Scene 11

9 1 5
                                    


It's official.



Si Aiden na nga ang second lead dahil nagustuhan talaga siya nila Kuya Raf at Ate jam. Gusto ko pa sanang umangal kaso syempre ano namang say ko don e director sila kaya sila ang masusunod.


7:00 am


Ngayon ang official shooting ng movie kaya nagreready na ako dahil maaga ang call time namin.


*KNOCK**KNOCK*


"Jaz sabay na tayo" biglang pumasok si Aiden sa kwarto kaya wala na akong nagawa, buti nalang bihis na ako.

"hindi na maaga call time namin tsaka mamaya pa naman yung shoot mo diba?" ngayong umaga kase ang magshoshoot ay ang mga main lead mamaya pa ang call time ng ibang artists. Besides ayoko ng sumakay sa motor niya tapos ano yayakapin ko na naman siya?

"alam ko pero sasabay na ako sayo para makapag practice na din ako" pumasok siya sa loob at kinuha yung bag na lagi kong dala para sa shoot.

"k" yan nalang nasabi ko tsaka nakakatamad mag commute kaya siguro ok na nga din to.

Bumaba na kami at binigay na niya sakin yung helmet. Sa totoo lang nung una hindi niya talaga kami pinapasakay sa motor niya dahil sa babae niya lang daw to parang pogi points ba. Pero nung first time kong sumakay dito medyo natuwa ako dahil yun yung time na nayakap ko siya. Medyo nahiya din ako don dahil baka ramdam niya yung tibok ng puso ko kaya pinilit ko talagang hindi kiligin pero ngayon pramis hindi na talaga ako kikiligin.


Nakarating na kami sa location ng shoot at sobrang busy na ng mga tao kaya pumunta na ako sa tent namin at nagready na para tumulong. Nakita ko naman na nasa isang tabi lang si Aiden habang binabasa yung script niya.


"Babe need help" narinig ko na tinawag ako ni Drei. "may kailangan ka daw na props para sa scene pero naiwan sa studio ikaw lang available e kaya samahan mo na ako pls" tapos hinigit higit niya pa yung braso ko na parang bata.


Baka nagtataka kayo kung bakit 'babe' tawag niya sakin. sa totoo lang nung nagkaroon ng get together ang staffs dati tapos medyo lasing na kami pareho biglang umamin si Drei sakin na gusto niya ako kaso nung time na yon sobrang patay na patay ako kay Aiden kaya binusted ko siya. Kung alam ko lang na iiyak lang ako edi sana binigyan ko siya ng chance hayssss. Simula non imbes na iwasan ako kinulit pa ako ng kinulit ni Drei at ayan babe pa ang tawag sa akin.


"oo naman tara na baka magalit pa si direk pag na delay ang shoot" iniwan ko na yung mga gamit ko at naglakad na kami papunta sa studio.


Siya nga pala si Drei matagal ko na din tong kaibigan sabay kase kaming kinuha ni Kuya Raf. Isa siya sa Sound Director since same age lang naman kami tapos kaming dalawa yung bago kaya mabilis kaming naging close.

"boyfriend mo ba yon?" bigla niyang tinanong sa akin sabay turo sa motor ni Aiden.

"boyfriend? Hindi no! classmate ko lang yon" totoo naman e classmate ko lang siya bat naman niya iisipin na jowa ko yon.

"pano ba naman kasi di matanggal yung tingin sayo kanina" tinitingnan niya ako? Sus imposible.

"selos ka naman? Nagpapractice lang yon ng lines niya kaya kung saan saan nakatingin"

Behind the ScenesWhere stories live. Discover now