Chapter 7

3.7K 94 2
                                    

Lumipas ang tatlong araw na walang komunikasyon ang dalawa dahil sa pagiging abala ni Charles sa photoshoots niya para sa magazine habang si Lance naman ay balisa at di malaman ang dapat gawin hanggang sa pagsapit ng ikaapat na araw.

“Good morning Charles…”, masayang bati ni Lance na nakatapat ang mukha sa kanyang mukha.

“L-L-L-Lance?”, nagugulumihanang tanong ni Charles nang makita ang minamahal na nakangiti at nakatapat sa mukha niya na agad nagpabalikwas sa kanya… “Bakit ka andito?”

“Natural andito ako kasi bahay natin ito…”, sambit ni Lance na tila naging prominente ang tunog ng salitang BAHAY at NATIN sa kanyang pandinig.

“Bumalik na lahat ng alaala mo?”, masayang tanong ni Charles na tinugon lamang ni Lance ng isang ngiti at sandaling pagtango.

“Paano? Kelan pa?”

“Toothbrush ka na lang muna tapos punta ka na sa mesa at nagprepare na ako ng breakfast natin, sa table na lang natin pag-usapan ang mga bagay-bagay, gutom na ako e”, nakangiting usal ni Lance.

                Madaling tumayo si Charles para magsipliyo at dumulog sa hapag habang si Lance ay nakatayo at nilagyan ng sinangag, hotdog at itlog ang pinggan ni Charles.

“ang sweet mo talaga, namiss ko to… namiss kita…”, nakangiting usal ni Charles.

“Lagi mo naman akong kasama,a! Bakit mo naman ako namiss?”

“Para kasing ibang tao ka nung mga nakaraang araw at linggo, namiss kita nang sobra dahil alam kong hindi mo ako maalala at lalong mas nakakalungkot dahil alam kong wala ako dyan…”, pagturo ni Charles sa dibdib ni Lance.

“Kaarte naman! Kumain ka na nga dyan at alam ko namang binobola mo lang ako.”, nakangiting usal ni Lance.

“I’m so glad na bumalik na yung memory mo…”

“Baka dahil 28th monthsary natin kaya paggising ko e naaalala ko na lahat.”, sambit ni Lance na hindi mapigilan ang pag-iwas ng tingin sa taong nasa harap.

“28th monthsary… ang saya…”, naluluhang usal ni Charles na hindi makapaniwala na nasa harap niya ngayon ang taong akala niya’y di na babalik pa sa dati.

“Wag kang umiyak, ayokong umiiyak ka kaya wag ka ng magdrama.”

“Hindi ko lang kasi macontain yung happiness. I’m just so glad you’re here with me again.”

“Why don’t we go out and try to have some fun? Matagal na rin tayong hindi namamasyal together diba?”

“that sounds a cool idea! Let’s?”

“After breakfast. Kain muna tayo kasi mahaba-habang lakaran ang gagawin natin sa Intramuros.”

HOUSE FOR SALE (boyxboy) *COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon