Chapter 5

4K 100 1
                                    

“Ding…dong…Ding… dong”, sunod-sunod na tunog ng doorbell.

“Aga ng ligaw a!”, pagbati ni Melissa nang buksan niya ang gate nang makita si Charles na kanina pa pinipindot ang doorbell sa gate

“Ligaw talaga? Asawa ko na nga liligawan pa…”, nangingiting tugon ni Charles.

“Asawa nga, hindi naman maalala…”, pang-aasar ng dalaga.

“nakakainis ka! Nakalimutan ko na nga pinaalala mo pa!”, nakasimangot na tugon ng binata.

“Sorry naman. Andun sa lanai si Lance, umiinom nung paborito niyang chocolate drink”

“Buti pa yung paborito niyang chocolate drink e di niya nakalimutan.”

“Asus!!! Ang inumin daw kasi e hindi marunong mag-inarte! Puntahan mo na yung jowa mo para naman tumigil ka na sa pag-eemote!”, nakatawang sabi ni Melissa na tinulak si Charles papasok na tinugon lang ng ngiti ng binata.

                Habang naglalakad si Charles papunta sa lanai ay nakita niya ang nanay nito na nag-aayos ng halaman sa garden kaya nagpasya siyang batiin muna ito.

“Good morning tita!”, bati ni Charles sa ginang na kasalukuyang naggugupit ng mga sirang dahon ng mga halaman.

“ikaw pala Charles! Nasa lanai si Lance, puntahan mo na lang siya ron.”, nakangiting usal ng matandang babae.

“Gusto ko lang pong bumati, need any help with your gardening tita?”, nakangiting tanong ni Charles.

“Hindi na. Puntahan mo na si Lance para naman may kasama yun at alam ko namang sa tatlong araw na di ninyo pagkikita e namimiss mo na siya.”, nakangiting tugon ng ina ni Lance.

“Ok tita. Salamat.” Si Charles na naglakad na papunta sa lanai ng bahay na nasa likurang bahagi ng bahay kung saan niya naabutan si Lance na hawak ang paintbrush at seryosong nagpipinta.

“Huy! Ano yan?!?!”, panggugulat ni Charles kay Lance na taimtim na nagpipinta.

“Ikaw pala… bakit ka napadaan?”, si Lance na hindi man lang natinag kahit ginulat siya ng kaibigan.

“Anong napadaan? Pinuntahan talaga kita kasi may lakad tayo.”, si Charles.

“Lakad? May usapan ba tayo?”, si Lance na huminto sandali sa pagpipinta at humarap sa kausap.

“Wala naman pero mukhang wala ka namang ginagawa kaya ok lang naman sigurong lumabas tayo, di ba?”

“Hmm… e kasi..”

“Walang kasi-kasi… minsan lang naman ako humingi ng pabor tapos tatanggihan mo pa?”, patampong usal ni Charles.

“Muntanga to! Kalalake mong tao tapos umaasta ka ng ganyan? Pero sige na, oo na, lalakad na kung lalakad pero pagtapos ko na lang magpaint, ok?”, si Lance.

HOUSE FOR SALE (boyxboy) *COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon