Chapter 3

4.2K 105 0
                                    

Matapos dalhin sa emergency room si Lance ay agad na tinawagan ni Charles ang pamilya nito para ipaalam ang nangyari. Hindi na naging mahaba ang usapan sa telepono at ilang sandali lamang ay nakarating na ang ina at ang nakatatandang kapatid na babae ni Lance.

“Tita…”, mahinang usal ni Charles na tila isang batang nagsusumbong ang tinig pero may damang takot.

“Ano ba’ng nangyari iho? Nasaan na si Lance? Ano na’ng nangyari sa kanya?”, nag-aalalang tinig ng ina ni Lance.

“Kasi po nagmotor siya papuntang convenience store pero hindi pa siya nakakalayo e nabangga siya nung isang rumaragasang van.”, nanginginig ang boses na nagsalita si Charles.

“Bakit naman siya pupuntang convenience store sa ganitong oras?”, pasigaw na tanong ni Melissa, kapatid ni Lance.

“He wanted to buy some ice cream. Sabi ko sa kanya wag na, o kaya sasamahan ko siya pero ayaw niya at alam niyo namang sa aming dalawa e siya lagi ang nasusunod e. Kung alam ko lang na ganito yung mangyayari e ako na lang sana yung bumili ng ice cream…”, naluluhang sambit ng binata.

“Yan kasi ang sinasabi ko sa inyo. Dapat e nag-istock kayo ng maraming pagkain sa ref para hindi na kayo lumalabas at saka dapat natutulog kayo ng maaga hindi yung madaling araw na eh gising pa kayo.”, tuloy-tuloy na sabi ng ginang na huminto lamang ng makitang nanginginig ang mga kamay ni Charles at hindi na maimpit ang pagpatak ng luha sa mga mata kaya hinawakan niya ang kamay nito at pinisil. “Bakit ka umiiyak? Ginagamot na si Lance ‘di ba? Kalalaki mong tao e umiiyak ka dyan, ako nga hindi umiiyak e. umayos ka.”, sambit nito sa binata.

“Tita, he’ll be fine right? Gagaling siya diba? Hindi ko kasi alam ang gagawin kapag nawala siya e.”, sambit ni Charles na pinipigil ang pagdaloy ng emosyon sa kanyang katawan.

“Lance will be fine. He’ll be perfectly fine.”, si Melissa na hinawakan sa balikat ang “bayaw”.

Niyakap naman ng ina ni Lance si Charles para kahit papaano ay gumaan ang loob nila pareh; hindi naman kasi biro ang nangyaring aksidente sa anak niya ngunit dahil saw ala namn silang magagawa kundi ang maghintay sa sasabihin ng mga doctor ay mas minabuti na lang nila na maging malakas ang loob at magdamayan.Ilang sandali ring nanatili ang katahimikan sa pagitan nilang tatlo at tanging mga buntong hininga na may lungkot at takot ang maririnig sa koridor kung saan hinihintay nila ang kung sinumang doctor na may dala ng balita sa kalagayan ni Lance.

“Sino po yung kamag-anak ni Lancelot del Mundo?”, tanong ng isang doctor na may hawak na clipboard.

Agad na tumugon sa tawag ang tatlo pero ang ina nito ang nagsalita. “Yes doc? Ako ho ang ina ng pasyente. Ano pong lagay ng anak ko?”

“He’s out of danger now. Fortunately, wala namang major physical injuries na natamo ang pasyente bukod sa ilang gasgas at pasa however, he had this head trauma kaya kinailangan naming i-undergo siya ng MRI to see the extent of the injury but we are very positive that he’s in a relatively stable condition as seen in his vital signs. Currently he’s in room 304.”, sagot ng doctor.

“Thank you doc.”, sagot ng ina ni Lance na lumingon kay Charles na nasa likod lang niya na alam niyang masaya sa balitang natanggap.

HOUSE FOR SALE (boyxboy) *COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon