After ng nangyare kahapon buong hapon na akong nanlalambot. Yung pakiramdam na ayokong umalis sa upuan ko tapos ayaw ko ding pakinggan yung napakaboring kong prof at higit sa lahat ayokong makita si Aiden. Natapos ng magturo yung matanda naming prof (sorry pero ayoko talaga sa kanya) at nagsitayuan na mga classmates ko last subject na den kasi namin to.
"Jaz ok ka lang ba?" inaayos ko na yung gamit ko ng bigla kong maramdaman na lumapit si Aiden sakin at bigla akong tinanong.
Ok? Sa tingin mo ok ako pagtapos kong makitang may kalandian kang iba?
"oo naman ok lang ako" yan nalang yung sinabi sabay ngiti tapos kinuha ko na agad yung bag ko.
"nakoo Jaz magkasalubong na naman yang kilay mo tapos ok ka lang?" so? Wala ka namang pake sakin diba bakit mo pa tinatanong?
"pero alam ko kung pano ka mapapasaya, sine tayo mamaya?"
Napatigil ako bigla sa paglalakad nung marinig ko yan. Sine? Sa tingin mo ganun kadali lang yon?
"sige text mo ko" PUTAAAA NAPAKARUPOK MO JAZ! Diba galit ka sa kanya?! Diba ayaw mo siyang makita?! Bakit ka pumayag?!
Pagtapos kong sabihin yon dali dali akong umuwi. Aaminin ko kahit palagi kaming nanonood magkasama at lagi niya akong inaaya excited pa den ako. Kahit alam kong gusto niya lang talagang manood para sakin special yon. Ganyan kasi lagi niyang ginagawa pag nalulungkot ako.
*FLASHBACK*
(2nd year)
"guys may bago na naman tayong project. Kailangan na nating magshoot next week para makaabot tayo sa deadline"
Kakatapos lang ng bago naming project may pinapagawa na naman samin. Actually first year palang ganyan na kaya sanay na naman kami.
"pagusapan na natin magiging flow ng film kailangan din natin ng cast. Kung gusto niyo pumunta kayo sa bahay ngayon wala namang tao samin" ako na nagsuggest na sa bahay namin kase for sure tatanggi na naman tong mga to.
Umalis na kami sa school at dumiretso na sa bahay.
"Perry, Oreo, Herbie, Hobbit!!!" pagpasok na pagpasok ko ng bahay mga babies ko agad tinawag ko. Mahilig ako sa aso kaya naman pinupuno ko ng aso tong bahay namin buti nalang hindi against sila Mama at Papa dito.
"hi babyyy! O asan si Perry?" yung tatlo yung lumapit sakin nawawala si perry.
"sige punta na kayo sa kwarto hahanapin ko lang si perry." Pagkapasok ko hinanap ko siya agad.
Sa kitchen..
Sa cr...
Sa mga kwarto...
Pero wala pa den... asan na yung baby ko...
"Jaz di mo pa den nahahanap?" nakita ko na pababa si Aiden galing sa kwarto ko.
"hindi pa den e. nasan na ba yon?" sa totoo lang paiyak na ako. Di ko talaga alam gagawin ko.
"kalma ka lang halika tingnan natin sa labas sa may garden baka naman nandun lang" nilapitan niya ako at inakbayan at inalalayan papuntang garden.
"PERRY!" ayon nakita ko ang baby ko pero huli na ako. Namatay na ang baby perry ko. Expected ko na naman to dahil matanda na talaga siya pero ang sakit pa den kaya naman hindi ko na talaga napigilan umiyak na ako ng umiyak. Buti nalang nanjan si Aiden para alalayan ako.
"Jaz tahan na matanda na naman si perry diba ok lang yan ha?" habang sinasabi niya ng paulit ulit yan medyo kumakalma na naman ako. Nung talagang kalmado na ako nilibing na din namin siya dito sa garden namin.
"Aiden thank you tsaka sorry nakita mo pa akong humagulgol at sipunin"
"ok lang yan no! pero alam kong malungkot ka pa den kaya gusto mong mag sine?" medyo kinilig ako don sa sinabi niya kaya naman um-oo ako agad syempre pampagaan na din ng loob.
-SINEHAN-
"anong gusto mong panoodin? Drama? Romance? Comedy?" hhmmm medyo nahirapan akong pumili pero dahil malungkot ako mas gusto kong manood ng comedy.
"the grown ups! Yun nalang panoodin natin!" pagkasabi ko non bumili na siya ng ticket at ako naman bumili na ng popcorn. Pumasok na kami ng sinehan at buti nalang kakaunti lang ang tao kaya hindi masyadong maingay.
Magstart na yung movie, namatay na yung mga ilaw tapos biglang nagring yung phone ni Aiden.
"hhmm sige punta na ako jan" aalis siya?
"Jaz sorry tinawagan ako ni Blaire sunduin ko daw siya pasensiya na talaga. Pero tapusin mo yung movie ha. Byee"
Wait. Anong nangyare? Iniwan niya ako dahil sa babae niya? Sabagay ano ba naman ako kaibigan lang naman pala ako.
Puta comedy yung pinapanood ko pero umiiyak ako. Mukha akong tanga pero wala akong pakialam. Ang sakit lang kase narealize ko na bakit ako umiiyak e wala namang kami diba? E ano naman yung bigla siya umalis e girlfriend niya naman yon?
Kaya ayon umuwi akong luhaan dahil iniwan na ako ni Perry iniwan pa ako ni Aiden.
*END OF FLASHBACK*
Nagbihis na ako at medyo umarte ako at naglagay ng konting make up. Kinuha ko na yung bag at susi ko at umalis ng medyo 'medyo' excited lang naman.
Pagdating ko sa sinehan pumasok na ako pero wala pa si Aiden kaya umupo muna ako tapos tiningnan ko na din kung ano yung mga showing.
Avengers : End Game
Toy Story 4
John Wick 3
Hhhmmm parang gusto kong maging bata ngayon. Tutal kailangan ko mag movie review next week papanoodin ko na din yung Toy Story ngayon.
15 minutes...
Wala pa den si Aiden. 5 minutes nalang magstart na yung sine. Nakita ko na den na nagpapasukan na yung mga tao.
*Ding*
[Jaz I'm really sorry pero di ako makakapunta ngayon si Honey kasi ayaw akong paalisin dito. Just enjoy the movie without me I'm sorry talaga]
Wow dejavu ba to? Nangyare na to e.
At eto na naman ang puso ko sumasakit na naman siya. Bakit ba hindi na ako natuto? Palagi nalang bang sa tuwing susuyuin ako ni Aiden bibigay at bibigay ako? Ayoko ng masaktan. Siguro tama na yung tatlong taon na patago ko siyang gusto at patago din akong nasasaktan.
Medyo nagtagal pa ako saglit, ewan ko pero di ko magawang tumayo at maglakad. Pero after 30 minutes naisipan ko ng tumayo at umuwi. Palabas na ako ng sinehan ng biglang may tumawag sakin...
"JAZ!"
_________
improving ba guys? hays sana naenjoy niyo pa den keep reading :)
_aeijnn
YOU ARE READING
Behind the Scenes
FanfictionJazmine a beautiful and talented soon-to-be-director is secretly in love with her best friend. She can perfectly direct and write a film but she can't direct her own romance. But after sometime she gets tired giving love and wants to receive love, s...