Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ako si Sean Salcedo, grade 11 student and I'm currently taking up GAS or General Academic Strand in Joseph High School, an all boys school.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
I have a simple life there with my best friend, Garret "Garry" Alejandro. Isang matabang nerd na walang ibang alam gawin kung hindi ang mag-aral ng mabuti at kumain ng marami. Mayroon siyang makapal na eye glasses, hugis bao ang buhok at palaging nakacomplete uniform.
Oo, magbestfriend kami kahit na malaki ang pagkakaiba naming dalawa. Hindi kasi ako nerd at hindi rin ako mataba. Wala akong makapal na eye glasses at hindi ko rin sinusunod ang rules and regulation ng school tulad ng pagsuot nang complete uniform at maayos na hair cut. Damn! Kelan ba kasi naging maayos ang hugis bao na buhok? Hayss! Kaya siya binubully eh.
Para saakin ay maayos at normal naman ang mundong ginagalawan ko. Huwag ko nga lang makikita at maririnig si Mico, actually I don't want to hear even his name.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Mico Salvador is my friend, or should I consider now as my classmate? Hays ewan! Basta para saakin ay kaibigan ko pa rin siya, kahit na hindi ganun ang turing niya saakin.
Bad boy, bully, walang awa, walang modo, trouble maker, babaero at masasabi kong isang "DEMONYO". Oo, ganun siya i-describe ng mga teachers at estudyante sa school. Demonyo kasi siya makitungo eh.
Magkaibigan kami dati, actually hindi lang basta friend kundi "BEST FRIEND", pero ngayon hindi na. Hindi kami nag-away o nagtampuhan, wala rin akong maalala na may nasabi o may nagawa akong hindi maganda sa kanya. Basta nagising na lang ako one day na mailap at umiiwas na siya saakin. Ngayon ay bihira na kaming mag-usap, ni-magpansinan at magkibuan ay hindi na rin namin magawa.
Habang tumatagal ay unti-unti na rin akong nasasanay sa paglayo niya. Syempre minsan masakit, lalo na kapag nakikita ko siyang nasa ibang circle of friends. Pero sabi ko nga nasanay na ako, and besides I still have Garry. Kahit naman kasi hindi ko gusto yung trip niya minsan ay love na love ko pa rin yung baboy na 'yun.
But there's one thing I can't explain on me...
Bakit sobrang concern ko pa rin kay Mico? Bakit sa tuwing binabatukan siya ng mga teacher namin ay parang ako yung nasasaktan? Bakit sa tuwing makikita ko siya na puro pasa ang mukha't putok ang labi ay parang gusto ko siyang lapitan at gamutin? Bakit kapag hindi ko siya nakikita ay nangangati ang paa ko para lumakad at hanapin siya? At bakit ganun? Bakit sa kabila ng paulit-ulit niyang pag-iwas at pagtaboy saakin ay heto pa rin ako na parang asong naghahabol sa kanya?
Nagkakaganito lang ba ako dahil hindi ko maalis sa sistema kong kaibigan ko siya? O baka naman...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"I'm in love with my old friend?"
-
Hope you like it guys! Please do not forget to VOTE⇨COMMENT⇨SHARE and FOLLOW ME at @imyourjikjik! Thank you.