Andito lang ako sa bahay buong maghapon dahil nga sa wala kaming klase kaya nag general cleaning nalang ako ng kwarto ko, kahit na may maids naman kami para gumawa nito ay gusto ko paring maglinis ng kwarto ko!
Napatigil ako sa pag aayos sa loob ng walk in closet ko ng mapansin ko ang isang red box sa gilid ng cabinet ng mga sapatos ko kaya naman nilapitan ko ito at binuksan, bigla naman parang nanikip ang dibdib ko sa mga nakita ko, mga childhood photos ko kasama si Drex... anu bang nangyari?
Bakit ganoon? Parang kelan lang we're both little kiddos who loves to play and when we reach the age of 11 we suddenly realized that we are in love and we both promised to wait for the right age pero pag gising ko wala na sya! Tapos ngayon we're both on a right age at kung kelan nakalimutan na kita saka ka babalik. Drex yung tanong mo sakin? Dapat ko bang pag-isipan o i-ignore nalang?
Napabitaw naman ako sa kahon ng marinig ko ang intercom na tumunog
"young madam may phone call po kayo, ililipat ko na po sa line ng kwarto nyo!"
Kaya agad akong tumayo at lumapit sa phone na nasa bedside table ko and since wireless naman ay dinala ko na lang sa walk-in closet ko
"Zia's speaking.. who's this?"
"ah hi. Its me Lee!"
"oh lee!"
Kinakausap ko sya habang binabalik ang mga nalaglag na photo sa box
"are you free? Pwede ba kita yayain mag-mall?"
"sure, uhm magkita nalang tayo sa starbucks dun sa mall malapit sa school ng mga 2pm and Lee I have to end this call if you don't mind kasi nag-aayos ako ng mga old stuffs ko. I'll just text you if im already on my way!"
Pagi interrupt ko sa kanya. Napalapag naman ako agad ng phone ng Makita ko ang isang ring, at naalala ko kay Drex yung singsing na yun.. naalala ko rin ang exact na sinabi nya sakin bago nya ibigay sa akin yung ring
"Im giving you this kasi importante ka sa akin, galing pa to sa grandma ko amber at sobrang mahalaga to sa akin kaya I want you to be the new owner of this ring!"
Bago pa man kumawala yung luha ko ay agad ko na itong pinasok sa kahon at binalik sa gilid ng cabinet kung san ko ito nakita.. hays dapat kasi di ko na lang ito tinignan e!
Nag-ayos na ako ng sarili at nagpaalam kay mommy na may bibilhin lang sa mall, tamang tama gusto ko rin bumili ng bagong libro dahil wala na akong mabasa. Lahat na kasi ng nasa book shelf ko ay nabasa ko na kaya bibili narin ako mamaya!
Hinatid ako ni manong jerry papunta sa mall
"kuya di mo na po ako kelangan samahan sa loob just wait me here or pwede ka rin po muna magsnack sa mga resto i'll just text you po kung uuwi na tayo!"
At sumang ayon naman sya sa gusto ko kaya dumiretso na ako sa starbucks ng mall at andoon narin si Lee kaya agad ko syang nilapitan
"Lee sorry if I made you wait!"
"no, kakarating ko lang din Zee!"
Nakangiti nyang sabi
"Zee?"
Tanong ko naman sa kanya
"Ah Zee you know short for Zia!"
Pageexplain nya
"ah yun pala yun, eh ikaw palang kasi tumawag sa akin ng ganoon!"
Tapos nag-order lang kami ng frappe and blueberry cheesecake at after namin ay naglibot libot na kami sa mall, tinulungan nya ako pumili ng magandang libro at sya naman ay bumili ng magazines na puro tungkol sa cars
"so mahilig ka sa racing cars?"
Paguusisa ko naman sa kanya
"uhmm technically yes!"
"ah, alam mo bang i have a car racing lesson every Saturday?"
pagyayabang ko naman sa kanya hahaha di ko alam kung tama bang ikwento ko sa kanya ang sched ko pero mapagkakatiwalaan ko naman si Lee saka matagal tagal narin kaming nagkakasama at sya na yata ang boy bestfriend kong maituturing, lagi nya pa akong pinapasaya saka dahil sa kanya nakita ko ang real world. Heheheh
"Really? Di ko alam na ang cool mo pala. I thought princess type ka Zee!"
Sabi nya habang nanlalaki ang mga mata
"well dati princess type ako pero now nagbago e, my father wants me to learn those cool things!"
"what do you mean those? So bukod sa car racing may iba ka pang activities?"
"oo, martial arts!"
Di ko na sinabi pa yung gun firing at baka matakot na sa akin si Lee baka bigla akong layuan
"wow you're really cool Zee! Sana mapanood kita one time sa mga activities mong yan. Yung princess side mo lang kasi yung nakikita ko eh!"
"ay nako, sige i'll invite you sa mga sessions ko next time kung pwede kaso kasi may naghahatid sundo na sa akin dun eh!"
Nakasimangot kong sabi, naalala ko na naman si Drex, simula kasi kahapon sabi ni dad si Drex na ang susundo sa akin sa school at maghahatid sa akin sa mga extra activities ko para daw mas maging okay kami. Ang weird diba!
"nag-gogolf ka ba Zee?"
Nagshine bright like a diamond naman yung mga mata ko sa sinabi nya dahil bata palang ako gusto ko na magGolf pero sabi ni daddy di daw pang girl yun pero sila ni mommy naggo-golf kasi may sarili kaming golf club sa batanggas
"my family owned a golf club sa batangas pero never ako pinayagan ni dad mag golf!"
Disappointed kong sabi sa kanya
"gusto mo laro tayo sa Sunday? I'll teach you! Tapos after nun kakain tayo ulit ng KFC may alam akong masarap na kainan ng KFC bukod dun sa kinainan natin!"
Nakangiti nya namang alok at mas lalo akong naexcite feeling ko tuloy para akong isip bata na inaalok pumunta sa Disney land
"really? Sige sige!"
Sana dati ko pa nakilala si Lee sana sya nalang ang childhood friend ko at hindi si drex edi sana dati ko pa nasaranasan yung mga gantong bagay, yung kakain kami ng mga street foods at mamasyal sa kung saan saan na para bang hindi ako anak ng isang multi-billionaire. Ang sarap lang sa feeling!
Tapos after naming mag-ikot ikot ni Lee ay hinatid nya na ako sa parking kung saan nakapark ang sasakyan ko at andun na rin si Manong Jerry, magaala cinco narin kasi at di ako pwedeng maunahan ni dad makauwi sa bahay dahil sure sesermonan ako nun
"anak malapit na ang debut mo, ilang weeks nalang gusto mo bang kumuha na tayo ng organizer?"
Tanong ni mommy habang magkaharap kami ngayon sa hapag at nagdidinner
"kayo pong bahala mommy!"
Nakangiti ko namang sagot pero deep inside ayoko naman talaga magparty, bakit ba kasi nauso ang debut eh, pag eighteen dapat may ganun? Tsk!
Pagtapos kong kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko, inayos ko ang mga pinamili ko kanina, nagshower at natulog. Mahabang araw na naman ang kakaharapin ko bukas!!! :/

BINABASA MO ANG
Entering His World
Genç KurguPaano Kung Bigla Kang Ipasok Ng Magulang Mo Sa Isang Fixed Marriage At Malamang Ang Mapapangasawa Mo At Ang Pamilya Nito Ang May Hawak Ng Isa Sa Pinakamalaking Mafia Sa Buong Asya? Paano Mo Ipapasok Ang Sarili Mo Sa Isang Mundong Di Mo Alam Na Nage...