Zia Riondelle's POV
Zia Riondelle's POV
"So sweetie how's the resort in davao?"
mahinahong tanong sakin ni dad habang ako,si Mom at sya ay magkakaharap na kumakain sa isang long dining table. kinuha ko ang table napkin at marahang pinunasan ang labi ko saka sumagot
"Doing great dad. our market is really competing with other resorts out there. by the way our investors from seoul will be coming next week, they want to check our location for the planned theme park and water park in Pampangga and Cebu"
"You Are really my daughter Zia. You Are only 17 but you are really good in managing our business and at the same time you are maintaining your rank in your academy!"
"of course dad!"
tinuloy ko lang ang pagkain ko ng bigla namang nagsalita si mom
"by the way Zia, next month na ang 18th birthday mo. nakapagdesisyon ka ba kung saan mo gusto?"
"mom, I dont want a lavish party. I just want it to be simple.. so I've decided na sa Wattpat World Hotel nalang.. maybe!" sagot ko kay mommy with a convincing voice, alam ko namang papayag sila dahil hindi naman katulad ng mga nasa pelikula ang pamilya ko na dahil sa mayaman kami ay engranda na dapat, when it comes to my party my parents always letting me to decide but not on my own private life and career! Sigh!
"Okay. and also we will also going to announce your wedding!"
napabitaw ako sa fork na hawak ko at agad na nanlaki ang mata habang nakatingin sa mom ko
"Wedding?"
agad namang kinuha ni dad ang attention namin
"Yes Zia. your wedding! it's our family tradition. kami ang pipili kung sino mapapangasawa mo at iaannounce namin yun sa saktong araw ng 18th birthday mo!"
di nalang ako nagreact dahil shocked padin ang utak ko. I did everything to surpass their expectations simula bata palang ako. I never enjoyed my childhood because of them they are always saying na I have to run our business for my own welfare tapos ngayon? pati ba naman sa pakakasalan ko sila padin magdedesisyon. di ako nagsasalita pero ang totoo sakal na sakal na ako. Yes they are letting me have a vacation wherever I want, letting me to decide about my party but how about my career? Or even the person I want to marry? How about those things?
By the way. di nyo pa yata ako kilala. Im Zia Amber Riondelle, 17 years of age and turning 18 next month. BTW removed the name Amber... no more explanations... Im the Heiress of Riondelle Corporation. My family owned a chain of hotels, casinos, and theme parks in both asia and europe. wala akong choice bukod sa nag-iisang anak lang ako ng magulang ko ay wala rin akong cousins sa both side dahil ang magulang ko ay nag-iisang anak lang din ng mga Grandparents ko. meaning to say? konti lang kaming mga Riondelle. i'm Grade 12 student of Stanhell University in which isa ang dad ko sa board of directors. so? one wrong move and he will definitely know
After ng breakfast ay agad na akong hinatid ng driver ko sa school. pagdating ko ay nakita ko angbestfriend ko na may inaaway na lalaki
"manloloko ka!" oo tama ang narinig ko, yan ang sinabi ni Min, pero teka sino yung lalaki? Tss! nakatagilid kasi eh! di ko maaninag ang mukha, saka ang natatandaan ko wala namang boyfriend ang bestfriend ko! In what way sya niloko ng lalaking 'to?
"Matapos kitang pagsilbihan at mahalin eto lang ang igaganti mo sakin? ang kapal ng mukha mo!"
tapos nakita kong tumulo ang luha nya kaya agad akong lumapit at tinulak ang lalaking kaharap nya, wala na akong pake kung paano sya pinagsilbihan according to my bestfriend!
"Hoy Lala----" di ko na natuloy ang sasabihin ko ng makita ko ang mukha ng lalaking kaharap ko
"Drex??????????????????????????" as in napa -WHUT-ARE-YOU-DOING-HERE- look ako sa kanya at ganun din sya
"we-wait Amber?" nagtataka nyang tanong, so I gave a death glare
"magkakilala kayo?" takang tanong ni Min sa aming dalawa
pero ang ginawa ko ay hinila lang si Min palayo
"te-te-teka lang Zia, anu bang problema mo?"
tiningnan ko sya ng masama at saka tumigil sa paghila sa kanya. nakarating na pala kami sa School Garden
"you. what do you think you're doing? making a scandal? At kay Drex pa?"
"wait Amber!"
"shut up. It's Zia, So please? Maria Izendra Netherson stop calling me Amber?"
"oh okay fine. how did you know him?"
"Im the one that should ask you, how did you know him!"
"because?...........Uhmmmmm.. he's hot and popular?"
huh? popular? eh all this time nasa Japan sya huh? panong sisikat sya? model ba sya?
"How come he's popular?"
bigla nya akong hinawakan sa braso at umaktong kunyari ay pinunasan ito
"Don't you know? Drex is the leader of Bleu Knights Gang?"
"So?"
plain kong sagot! ano naman? gang? baka Ba-Gang o kaya naman Ti-Gang. like duh? Gang? Street or highschool gang? sucks! They're just a kids na walang magawa sa buhay kundi magtapang tapangan. and whut? leader si drex? di ko inaasahan!!
"anong so? don't you know that they're popular for being so Handsome, Perfect body, and Brave!"
"so? anu namang kasalanan sayo ni Drex? at tinatawag mo syang manloloko kanina?"
bigla syang ngumiti sa sinabi ko. my gosh kung di ko lang sya bestfriend matagal ko na syang pinakulong sa mental hospital -_-
"well, wala lang!"
"what?"
"di ko kasi type yung new girlfriend nya, not too pretty for him!"
"so? sino ba dapat ? ikaw??" sarkastiko kong tanong sa kanya
"maybe"
"Crazy!"
"Now.. let me ask you. di mo alam na gangster si Drex pero kilala mo sya? how?"
huminga ako ng malalim at tumingin ng masama sa kanya
"Sya yung kinukwento ko sayong childhood friend ko!"
nanlaki ang mata nya at bigla akong hinawakan ng mahigpit sa magkabilang braso ko
"You mean to say? your first love? yung lapastangang iniwan ka at pumunta ng japan ng walang paalam? yung lalaking di mo mapapatawad?"
lumayo ako sa kanya at tinaas ang kilay ko
"yes, ngayong nasa pilipinas na sya I will make his life a living hell!"
biglang pumalakpak ng marahan si Min at umikot sa akin
"well, well, well.. how? remember you're a perfect princess? the heiress of Riondelle Corporation? how can you be so cruel? eh wrong table manner nga lang galit na ang dad mo?"
"pwede ba Min, wag kang agaw trip.. bahala na, basta kelangang makaganti ako sa kanya..."
tinap nya lang ang shoulder ko at hinila na ako papunta sa classroom
"bago mo gawing living hell ang buhay ni Papa Drex, harapin mo muna si Medusa!"
---------------------------------------------------------------------------------------------------
Author's Note:
Thanks for reading the chapter 1 of my new story. sana nagustuhan nyo ang muling pagtatagpo nina Drex and Zia ^_^ salamat sa suporta :*

BINABASA MO ANG
Entering His World
Novela JuvenilPaano Kung Bigla Kang Ipasok Ng Magulang Mo Sa Isang Fixed Marriage At Malamang Ang Mapapangasawa Mo At Ang Pamilya Nito Ang May Hawak Ng Isa Sa Pinakamalaking Mafia Sa Buong Asya? Paano Mo Ipapasok Ang Sarili Mo Sa Isang Mundong Di Mo Alam Na Nage...