Scene 8

4 0 0
                                    

Tamang higa lang ako ngayon dito sa dorm namin kasi walang pasok ngayon. Maghapon na akong tulog syempre sinusulit ko na to dahil for sure pag pumasok kami madami na namang project ang itatambak sa amin.

Naisipan ko munang kumain at maligo bago ko pag aralan yung bagong script na binigay sakin ni Aiden.

"AY PUTA!" nabigla ako ng bigla akong may nakitang nakahiga sa kama ko. At ang nakakaasar non ay ang lalaking ayokong makita.


Si Aiden.


"kalma ako lang to" umupo ako sa sahig at napansin ko na may dala siyang mga boom pole/boom mic. Bakit siya may dala niyan? Tsaka dapat si Ranee ang katulong niya jan bakit naman dito niya itatambak yan?

"o bakit dala mo yan? Di niyo pa ba tapos ni Ranee ang Audio Files?" tumayo ako para ayusin yung mga mic.

"tinawagan niya ako sabi niya may nakalimutan siyang irecord tapos di pa niya ako masasamahan kase di pa niya tapos iedit yung ibang scene kaya ako muna ang pinagawa niya" hay nako for sure inuuna na naman non ang boys kaysa tapusin tong project namin.

"ano pa bang kulang? Tulungan na kita para matapos na agad"

"night breeze, kailangan niya daw yon para mas sweet yung ending scene" night breeze? E ang ending scene ng film namin ay nasa concert yung bida tapos kinakantahan siya nung bidang lalaki bakit magkakaroon ng night breeze?


Pero di na ako umangal at nagbihis na ako para maumpisahan na namin.


Ang piniling lugar ni Aiden ay 'Esmeris Farm' medjo malapit lang siya dito samin. Sobrang ganda dito sobrang instagrammable buti nalang dinala ko yung camera ko.


"Aiden teka lang pichuran mo muna ako dito!" tinawag ko siya at binigay yung cam ko tapos pumwesto na ako dun sa swing. Ang dami kong ginawang pose syempre minsan lang naman e hahaha


"Jaz halika dito" nakita ko na nakatayo siya malapit dun sa may bangin tapos may dalawang magkatabi na swing don na kapag sumakay ka parang didiretso ka na dun sa bangin.


Pinaupo niya ako dun sa isang swing tapos nilagay yung safety belt tapos bigla siyang sumakay dun sa kabila. Jusko! Di man lang ako tinanong kung di ako takot no!


"wag kang matakot masaya to promise" pagkasabi niya niyan bigla niyang hinawakan yung kamay ko. Hindi ko alam pero parang nawala yung takot ko. Parang nagblur yung paligid ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Tiningnan ko siya tapos sobrang saya niya. Ang ganda ng ngiti niya ngayon. Sino ba namang di magkakagusto sayo kung ganyan ka ngumiti? Sino ba namang makakapagisip ng matino kung yung taong ang tagal mo ng gusto biglang hawakan yung kamay mo para lang hindi ka matakot?


Nakita ko na sinenyasan niya si kuyang nasa likod para itulak kami.


"AAAAAHHHHH!" PUNYETA DI KO INEXPECT NA MALAKAS YUNG TULAK NI KUYA!


Pagkatulak ni kuya bigla akong napapikit kase feeling ko mahuhulog na ako dun sa bangin pero naramdaman kong humigpit yung kapit ni Aiden sa kamay ko.


"open your eyes Jaz. Tingnan mo ang ganda" unti unti kong binuksan yung mata ko and he's right sobrang ganda. Bukod sa parang nasa paa mo na yung ulap sobrang gandang tingnan nung mga puno at bahay sa ibaba. Hindi ko na naramdaman yung takot sobrang naenjoy ko na yung scenery.

Behind the ScenesWhere stories live. Discover now