Agad na dinala ni Charles sa pinakamalapit na ospital ang kaibigan pero nang malaman ito ng pamilya ni Lance ay nagpasya ang mga ito na dalhin ito sa Maynila dahil andon ang doktor na may hawak sa kaso ni Lance. Isa’t kalahating araw ring walang malay si Lance pero tulad ng dating linya ng doktor nito ay… “he’s fine” na ikinadududa ni Charles dahil sa ilang beses niya nang napapansin ang pananakit ng ulo o di naman kaya’y pagkahilo ni Lance kaya pinagpasyahan niyang kausapin ang doktor na nangangalaga kay Lance pero bago niya pa mapuntahan ang klinika ng doktor ay naharang na siya ng ina ni Lance.
“Charles, saan ka pupunta?”, tanong ng ginang sa kanya.
“Sa doktor po sana ni Lance at tatanungin ko kung bakit nagiging madalas yung pagsakit ng ulo ni Lance at kung bakit siya hinimatay kahapon.”, sagot ni Charles.
“Galing na ako sa clinic ni Dr. Santillan and he told me that it’s caused by the head trauma he incurred in the accident pero he assured me that Lance is doing good and responding very well with the medications so he will be back to his best shape in no time.”,tugon ng ginang.
“At babalik na rin yung ala-ala niya?”
“Walang may alam,pwedeng bukas, mamaya o sa oras na ito at pwede rin namang hindi na kahit kelan… ang tanong Charles, kaya mo pa bang hintayin na dumating yung pagkakataong maaalala ka niya?”
Hindi nakasagot agad si Charles sa tanong na binigay ng ina ng taong pinakamamahal niya… naisip niya muli ang posibilidad na hindi siya maalala nito pero sabay rin niyang naisip ang naudlot na paglapat ng mga labi nila bago mawalan ng malay si Lance na nagbigay ng panibagong pag-asa sa kanya na maaalala siya nito at magbabalik ang dati nilang samahan.
“tita, I’m willing to wait.”, si Charles.
“I suggest you leave him as early as now… I know that you won’t be able to take everything that’s going to happen. You save yourself from the pain.”, kalmadong usal ng ginang at tumungo na ito sa kwarto ng anak.
“Kaya kong tanggapin ang kahit na anong sakit dahil wala nang mas sasakit pa sa makalimutan ng taong mahal mo…”, sambit ni Charles sa sarili.
Malakas ang loob ni Charles na tumuloy sa kwarto ni Lance pero tila hinamon ng kanyang naabutan ang sinabi niya sa sarili kani-kanina lang…
“Tsong, andyan ka na pala! Ipapakilala kita sa girlfriend ko, siya yung nagbigay nitong bracelet na tinatanong ko sa’yo…”, sambit ni Lance na nakaupo sa kama at katabi ang isang babaeng may-ari ng isang pamilyar na mukha…
“Bev?”, pagtataka ni Charles sa nakitang babae.
“Magkakilala na kayo? Akala ko ba e hindi mo kilala kung sino’ng nagbigay nitong bracelet?”, tanong ni Lance.
“Kilala ko siya, assistant mo siya dati sa pinagtatrabahuhan mo pero hindi ko alam na siya ang nagbigay ng bracelet, ni hindi ko nga alam na may relasyon pala kayo e.”, matalim na usal ni Charles na may nakapapasong titig na binitiwan para kay Bev.
“Chill ka lang! Para ka namang kakain ng buhay na manok n’yan e.”, si Lance na napansin ang disgusto ni Charles sa narinig.
“I think I’ll go ahead. Dinalaw lang naman kita to make sure that you’re ok. Sige Charles, mauna na ako.”, si Bev na tila kinabahan nang makita si Charles.
“Ok. Sige. Bye” si Lance na hinalikan sa pisngi si Bev na naglakad ng mabilis palabas.
“Bev, ihatid na kita sa labas.”, nakangiting alok ni Charles na sinamahan nga ang dalaga palabas hindi para ihatid kundi para kumprontahin.
“Why do that Bev? Bakit ka nagsinungaling?”, tanong ni Charles kay Beverly habang hawak ang mga braso nito.
“Charles, nasasaktan ako. Bitawan mo naman ako…”, si Bev na kinakabahan sa ikinikilos ni Charles.
BINABASA MO ANG
HOUSE FOR SALE (boyxboy) *COMPLETED*
Romance"Charles and Lance combined and we're binded by chance and by chance we met and decided to live happily together...and not at any chance I will let you go." Paano kung nakalimutan na ang pangako? Paano kung bumitaw na sa pangarap na inyong binuo? -J...