SELL DOWN THE RIVER

12 0 0
                                    

"Tama na!"

"Maawa kayo sa 'kin. Wala naman akong masamang ginagawa sa inyo."

"Pabida ka kasi! Ikaw na lang palagi ang magaling!"

"Nilalandi mo siguro ang mga guro natin kaya matataas 'yong mga grades mo!"

"Umalis ka na rito!"

"Aaaahhh!"

~~~~~~

"Dolly? Dolly? Gising na Dolly, nand'yan na si Ma'am Gallaza." Naalimpungatan ako dahil sa ilang tapik sa 'king balikat. Tinignan ko ang aking relo at ala una y media na pala. Inayos ko ang aking sarili at tumingin sa harap.

"Good afternoon class! May bago kayong kaklase at siguro kilala niyo siya 'di ba?" sabi ni Ma'am Gallaza at itinuro ang lalaking katabi.

"Siya 'yong Top 1 sa STEM 'di ba?" bulong ni Dianne sa 'kin. Tumango ako at ngumiti.

"'Di ba siya ang crush mo?" Hinampas ko siya at tinakpan ko ang kaniyang bibig.

"Manahimik ka nga at baka may makarinig sa 'yo,"

"I am Levi Mendoza and it's nice to see you all." pakilala niya at ngumiti. Kinurot ko si Dianne at kinagat ko ang aking labi. Ang g'wapo niya!

"Levi! Dito ka maupo sa tabi ni Dolly!" Nagulat ako nang biglang sumigaw si Dianne kaya nasabunutan ko siya.
Lumingon si Levi at ngumiti sa 'min. Habang ako naman, ngumiti ng pilit at pinipigilan ang kilig na nararamdaman.

"Bago ka umupo Levi, maaari ba namin malaman ang rason kung bakit ka lumipat sa ABM strand?" tanong ni Ma'am Gallaza sa kan'ya.

Nginitian niya si Ma'am at dahan-dahang tumingin sa 'king p'westo.

"Nandito kasi ang future wife ko," sambit niya at tinignan ako nang diretso. Naghiyawan ang aking mga kaklase dahil sa sagot niya.

Naglakad siya palapit at umupo sa 'king tabi. Kumabog nang malakas ang aking dibdib.

"Welcome sa ABM," sabi ko at naiilang na ngumiti.

"Salamat."

Lumipas ang mga araw at ganado ako sa pag-aaral. Naging malapit na magkaibigan kami ni Levi at palagi kaming magkasama. Tinuturuan ko kasi siya sa Accounting.

Pakanta-kanta pa 'ko ngayon habang umaakyat sa hagdan patungong 3rd floor. Lahat na kakilala ko ay binabati ko. Sobrang saya ang nararamdaman ko ngayon.

Pagkarating ko sa classroom namin, nakita ko silang nagkukumpulan sa upuan ko.

"Anong meron d'yan?" tanong ko at hinawi sila. Mayroong bulaklak at isang kahon na nakalagay.

"Ang bilis naman Dolly. Siguro ginayuma mo si Levi 'no?" kantyaw nila at nagtawanan.

Kinuha ko ang bulaklak at inamoy ito.

"Manliligaw?" Napatalon ako sa gulat nang may biglang bumulong sa 'king tainga. Si Levi!

"'Di ko alam kung kanino galing." nahihiyang sabi ko. Kanino kaya galing 'to? Sa kan'ya ba? 'Di ko mapigilang kiligin kapag naiisip ko na sa kan'ya galing 'to.

"Wala bang sulat?" tanong niya at umiling ako.

Hindi na kami ulit nag-usap dahil dumating na ang Accounting teacher namin. Kung nandito si Dianne, panigurado hinampas na naman ako at sinabunutan dahil sa kilig.
Habang nagsasalita 'yong guro namin, lumilipad ang isip ko. Kanina ko pa iniisip kung itatanong ko ba o hindi. Kaso nahihiya ako magtanong at baka mamaya hindi talaga sa kan'ya galing.

Maria Ligaya's Stories CompilationWhere stories live. Discover now