Lumabas na kami ng mall ni Mark tapos hinanap namin yung dating kinakainan namin ng mga isaw at buti nalang andon pa din si Aling Potta. Hindi ko minumura si ate ha yan talaga yung pangalan niya. Nung una nga ang awkward pag tinatawag namin siya pero ayon nasanay na kami di rin siya naooffend kasi yan talaga yung pangalan niya. (mahal na mahal ng nanay niya no)
"isaw at kikiam pa den?" tinanong ako ni Mark tapos tumango lang ako.
"Aling Potta 10 isaw tsaka 5 kikiam po" umorder na siya kay ate para mapaihaw na niya.
"Jaz!" akala ko si Mark yung tumawag sa akin pero paglingon ko nakita ko si Aiden.
Si Aiden? Anong ginagawa niya dito?
"Aiden? Anong ginagawa mo dito?" bakit bigla bigla nalang sumusulpot to? Lumapit siya sa inuupan ko tapos kumuha siya ng isa pang upuan at pumwesto sa tabi ko.
"wala trip ko lang kumain ng kwek kwek tapos nakita kita" pagkasabi niya yan umorder siya ng kwek kwek kay ate.
"o brad jan ka pala gusto mo?" bumalik na si Mark sa upuan niya tapos inalok si Aiden kaso tumango lang to at kinuha na yung order niyang kwek kwek.
Binigay na sakin ni Mark yung order ko tapos siya na din naglagay ng sauce ko. hhhhmmm sarap talaga nito at ang isa pang nagpapasarap dito ay yung hot sauce na nila na punong puno ng sili.
"Jaz tikman mo to ang sarap pala ng kwek kwek nila" bigla akong inalok ni Aiden tapos nilagyan niya ng kwek kwek yung pinggan ko.
"nako brad hindi nakain yan si MinMin ng itlog. Ewan ko ba jan abnormal yan hahaha" pagkasabi ni MakMak niyan e kinuha niya kwek kwek na niligay ni Aiden sa pinggan ko tapos siya nalang yung kumain.
"sorry Aiden di ko talaga gusto yung lasa ng itlog e" ewan ko ba para kasing kakaiba yung lasa niya. Yung iba gustong gusto yon lalo na yung pula ng itlog pero ewan ko nasusuka ako sa amoy palang ng itlog. (pero ibang itlog kinakain ko hahahha chos)
Di ko alam kung namamalikmata lang ako pero parang biglang nalungkot si Aiden. Wait baka assuming lang ako. Baka kase naisip niya sayang lang yung kwek kwek na bigay niya imbis na kinain nalang niya, oo tama yung lang yon.
Natapos na kaming kumain at medyo pagod na ako kaya gusto ko na din umuwi.
"pagod ka na Min, hatid na kita" papayag na dapat ako kase gustong gusto ko talagang umuwi kaso biglang sumabat tong isang lalaking katabi ko.
"ako na maghahatid sa kanya iisang dorm lang din naman kami" ano bang trip nitong si Aiden ngayon? Dati ayaw na ayaw niyang nagpapasakay sa motor niya tapos nitong mga nakaraang araw lagi niyang sinasabi na ihahatid niya ako pauwi.
"ok lang naman brad same way lang din ako pauwi" pinilit pa ni Mak na siya na yung maghahatid sa akin.
"ako na brad sayang pa yung gas mo" o diba ayaw nilang tumigil. Para tuloy ang haba ng hair ko na may dalawang lalaking nag aagawan sakin.
"tama na, tama na ok? Kay Aiden na ako sasabay Mark tutal dun naman siya, umuwi ka na magpahinga ka na den ha" ayan inawat ko na yung dalawa tsaka baka mamaya pag hindi sila tumigil magjeep pa ako.
Tumango nalang si Mak. "sige ingat kayo Min. byeee love you"
"ingat ka den love you" wag na kayo magtaka normal lang samin yan wala namang malisya e parang magkapatid lang.
YOU ARE READING
Behind the Scenes
FanfictionJazmine a beautiful and talented soon-to-be-director is secretly in love with her best friend. She can perfectly direct and write a film but she can't direct her own romance. But after sometime she gets tired giving love and wants to receive love, s...