PINAGLARUAN NG TADHANA

8 0 0
                                    

SA PAG-APAK ng mga paa sa upuan na aking inihanda, ‘di ko napigilang mag-buntung hininga.

“Sa wakas, matatapos na ang pagdurusa ko.”

Unti-unti kong isinabit ang nakahandang lubid sa’king leeg at ipinikit ang mga mata.

“Huwag mong gawin ‘yan!”

Narinig kong sigaw ng aking Ate pagbukas ng pinto. Wala na akong pakialam, ang gusto ko lang matapos na ang paghihirap kong ito. Sinipa ko ang upuan at naramdaman kong humigpit ang lubid sa ’king leeg pero naramdaman kong may sumalo sa ’kin.

“Gabby, tigilan mo na ‘to. Parang awa mo na,” umiiyak na sabi ni Ate.

Niyapos niya ang aking katawan at mayamaya’y may kumalag sa tali.

Iminulat ko ang aking mga mata at nakita kong kasama niya ang kan’yang boyfriend.

Itinulak ko siya nang malakas at nagwala ako.

“Hayaan niyo na kasi akong mamatay! Pagod na ako! Ayoko na!” pagsisigaw ko.

Tumakbo ako palabas hanggang makarating ako sa kalsada. Ilang ulit na ba akong nagtangkang magpakamatay?

Heto ako ngayon nakatulala sa gilid ng kalsada at nag-iisip kung paano ako magpapakamatay.

“Kung hindi ako mamamatay gamit ang lubid, magpapasagasa na lang ako,” usal ko.

Unti-unti akong humakbang papunta sa gitna ng kalsada. Naririnig ko ang mga busina ng mga sasakyan pero hindi ko ‘to pinansin.

Nasa gitna na ako nakatayo at nakikita ko na ang humaharurot na truck—kaya napapikit ako.

Papalapit na.

Matatapos na rin sa----

Nagulat ako nang may tumulak sa ’kin nang napakalakas kaya nagpagulong-gulong ako papunta sa gilid ng kalsada.

“Nababaliw ka na ba, Miss?”

Ang sakit ng katawan ko.

Tiningnan ko ang lalaking tumulak sa’kin at agad bumangon. Lalakad na sana ako pabalik nang hilain niya ako.

“Saan ka pupunta? Magpapasagasa ka ulit?” tanong niya sabay hawak nang mahigpit sa ’king braso.

“It’s none of your business,” malamig na sabi ko. 

“Kung may problema ka, handa akong makinig.”

Tiningnan niya ‘ko sa mga mata at para akong nahipnotismo.

Dahil sa sinabi niya, nag-unahan sa pagbagsak ang aking mga luha. Ito ang hinihintay ko, may taong handang makinig sa mga hinaing ko.

“Halika, maupo tayo rito.” Hinila niya ako paupo at patuloy sa pag-agos ang aking mga luha.  

“Pagod na ‘ko. Bakit mo pa kasi ako tinulak?” nanghihinang saad ko.

“Ilang ulit na akong nagpakamatay.”

“Bakit ang dali lang sa inyo na kitilin ang inyong buhay? Hindi niyo ba naiisip ang mga mahal niyo sa buhay?” Bakit ko pa sila iisipin? Sila ang nang-iwan sa ‘kin.

“Wala na akong pamilya.”

Agad akong tumayo at naglakad pauwi. Nakita ko si Ate na tumatakbo habang umiiyak. Agad niya kong niyakap pero tinulak ko siya.

“Tinangka niyang magpasagasa kanina at mabuti na lang nakita ko siya. Kaya naitulak ko siya,” biglang sabi ng lalaking nagtulak sa ‘kin sa likod ko.

Maria Ligaya's Stories CompilationWhere stories live. Discover now