ALAS ONSE NG GABI

3 0 0
                                    

Gan'tong oras kami'y magkausap sa telepono. Walang gabi na hindi kami nag-uusap ng kahit anong paksa. Ngunit nakakapagtaka ngayon dahil alas dose na wala pa rin akong natanggap na tawag. Hindi ko rin siya matawagan.

"Saan ka pupunta, anak?" tanong ni Mama sa 'kin. Nagkabanggaan kami nang lumabas ako ng kwarto.

"D'yan sa labas Ma, may sisilipin lang." sagot ko sa kan'ya at hinalikan siya sa pisngi.

"Mabuti nga, kasi kanina pa 'ko may naririnig na kumakanta sa labas."

Dali-dali akong lumabas ng bahay at muntik pa 'ko madapa.

~Hindi kita iiwan~
~Hindi pababayaan~

Boses ni Ivan 'yon!

~Sa akin ay hindi ka iiyak na kahit minsan~

Habang papalapit mas lalong naging malinaw sa 'kin ang boses.

Hanggang sa nakita ko siya. Nakita ko siyang may bitbit na gitara at 'yong mga kasama niya'y may bitbit na bulaklak at malaking teddy bear.

Napangit ako sa 'king nasaksihan. Tumigil ako sa paghakbang at hinintay siyang matapos ang kanta.

"Hindi kita iiwan." Pagtapos niya sa kanta. Agad akong humakbang papalapit sa kan'ya.

"Magandang gabi, Ivy." bati niya sa 'kin. Hindi mawala 'yong ngiti sa 'king labi.

"Kaya pala 'di ka tumawag." ngumingiting sabi ko.

"Kanina pa ako kinakabahan eh," kabadong sagot niya.

"Hmm, Ivy." tawag niya sa 'kin.

"Po?" Hindi ko mapigilang ngumiti nang malapad.

"Nand'yan ba ate mo?"

"Wala, bakit? 'Wag ka mag-alala 'di magagalit 'yon 'pag niligawan mo ak---"

"Sayang. Tatanungin ko sana kung p'wede ko na siyang ligawan."

'Tatanungin ko sana kung p'wede ko na siyang ligawan.'
'Tatanungin ko sana kung p'wede ko na siyang ligawan.'

Ilang ulit nagpabalik-balik ang sinabi niya sa 'king isipan. Ang sakit.

"Umalis ka na! Alas dose ng hatinggabi nanghaharana." padabog akong umalis sa harap niya at sinaraduhan siya ng gate.

Ako lang ata nahulog sa taong palagi kong kausap sa telepono.

Maria Ligaya's Stories CompilationWhere stories live. Discover now