direct and write a film but she can't direct her own romance. But after sometime she gets tired giving love and wants to receive love, s...