Chapter 10

6.1K 187 65
                                    

“Okay naman. Ikaw?”, si Charles na nakangiti at hindi bumibitaw sa batang hawak.

“Ako? Anong ako?”, nauutal na tanong ni Lance.

“Kumusta ka na? Tensed ka na naman dyan. Si Melissa nga pala?”,tanong ni Charles.

“Andito lang ako. Puntahan ko na si yaya sa kusina para maihanda na rin yung lunch natin. Carl, can you help Tita Melissa?”, sambit ni Melissa sabay hawak sa bata at niyaya itong pumasok sa loob para maiwan ang dalawa.

“No, Tita. I want to stay with Papa and… ano pong pangalan ninyo?”, kalabit ni Carl sa natutulala pang si Lance.

“He’s your Tito Lance, kapatid siya ni Tita Melissa mo.”, si Charles na ang sumagot para kay Lance, “Please help Tita Melissa, first, would it be ok?”

“Ok po…”, malungkot na sambit ng bata na nagtatampong tumalikod.

“Carl, wait, may ibibigay ako sa’yo.”, tawag ni Lance sa bata.

Nakangiting humarap ang bata at agad na lumapit. “Ano po iyon?”

“ito…”, inabot ni Lance ang 2 bar ng chocolates na laging nasa bulsa ni Lance dahil kinakain niya ito sa tuwing makakaramdam ng lungkot. “itatanong ko kay Papa mo kung mabait ka, pag sinabi niya na good boy ka e dadagdagan ko yan.”, nakangiting sabi ni Lance sa bata.

“Papa, good boy naman ako diba?!?”, baling ng bata kay Charles habang kinakalabit ito.

“Hmmm.. ewan ko… maybe I’ll say yes if you’ll help Tita Melissa”, sambit ni Charles kay Carl.

“Ok po!!!”, masiglang tugon ng bata at pinuntahan na si Melissa na naghihintay sa may pintuan.

Nang makapasok na sa loob si Melissa at ang bata ay siniko ni Charles si Lance at sinenyasan na sumunod sa kanya na ginawa naman ng huli. Nang marating nila ang maliit na kubo sa likod ng bahay ay pinapasok siya ni Charles sa loob at pinaupo.

“Dito na lang tayo mag-usap para naman hindi nila tayo marinig. Hindi ko alam na darating pala kayo, sana pinapunta ko na muna si Carl sa Mama niya.”, sambit ni Charles.

“Wala yun. Nga pala, pwedeng magtanong?”, kinakabahang sabi ni Lance.

“Nagtatanong ka na diba?”, nakangising sambit ni Charles. “Ano ba iyong itatanong mo at tense na tense ka dyan?”

“Si Carl, anak mo siya? Kanino? Bakit hindi mo man lang ako pinasabihan?”

“Pinasabihan na ano? Na bibinyagan na siya? Kasalukuyan ka kasing nasa depressive state nung manganak si Georgina.”

“So anak mo nga siya?”

“Oo. Legally, oo. Pero anak siya nung pinsan ko kay Georgina, yung isa sa mga boss ng client magazine ko kaya lang e may pamilya na kasi yung pinsan ko so to save everyone in shame e inako ko yung bata pero hindi naman kasama si Georg dun.”

Napangiti si Lance sa tinuran ni Charles at hindi naman ito nakalagpas sa tingin ng huli. “bakit ka ngumingiti-ngiti d’yan?”

“E kasi akala ko e may asawa ka na at anak tapos may pamilya tapos wala na tayong pag-asa e.”, paliwanag ni Lance.

“May pag-asa? Kelan ba nawala yung tayo? Saka wag ka ngang magpacute! Trenta anyos ka na e kung magpacute ka akala mo 16 ka lang…”

“I may be thirty but I look like twenty! Ahahha!”, si Lance.

“Kulit!!! Kagatin kita dyan e!”, si Charles na pinisil na naman ang ilong ni lance na matagal niya na ring hindi nagagawa.

“ayan ka na naman sa pagpisil ng ilong ko.. yan talaga ang namimiss ko sa’yo e..”

HOUSE FOR SALE (boyxboy) *COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon