Lumipas ang mga sumunod na araw nang tulad ng iba pang mga araw na puno ng masasayang alaala, paglalaro ng pingpong at kung anu-ano pang bagay na maisipan nilang gawin, kung titingnan sila mula sa malayo ay mapapansin ang hindi magkamayaw na pagmamahal sa pagitan nila. Isang linggo bago ang kanilang anniversary ay nagset ng surprise dinner para sa kanilang dalawa si Charles kaya sa mismong araw na niya sinabihan ang boyfriend na umuwi ng maaga.
“Oi Tong! Umuwi ka ng maaga sa mamaya,a.”, sambit ni Lance.
“Ok. Pero around 7 or 8 pm na ako makakauwi dahil may outdoor shoot kami para sa isa sa mga kliyente ko.”, tugon ni Charles.
“Sinong kliyente? Dapat kasi hindi ka kumuha ng shoot sa araw ng anniversary natin e.”, patampong usal ni Lance.
“Si Georgina yung kliyente. Magazine shoot kasi yun at may kontrata kasing pinirmahan kaya hindi ako makatanggi. Sorry na.”
“Ok. Basta uwi ka the earliest time possible.”
“Opo. Anniversary kaya namin ngayon ng mahal ko.”, si Charles na pinisil na naman ang ilong ni Lance na nakasanayan niya ng gawin na tinugon lang ng isang matamis na ngiti ni Lance.
Nang makaalis si Charles ay sinimulan na ni Lance ang pag-aayos para sa dinner nilang dalawa, pinalitan niya ng mga kurtinang pula at asul ang mga blinds na nakasabit sa salaming bintana ng unit nila, nilagyan niya rin ng pulang mantel ang mesa nila at nilagyan ang ibabaw nito ng mga kandila at ilang rosas na kulay puti, pula at asul. Natapos ang isang romantikong set-up ng mesa habang ang pagkain naman ay hinahanda na ni Lance, nagprepara siya ng clam chowder para sa appetizer, roast pork with mushroom gravy and mashed potato at isang masarap na devil’s cake para sa dessert. Paborito ni Charles ang mga pagkain na nakahain kaya tiyak na matutuwa ito pagdating. Halos alas sais y media na rin nang matapos si Lance sa paghahanda ng mga pagkain kaya nagmadali siyang naligo at nag-ayos at nagpapogi para sa pagdating ng nobyo ay handang handa siya.
Isang itim na longsleeves na polo at itim na fitted slacks ang isinuot ni Lance na binigyan niya na lang ng accent gamit ang isang pulang rosas na i-pin-in niya sa kaliwang bahagi ng kanyang longsleeves. Pumatak ang alas siete y media sa orasan pero wala pa rin si Charles na medyo ipinag-alala ni Lance lalo pa’t kanina pa nagsasalita ang operator ng “the subscriber cannot be reached”. Lumipas pa ang ilang oras na wala pa rin si Charles habang ang pagkaing kanina’y masarap ay lumamig na’t isa-isa nang niligpit ni lance na hindi pa rin nawawala ang pag-aalala.
Pagpatak ng ala una y media ay napagpasyahan ni Lance na lumabas upang hanapin ang nobyo pero sa kanyang pagbukas ng pinto ay bumungad sa kanya ang mukha ng papasok na si Charles na may hawak na isang bungkos ng mga rosas at isang kahon ng tsokolate habang nakayuko at nakaunat ang mga kamay na tila inaabot ang mga hawak na suhol.
“Bakit ngayon ka lang?”, si Lance na tila nagtatampo.
“Nagpalit kasi ng location ng photoshoot e. From Antipolo e bumiyahe kami ng Tagaytay kaninang alas tres. Lahat na nga ng excuse ginawa ko para lang makauwi ng maaga pero ayaw nila akong paalisin sa photoshoot dahil sayang naman daw yung ginastos sa props at kung anu-ano pa kaya imbes na makipagtalo e minadali ko yung shoot. Pasensya na talaga kung nalate ako, naghanap pa kasi ako nitong chocolates na paborito mo saka bumili nitong mga bulaklak para naman makabawi e kaya lang lalo naman akong napatagal. Kanina pa nga ako dito sa labas kasi hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag, pasensya na talaga…”, humihingal na sambit ni Charles.
BINABASA MO ANG
HOUSE FOR SALE (boyxboy) *COMPLETED*
Romansa"Charles and Lance combined and we're binded by chance and by chance we met and decided to live happily together...and not at any chance I will let you go." Paano kung nakalimutan na ang pangako? Paano kung bumitaw na sa pangarap na inyong binuo? -J...